Kayumangging Damdamin

Tanyag ang Noli Me Tangere at El Felibusterismo bilang nobela ni Dr. Jose Rizal, ang mga librong ito ay naglayong maibunyag ang pang-aabuso ng mga Espanyol sa ating mga Pilipino. Ang orihinal na mga libro ay isinulat sa wikang Espanyol kung saan mauunawaan ng mga kalaban. Aking ipinapalumagay na sinadya ito ni Rizal upang maisulong ang pag-aklas, dahil kung sa wikang taal ito isinulat, baka iba ang naging takbo ng kasaysayan ng Pilipinas.

Anupaman,naging mahusay na sandata ang panulat na ito ni Rizal na hanggang ngayon ay pinag-aaralan at patuloy na sinasaliksik ng mga dalubhasa maging ang kaniyang buhay at mga ginawa.

Kinilala din ang husay ni Francisco “Balagtas” Baltazar sa isinulat niyang Florante at Laura; matalinghaga at matulain ang kaniyang likha na ginagawang batayan ng mga dalubhasa at mag-aaral sa pagpapayabong ng kanilang karunungan sa malikhaing pag-iisip at pagsusulat.

Kung may kakayahan kang hikayatin at malugod ang isang mambabasa,masasabing isa kang maalam na manunulat.

Bakit ka nagsusulat? Paano ka nagsusulat at ano ang layunin ng iyong isinusulat?

Kung bakit ka naghahanap ng kasagutan sa madalas na pagtayo ng titi sa umaga hanggang sa mapapasigaw ka habang tangan ang isang tao na nag-aagaw buhay,mayroon at mayroon kang paghuhugatan ng paksa. Mula sa pansariling karanasan hanggang sa malawak,masalimuot at banayad na pangyayari sa ating kapaligiran. Ang mga ideya ay parang tubig sa batis na dadaloy hanggang sa ilog papagawi sa malawak na karagatan. Hanggang sa hindi ka na lamang nag-iisang nagtatampisaw,mayroon nang nahahalina sa iyong isinusulat- ang iyong mga mambabasa. Magkakatalo na lamang ‘yan kung sapa o pusali ang inyong paglalanguyan at kung sino ang mga nakikitampisaw.

Inaamin ko,wala akong pormal na pagsasanay sa pagsusulat kung kaya hindi ko masasabing manunulat ako. May mga alituntuning sinusunod sa malikhaing pagsulat,dahil lahat ng nakapag-aral ay may kakayahang sumulat o magpahayag pero may lumalabas na natatangi. Ang tanging batayan ko lamang ay kung ano ang iniuutos sa akin ng aking mapanuri at hindi pangkaraniwang obserbasyon sa aking buhay. Kung paano ako inaakit ng oras na tumitig sa kawalan,akin na ang sarili kong mundo. Sa pagiging payak,nais kong sumubok at susubok pa rin dahil natagpuan ko na kung ano ang pwede kong maging silbi. Kahit sa pagsusulat man lamang ay magkaroon ng tinig ang mga titik na siyang humuhubog ng aking bukas. Maari mong angkinin ang ideya subalit ang mga salita na bumubuhay sa paksa ay hinihiram mo lamang sa mga nabasa mo ring sulatin. Hindi ko inaayunan ang orihinal na konsepto ng isang paksa. Maidagdag ko na rin,dahil ang pagsusulat ay kaluluwa ng isang manunulat.

Malalim o mababaw ang ipinaparating,iisa ang umiikot na paksa dito,ito ay ang buhay natin dito sa mundo. Pangsarili man o tumatalakay sa pangkaramihang karanasan,nagbibigay ito ng buod na magsisilbing punyal sa isang mambabasa para mapukaw ang kaniyang KAYUMANGGING DAMDAMIN.

Inaanyayahan kita na pumanhik dito sa aking pook kung saan KAINAMAN ang KAYUMANGGING DAMDAMIN.

 Ang utak ang siyang umuunawa sa mga titik pero ang puso ang siyang dumarama nito.
 
Lagi mo sana itong baon kapag ika’y papanhik dito, at ganun din naman ako kapag ako naman ang pinatuloy mo sa iyong tahanan.
 

6 Responses to Kayumangging Damdamin

  1. kuya mao ay nagsasabing:

    Ito na ba ang pagbabalik ng isang alamat?! 🙂

    sabi nga ni pareng duks:
    “Welkam bak, Ebak!”

    🙂

  2. bagotilyo ay nagsasabing:

    naiiyak ako..hahaha

    P*cha ang lalalim ng mga binitawan mong salita.

    tagos sa puso sa buto, sa atay at sa lahat ng internal organs ko.

    Maligayang bati este maligayang pagbabalik.

    mas magiging maligay ang blogworld dahil ika’y nagbalik tay 😀

  3. aninipot ay nagsasabing:

    Parang ang bumalik ay ang jkulisap na nakilala ko sa i.ph.
    🙂

  4. cheesecake ay nagsasabing:

    mahilig ka rin pala sa mga racing cars at ufc? lol.

  5. born-san ay nagsasabing:

    Well said! Ang galig sir! 😀

  6. binky ay nagsasabing:

    Nakakalunod ang mga binitawang mga salita.. Napukaw ang aking Kayumangging Damdamin, bagamat naumpisahang mag-isip na ang manunulat ay may luntiang kaisipan.. 🙂

    Makikisunod at nakikibasa ng iyong mga akda.. Bagamat hindi hasa sa pagsasalita ng wikang Pilipino pipiliting arukin ang mga nais ipabatid.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s