Namisplace na Bahay, Naglayas na Sasakyan, Lusaw ang Buhay

 

Nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa mag-asawang Junep at Cel Ocampo ng RightMedia Philippines tungkol sa isang seminar para sa mga taga-media. Si Junep ay isang PR Consultant at si Cel naman ang facilitator ng nasabing seminar. Sa akin ipinagkatiwala ang pag-iimbita sa mga bloggers. May pasok ang karamihan kaya ‘yong mga nagleave ay nadaragan o sadyang mahal na mahal nila ako para sumama sa akin.

 

Noong ika-apat ng Oktubre ay nasa Insurance Institute for Asia and the Pacific kami (bloggers) kasama ng  mga iba’t ibang personalidad mula sa pahayagan, radyo, magazine ganun na din ang mga personalidad naman mula sa insurance sector at mga negosyanteng may direktang kinalaman sa insurance.

 

Ang sabi sa akin ni Cel, matagal na daw silang nag-eexist pero bibihira ang nakakaalam ng tungkol sa kanilang samahan/asosasyon kaya naman bilang isa sa layunin nila ay ang palawakin at paramihin ang mga taong magiging aware ay sinimulan nila ang seminar sa mga paaralan at isinunod naman ay para sa mga taga-media.

 

Mahigit isang siglo nang nag-eexist ang mga Insurance Company dito sa atin, pag-aari man ng mga banyaga ang ilan pero isa itong indikasyon na buhay ang negosyong ito sa ating bansa. Kung matatag ang ganitong industriya, ibig sabihin may malaking tulong ito sa ekonomiya maging sa isang indibidwal sa Pilipinas.

 

Pamilyar tayo sa Life Insurance pero bihira sa isang ordinaryong Pinoy na unawain ang Non-Life Insurance. Maaaring napasadahan sa pag-aaral, nabasa sa pahayagan o naikuwento ng mga nakakaalam pero ang totoo, hindi naman natin talaga ito binibigyang pansin. Sabi nga ng isang participant mula sa hanay ng mga bloggers, tayong mga Pilipino daw, nabubuhay at naghahanapbuhay para makasurvive. Ibig sabihin, hindi na mahalaga ang mga insurance na ‘yan. Kung may extra-money ka, saka mo pag-isipan. May punto din pero dahil nagbabago ang panahon sa atin o kahit saang sulok ng daigdig mas magandang ikunsidera ang mga iniaalok na serbisyo/produkto ng mga insurance companies. Nananalasa ang Habagat kamakailan lang sa atin, hindi iyon bagyo pero marami ang napinsala, ‘don pumapasok ang kahalagahan ng mga insurance companies. Minsan iniisip natin na raket ito. Hindi naman agad napapakinabangan ‘yan, worst patay ka na saka pa lamang maki-claim lalo na sa Life Insurance. Sa ibang bansa, “it’s a must” na may insurance ang isang tao. Dito sa atin, iilang porsyento lamang ang meron nito.

 

Sa seminar ipinakilala ng medyo malalim ang industriyang ito. Ating unawain na ang insurance ay proteksiyon sa panahong kailangan natin. Halimbawa, ang bahay mo ay nasunog o kaya namisplace mo, sasakyang ninakaw, naglayas o nalubog sa baha. Sa halip na tayo mismo ang mag-shoulder ng mga gastusin, sasaluhin ng mga non-life insurance companies ang gastusin. Depende ‘yan kung anong package ang kukunin mo. Ganun din naman sa Life Insurance, hindi naman natin alam kung kailan tayo malulusaw sa mundo. Bakit lusaw naman hane?

 

Ito lamang ang tandaan natin, kapag Non-life insurance, isang taon lamang ang kontrata niyan at renewable samantalang ang Life-Insurance ay mayroong iba’t ibang termino ng pagbabayad depende sa package o premium na babayaran at pwede kang kumita o tumubo ang iyong pera. Meron ding micro-insurance na kahit tayong mga ordinaryo ay kayang-kayang maka-avail. Magsaliksik, magtanong at palawakin ang pang-unawa.

 

May mga samahan din ang mga insurance companies. Sa Non-life, PIRA ang tawag dito at PLIA naman sa Life, ang mga samahan/asosasyong ito ang nagpapatatag sa industriya ng insurance. Sinusupurtahan at binubusisi din ang mga samahang ito ng Insurance Commission na pinapatakbo naman ng ating pamahalaan. Isama na din natin ang Insurance Institute for Asia and the Pacific, kung gusto mong magpakadalubhasa sa industriyang ito, pwede kang mag-aral, magsaliksik at magtanong.

 

Mabilis tandaan. PIRA ay pera PLIA ay tunog Laya. Kalayaan. Magandang ekonomiya. Matatag na industriya. Malaking tulong sa pag-unlad ng bansa.

 

Para sa karagadang kaalaman:

http://www.plia.org.ph/

http://www.pirainc.org/

http://www.insurance.gov.ph/

http://iiap.com.ph/

 

 

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Kalakalan sa Pilipinas, Kulturang Pilipino and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

10 Responses to Namisplace na Bahay, Naglayas na Sasakyan, Lusaw ang Buhay

  1. bagotilyo says:

    Isang pagsubok lalong lalo na samin ni tadong Daniel ang lamig ng” aircon con yelo” nung araw na yon pero sulit naman kasi andami naming natutunan.

    Ang isang karanasang maari kang matuto ay isang karanasang wala kang talo.

    Hindi ko man magamit ang lahat ng natutunan ko ngayon darating ang araw magagamit ko din yan pag Yaman ko .. bwahahahha…

    P.S hindi ko pa din ubos yung takehome mentos … tnt

  2. tomaritz says:

    hmmm mukhang maganda nga yung non-life insurance… salamat sa karagdagang kaalaman at sa mga links🙂

  3. apollo says:

    ang pangalawang trabaho ko ay sa isang non-life insurance company. dun ko rin nalaman ang kahalagahan ng insurance sa atin.

    isang paalala rin: laging siguraduhin na lisensiyado ng insurance commission (IC) ang mga insurance companies na kausap ninyo. isa pa, dapat lisensiyado siya ng IC sa produktong inaalok nila. halimbawa, kilala siyang insurance company ng mga bahay pero wala pala siyang lisenyang magbenta ng car insurance. maraming insurance companies ang gumagawa ng ganito. konting ingat lang.

  4. superjaid says:

    para sa akin mas ok kumuha ng non life insurance kesa sa life insurance. at tama ka malaki ang maitutulong nito sa atin.

  5. tadongdaniel says:

    sana gumawa rin sila ng mga insurance para sa mga mahihirap. ang nabanggit kasi na micro-insurance ay para maprotektahan ang mga negosyo ng “insured?”.

    hindi pa ako nakakagawa ng akda dito. haha. ang tagal na rin pala.

  6. buhaylibro says:

    Wohoho haha dito ko tinake yung mga seminars ko, from basic non life hanggang sa mga advance. Insurance course sa IIAP, Bago ako bago ako maging ganap na underwriter. haha :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s