Kamusta na kayo? Paumanhin naman sa mga dumadalaw dito sa aking site. Ang taas pa din ng hits kahit wala akong update. Nakakahiya naman.
Anyway, ako’y abala sa aking negosyo kaya ganun. ‘Di bale, di ako nawawala. Update lamang ito.
Ako ang nagbigay ng deadline sa isang editor na nakausap ko para sa ginagawa kong nobela. Ipapabasa niya sa Editor in Chief para kapag ayos, ipapublish nila. Sabi ko October 2012, tapos ko na. Nganga. Epic fail. Buraot. Luga. Next October ulit, nakasampung kabanata naman ako. Hindi na masama, may mahigit sampung kabanata pa.
Ito ang bahagi ng Kabanata 7
…Hindi na siya nagtagal pa sa computer house. Naglakad pa siya nang naglakad. Nakakita siya ng bukas na tindahan, may nag-iinuman din. Nagpaload siya. Nagtext ulit kay Jay. Habang nagpapatuloy siya sa paglalakad ay umaasa siyang tutunog ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa.
Malayong malayo ang San Ignacio sa San Nicolas. Kitang-kita ang makulay na posteng umiilaw sa paligid ng kalsada. Hindi na ganon kadaming sasakyan ang bumabyahe sa mga oras na iyon pero halos kada minuto ay may dumadaan. May nadaanan siyang trak ng basura at mga basurerong nangongolekta ng basura sa bawat kanto. May magbabalot ding sumisigaw, inalok pa nga siya. Wala siyang planong direksiyon kung saan pupunta. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad, katwiran niya’y hangga’t walang dead end. Hangga’t hindi sumasagot si Jay sa kaniyang text. Hatinggabi na.
EDSA na pala. Pinagpasiyahan niyang umakyat sa footbridge. Nanatili siya doon ng isa’t kalahating oras. Napakagandang pagmasdan ng mga ilaw ng mga sasakyan kapag nakahinto ang mga ito. Mga alitaptap ng lungsod, tanglaw sa mapanglaw at maharot na Maynila. Napagtripan niyang bilangin base sa kulay at uri ang mga sasakyang humaharurot galing sa Monumento papuntang Makati, Pasay at Alabang. May mga pulubi namang nagkaniya-kaniyang hanap na ng puwestong mahihigaan sa gilid ng footbridge. Tuyot na ang plastic na sisidlan ng rugby, ang isa’y binilog pa ang plastik at binato pa sa kasama. Tulog na tayo, mga putangna nyo, buhay pa kayo. Paker! Sigaw pa ng isa. May isang binatilyo naman ang tumuntong sa barandilya ng footbridge. Idinipa pa nito ang kamay. Ilalabas ko daw ang aking pakpak, lilipad na ako. Lilipad na ako. Paalam mga ‘tol. Siyang paghaklit naman ng isa. Tangena ka eh no, ‘wag kang tae. Matulog ka na. Papakamatay ka, eh kupal ka pala eh, tanga, wala na daw space sabi ni Sampedro, walang iwanan. Matulog ka na. Igapos nyo nga ‘yan mga ‘tol.
Kinabahan ako. Parang nakita ko sa mukha ng pulubing gustong lumipad ang mukha ng kapatid kong si Joseph. Kamusta na kaya ang bunso kong kapatid? ‘Yong pulubi, sinagip ‘nong kapuwa pulubi niya sa pagkakahulog, kung hindi ito naging maagap, tiyak na basag ang bungo nito’t lasug-lasog ang katawan at maaaring nasagasaan pa ng mga humaharurot na sasakyan. Nangilabot ako sa nabuong larawan sa aking isip. Sa kabila ng sitwasyon nila, sa kalagayan ng mga pulubing ito, hindi kayang itatwa na nagdadamayan sila. Sino kayang karamay ni Joseph? Ako sana kaya lang malayo kami sa isa’t isa. Sana maayos ang lagay ng bunso kong kapatid.
May mangilan-ngilang dumadaan na inaalok ng panandaliang aliw ng mga babaeng nakatambay din sa footbridge. Nakita niya ang isang motel nang iminosyon ng babae sa lalakeng kausap nito ang direksiyong kinaroroonan ng gusali ng mga panandaliang halinghing at anas. Iniangkla ng lalake ang kamay nito malapit sa suso ng babae habang papagawi sa motel. Malamang nagkasundo na sa presyo. Mayamaya’y may lumapit sa kaniya. Pasuray-suray pa ang lalake. Tinanong siya kung magkano pero mabilis siyang umiling….
mahaba-haba ang deadline mo ngayon tay ..haha
tanong lang? kasing harot ba ni jay ang maharot na maynila? tnt
magbabalik na pala ako ..LOL
nagbalik na siya…..^_^
Ang lalaki sa footbridge?
Ang ganda ng kabanata 7, matagal pa ba mapublish ‘lo? parang magandang kwento ito. Si Jay, si Joseph.. parang si J.kul at si kuya Pong lang ehhehe, miss you na pareho.
mukhang malasa ang nilulutong libro sir! galing!
aabangan ko po yan sa bookstores! 😀
ang pagbabalik ni Jay xD
tapusin mo na adre para may maantabayanan na kami.. hehehe..
take your time, basta bilisan mo lang hehe 😀
madamdamin ang pagbabalik mo hehehe
Wow. galing galing. goddluckness!
uy jkul kamusta na? merry christmas na talaga ha may snow na site mo 🙂
Mabrook! 😀
sir! hehe. hihintayin ko ang paglabas nitong libro mo ah. pipila ako sa pirma mo. ingat!
At dahil nainspire mo ako in ways na hindi ko maisa-isang i-pinpoint: