File Save As…Layunin

Marahil kaya hindi parehong-pareho, kopyang kopya, gayang-gaya ang bawat tao dahil walang saysay na naging tao pa. Kahit nga halaman o puno, iba ang dahon, iba ang amoy, iba ang hugis ng bunga, tao pa kaya?

 

Nandon ang ganda sa bawat nilalang. May espasyo sa utak na maghambing. May espasyo sa paligid para ang iisang nais ay maging isang malaking katotohanan. Iba ka. Iba.

 

Isipin mo ‘to, kung iisa ang utak ng bawat tao, eh di lahat nagbablog ng ganitong ganito sa sinulat ko. Iisa ang oras ng pagtae natin, iisa ang amoy ng hininga natin. Iisa ang bawat bigkas. Hindi natin alam kung sino ako at sino ka. Walang paghahambing. Boring. Baka hindi nga natin alam ang salitang boring.

 

Walang saysay.

 

Ano bang patutunguhan nito?

 

Ang mundo’y walang hiwaga, sadyang tayo’y tao. Nabubuhay, naglalaho, nabubuhay…naglalaho. Isa ang may kasiguruhan,  magmamarka ang hininga mo sa mundo. Sa tsinelas, sa tubig, sa apoy….sa balat ng puno…sa alapaap, sa internet…sa utak ng iba…sa ospital, sa simbahan, sa paaralan….kung saan nagagawi ang paa mo. Kabahagi ka ng mundong ito. May espasyo ka.

 

Bukas, gigising ka, minsan naka-alarm clock pa, pero sana sabi nga nila, gumising kang may LAYUNIN sa buhay.

 

Kaya naman natin ‘di po ba?

File Save As…layunin. Bakit?

 

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , . Bookmark the permalink.

10 Responses to File Save As…Layunin

  1. limarx214 says:

    Isang magandang pagmuni-muni sa buhay.
    Iba ako, iba ka, iba sila ‘yung galing mo sa pagsulat iba talaga kaya dapat lagi kang susulat nakakamiss magbasa ng ganitong post na galing sa tunay na malikhaing isip.

  2. sagwa nga naman kung may kapares ka na hininga, hihihi. tao po, kumakatok lang po. kamusta papa J.

  3. bigla rin akong napaisip… kung halos magkakatulad ang mga tao… eh di lahat ng tao tuwid ang buhok…. di na kailangan ng rebound… kung kulot kulot lahat…… kahit di na magsuklay keri bels lang….

    Pero di naman siguro ako papayag kung lahat ng makakasalubong ko ay kamukha kong lahat.. hahahaha adik lang…. Kamusta na lolo!😀

  4. cheesecake says:

    layunin ng buhay
    mahiwaga
    Dios lang ang nakakaalam

  5. JH Alms says:

    naniniwala rin ako na ang lahat ng mga tao ay may kani-kaniyang layunin sa buhay.. sa ganang akin na lang halimbawa, napakarami.. hindi ko na lang iisa-isahin.. pero dahil sa mga layuning iyon, natututo akong panatilihin ang pagkamahinahon ko sa lahat ng bagay.. dahil din sa mga iyon tumatak sa utak ko na kailangan ko pang mabuhay ng mas matagal hangga’t maaari at alam kong kailangan pa ako ng pamilya ko.. bukod sa pambihirang inspirasyon na dala ng mga “layunin”, masarap lang din talaga ang mabuhay.. hehehe

  6. tadongdaniel says:

    Minsan, sir, nawawalan ako ng layunin. Gusto kong balikan noong panahong nag-aapoy ako sa pangarap at kagustuhang…. ano nga ba? Anak sa bodeng! Mabuhay! Napangiti niyo nanaman ako sa sulat niyo!

    “Ang mundo’y walang hiwaga, sadyang tayo’y tao. Nabubuhay, naglalaho, nabubuhay…naglalaho.” – peborit ko.

  7. Nakaka inspire talaga ang mga akda mo ginoong kulisap!
    Maraming Salamat po!

  8. Zia says:

    Layunin… isang bagay na nakakalimutan ng iba sa atin.. kaibagan, pamiya, mahal sa buhay, salapi? Kung kaya minsan kinikitil nila ang maiksing buhay na meron sila…

  9. bagotilyo says:

    file name: asdjlhk

    TAy! lagi akong walang load . alam mo na . pag walang load walang _____layp? hahahha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s