Masaya Ako

Ang hirap magsulat kapag masaya?

Siguro. Oo. Hindi. Wala akong pakialam.

Masaya ako.

Kumusta?

God bless you my blogfriends🙂

 

Posted in Kamalayang Malaya, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy | Tagged , , | 3 Comments

Tuparin ang Pangako

Ikaw na magbabasa nito, huwag mong hayaang lilipas ang paglalakbay mo sa mundo na hindi ikaw ang tatapos ng iyong kuwento.

Kaya mo! Natatangi ka.

 

Kumusta?

Posted in Kamalayang Malaya, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy | Tagged , | 10 Comments

#km4

Kumusta kayo? 

Posted in Uncategorized | Tagged , | 4 Comments

Mapanukso

Ang biyahe minsan, hindi laging tuwid ang direksiyon, minsan kailangan nating lumiko para malaman kung may iba pa bang daan. Kapahamakan o kasagutan man ang hatid, may isang pahiwatig na matutuklasan ng karanasang iyon na ang buhay sadyang may kaniya-kaniyang ruta sa panahong sinadya o tinukso lamang ng oras….

Bahagi ng isang alaala ang talatang ito. Noong minsa’y tinutukso at nagpatukso pero matamis ang alaala para mas makilala ang sarili.

 

 

 

 

Posted in Kamalayang Malaya | Tagged | 4 Comments

Sakripisyo

Para makamtan ang totoong tagumpay, kailangang may isakripisyo. Kailangan talaga.

Kumusta na kayo? Maraming salamat sa inyo.🙂

 

Posted in Kamalayang Malaya, Mga Tula ng Puso, Titik Pinoy | Tagged , | 3 Comments

File Save As…Layunin

Marahil kaya hindi parehong-pareho, kopyang kopya, gayang-gaya ang bawat tao dahil walang saysay na naging tao pa. Kahit nga halaman o puno, iba ang dahon, iba ang amoy, iba ang hugis ng bunga, tao pa kaya?

 

Nandon ang ganda sa bawat nilalang. May espasyo sa utak na maghambing. May espasyo sa paligid para ang iisang nais ay maging isang malaking katotohanan. Iba ka. Iba.

 

Isipin mo ‘to, kung iisa ang utak ng bawat tao, eh di lahat nagbablog ng ganitong ganito sa sinulat ko. Iisa ang oras ng pagtae natin, iisa ang amoy ng hininga natin. Iisa ang bawat bigkas. Hindi natin alam kung sino ako at sino ka. Walang paghahambing. Boring. Baka hindi nga natin alam ang salitang boring.

 

Walang saysay.

 

Ano bang patutunguhan nito?

 

Ang mundo’y walang hiwaga, sadyang tayo’y tao. Nabubuhay, naglalaho, nabubuhay…naglalaho. Isa ang may kasiguruhan,  magmamarka ang hininga mo sa mundo. Sa tsinelas, sa tubig, sa apoy….sa balat ng puno…sa alapaap, sa internet…sa utak ng iba…sa ospital, sa simbahan, sa paaralan….kung saan nagagawi ang paa mo. Kabahagi ka ng mundong ito. May espasyo ka.

 

Bukas, gigising ka, minsan naka-alarm clock pa, pero sana sabi nga nila, gumising kang may LAYUNIN sa buhay.

 

Kaya naman natin ‘di po ba?

File Save As…layunin. Bakit?

 

Posted in Kamalayang Malaya, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy | Tagged , , , | 10 Comments

Ibinaba ko ang aking underwear

Kapag natuto ka nang bumaba mula sa kinalalagyan mo, ‘don nagsisimula ang masarap na paglalakbay

Kapag naranasan mo nang magutom, tiyak na mabubusog ka na.

Kapag sinubukang mong tingnan ang iyong kapuwa sa mata, ng matapat at maligaya, malalaman mong ‘di ka naman pala nag-iisa.

Kapag walang wala ka na, don mo mararamdamang tao ka pala. Darating ang pagsuko at aaminin mong wala kang kapangyarihan. Hindi ka superhero.

Ang sabi nila sa akin, ang pride daw parang underwear, kapag hindi mo ibinaba, walang mangyayari. Kainaman eh!

At totoo ngang ang tunog ng tren sa Batangas ay..tsug..tsug eh..tsug..tsug eh…iba na ‘to. Tawa muna.

Ngiti muna diyan. Happy Friday dear friends. I love you all. Thank you Manila.

Posted in Kamalayang Malaya, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy | Tagged , , , , | 17 Comments

Maligayang Kaarawan Joel Pelandiana

Ipinanganak ako sa mundong ang tanging balot ay bahid ng dugo, hubo’t hubad akong natunghayan ng iilang tao. Ang aking ina’y naluha sa kaligayahan kahit na siya’y nanghina, ‘wala siyang pakialam ‘don, ang mahalaga’y ako’y kaniyang iniluwal..dahil ako’y mahal niya buong buo. Ako’y isang champion, dahil sa milyon milyong semilya ng tatay ko, ako ang nagwagi.

Ngayon, malaki na tayo’t binigyan ng karapatang magdesisyon para sa sarili nating buhay, ano baga’t doon pa tayo nagsuot ng madaming maskara. Minsa’y mahirap sumuong sa sitwasyong alanganin na kahit na masakit na’t masikip sa pakiramdam, kailangan nating ipamalas na tayo’y matapang at masaya. Gumagawa tayo ng mundo kung saan palagay natin tayo’y ligtas sa mapanghamak at nang-aaliping kapuwa na sa totoo lamang, sila’y nagkukubli din sa takot, sa pangamba, sa lungkot dahil ang katotohanan, iisa tayong tao na humihinga. Iisang hangin ang ating nilalanghap, walang mayaman, walang mahirap, ‘ni matapang o duwag. Iisa tayo ng mundo. Lahat tayo’y may karapatang maging maligaya at magtagumpay.

Sabi ni Andrew Matthews sa kaniyang aklat na “Being Happy”, dapat daw tularan natin ang mga bata, kapag sila’y nagugutom, nasasaktan o malungkot o nangangailangan ng pagmamahal, walang pagaatubiling iiyak siya’t iaabot ang kaniyang kamay para sa tulong at kalinga na kailangan nila.

Anong nangyari ngayon? Bakit ganun? Kaya pala? Sabi ko na nga ba! ‘Yon ang pakiramdam ko. Wala akong pakialam, buhay mo‘yan.

Marahil ‘yan ang magiging reaksiyon mo kapag ipinagpatuloy mong basahin ang mga pangungusap kong ito ngayon.

Pumalaot si J. Kulisap sa blogging community apat na taong mahigit na ang nakararaan. Isang insektong kumakatawan sa pangkaraniwang tao sa bansang Pilipinas. Karakter na binigyang buhay ni Joel Pelandiana. Isang karakter na kaniyang pinili upang maipamalas at makapaghatid siya ng mga literaturang pwedeng makapagpabuhay sa natutulog na pagmamahal ng mga Pinoy sa wikang Filipino. Sinadya ni Joel Pelandiana na gumamit ng isang karakter dahil sinadya niyang ihiwalay ang kaniyang personal na buhay at pagkakakilanlan. Naniniwala kasi siyang, hindi naman mahalaga kung sino ang manunulat, mas kinikilingan niya kung ano ang mensahe ng isinulat. Sinadya niyang magkubli, magbulaan sa aspetong personal nang pumalaot na si J. Kulisap sa blogging community. Una, mas mahilig siyang makinig sa kuwento ng iba, kesa siya ang magkukuwento ng sarili niyang buhay. Isinapuso at minahal niya ang karakter ni J. Kulisap. Pangalawa, sinunod niya ang payo ni Salome, siya ang humikayat kay J. Kulisap na magsulat, aniya “ Ano pa’t kailangan mong magpakilala, hindi naman kailangan.”, sumangayon siya sa katuwiran ni Salome.

Inaamin kong nalunod ako sa karakter ni J. Kulisap. Nagbunyi ako nang magtagumpay si J. Kulisap na makilala ang kaniyang mga akda sa ilang paligsahan sa pagsusulat. Dito nahasa ang angkin kong galing sa pagsusulat. Aaminin ko na, mahusay talaga akong magsulat. Dati hindi ko matanggap dahil kulang na kulang ako sa tiwala sa sarili ko gayong gustong gusto ko namang magsulat. Dahil sa pagsusulat dito ko naranasang magkaroon ng TV interview, first time ko ding mag-autograph sa isang pahayagan kung saan mababasa ang aking artikulo at dahil sa pagsusulat doon ako nabigyan ng ‘tsansang makilala ang mga tinitingalang tao sa lipunan natin. Kamakailan lang ay na-ifeature na naman ang winning entry ko na may kinalaman sa pagiging makabayan. Pangarap ng isang manunulat ‘yan, at kung gugustuhin ko, confident na akong magkaroon ng libro.

Subalit mga kaibigan, mayroon akong hindi napaghandaan sa bloglife. Dahil si J. Kulisap ay isang karakter, humarap ako sa pagsubok. “Paano ako haharap sa mga taong gustong makita ng personal si J. Kulisap? Kaya naman mahigit isang taon muna ang dumaan bago ako makipagkita sa isang blogger, sa isa pang blogger hanggang sa dumadami na. Teka muna, nagiging personal na ang interaksiyon. Minaliit ko o sadyang mahina akong umintindi na ang taong nakakausap ko sa blogging community ay mga totoong tao din. Humihinga, umiiyak, tumatawa, naghahanap ng kung ano…ng karamay, ng pag-ibig, naghahanap ng kung ano….nang mga nawawalang bahagi ng kanilang pagkatao. Isang mundo kung saan madaming maskara. Merong matapang, merong mabait, merong maginoo, merong relihiyoso, merong inaangkin na siya’y anak ng dilim.Merong hantarang nagpapahayag ng nais niya. Lahat ay nakamaskara. Lahat ay may nais iparating sa kaniya-kaniyang pamamaraan totoo man o bulaan.

Alam nating makapangyarihan ang salita. Kaya nitong gawing ginto ang lupa gayong gawing demonyo ang anghel.

Habang nahahasa ang kahusayan ko sa paghahabi ng mga wikang may kayumangging damdamin, lumalawak naman ang pakikipag-uganayan ko sa mga bloggers. Ano mang layunin o hangarin ng mga taong ito’y iisa lamang ang nagbibigkis sa amin. Kami’y mga manunulat ng buhay, pakubli man o hantad. May ilang mga tumawid pampang…mayron akong inanyayahang tuklasin kung sino ako sa totoong buhay. Mas lumalim ang ugnayan na hindi kayang isulat nang nagmamaalam na manunulat lamang. Ganun ‘yon.

Minahal o kinamuhian man ang karakter ni J. Kulisap ng ilan, hindi ko itatangging may malaking pagbabagong naganap sa totoong ako. Mas kinubli ko si Joel Pelandiana at sinadyang itago. Hinayaan kong makilala si J. Kulisap kaysa kay Joel Pelandiana.

Ang paglantad ng totoong ako sa blogging community ay walang mabigat na rason dahil sa totoo lamang, hindi naman dapat. Kaarawan ko na sa June 30.. Walang taong nagiging masaya na siya’y habang buhay na bulaan sa mga taong natutunan na niyang mahalin. Ang katotohanang ito’y para sa mga taong minahal at hinangaan si J. Kulisap, para na rin sa mga taong nagtatanong at napapaisip kapag nakakadaupang palad ako.

Sino ba si J. Kulisap sa labas ng blogging community?

Ako ay si Joel Pelandiana, lalake, 33 years old pero hindi nakatadhanang gumawa ng sariling pamilya. Hindi ako tunay na lalake sa paningin ng mga “tunay na lalaki” subalit may paninindigan at paniniwala akong mas higit pa sa tunay na lalaki. Wala tayong pinagkaiba, nagkakamali, nasasaktan, gumagawa ng masama at mabuti sa buhay. Sa mga nagnasang babae sa karakter ni J. Kulisap, paumanhin sa pagkalanta ng inyong utong sa rebelasyong ito, at sa mga lalaking nagpahayag ng pagnanasa kay J. Kulisap, paumanhin abala ako sa negosyo ko ngayon. Walang time para sa pagharot ng puso.

Naaamoy ko talaga eh, malansa talaga siya. Aha! Bumigay din…

Umaalingawngaw…’wag mo nang isigaw.

Isang paglilinaw lamang, matapat kong ipinapahayag na kilala ako ng aking pamilya, kamag-anak, kaibigan, katrabaho at mga business partners ko bago ako magkubli sa blogging community.

Huwag ‘nyo na sana akong tanungin kung sino ako dati, sana’y kasama ko kayo bukas kung ano at sino ba ako. Pagkatapos nito, magkahalo ang damdamin mo, panigurado ‘yon, kung nais mo akong samahan sa paglalakbay, halika’t tayo nang magsimula, kung nais mong lumayo….salamat sa pagdaan.

Hindi ito katapangan, nais ko lamang makilala mo naman ang taong nagluwal kay J. Kulisap. Hindi din ito paglaya dahil dati na akong malaya nang marinig ko sa aking ina na ako’y kaniyang pinakiibig kahit maging sino pa man ako. Salamat ina ko.

Ang pagsasabi ng mahal kita’y hindi naman laging ‘pag pumupulandit lamang ang katas….mahal kita,  kasi, ikaw ‘yan. Mahalaga ka sa akin.

Maraming salamat. Hanggang sa muli!

fb_intl

Posted in Kamalayang Malaya, Maikling Kuwento, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy | Tagged , , , , , , | 108 Comments

Bakas ng Tagumpay

Ang tagumpay inilaan na para sayo. Hahanapin mo na lamang kung papaano mo matatagpuan. Kapag nasumpungan mo na, mabubuo mo na ang likas mong sining. Gaya ng mga bakas ng alon na inihulma at nagmarka sa buhangin. Likas mong sining ang sarili mong tagumpay.

Cagbalete's SandBar, Mauban Quezon

Cagbalete’s SandBar, Mauban Quezon

 

Kapag natagpuan mo na, payapa na ang iyong paglalakbay. Maaari ka nang mamahinga t’wing may panahon sa tabing dagat. Yayakapin ka ng mga maligamgam na sinag ng araw sa umaga, may dalang kalma ang mga halik ng tubig-alat sa iyong mga paa. May haplos na lambing ang bulong ng magdamag na pakikipagbuno sa hampas ng pagsubok. Hindi baleng ganun, nagtagumpay ka naman. Mas masarap ang tagumpay kapag nasubukan mong mabigo, madapa at magkamali. Kahit na paulit-ulit. Maghuhulma ka din ng sarili mong sining. Mas mahal, mas natatangi. Ikaw ay kakaiba.

Hanapin mo ang sarili mong sining, ‘wag kang hihinto baka mahanap ng iba na dapat ay sayo na.

Bawat hakbang ay may patutunguhan,

Sa tagumpay na inilaan

Tungo sa nais mong kinabukasan

Posted in Kamalayang Malaya, Lakbay Pilipinas, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy, Uncategorized | Tagged , , , , | 16 Comments

Bakit Kailangan ng Boto Mo?

Dahil mahalaga.

Hanap tayo nang hanap ng pagbabago, ang tanong botante ka ba? Kung isa ka sa nakikisigaw ng pagbabago pero ‘ni hindi mo magawang bumoto, kupal ‘yon boy, kupal.  Minsan pag may time, magrehistro din at bumoto ha?

Ayaw mo nang kandidatong si ganun, si ganyan…tumigil ka, magrehistro ka muna ha?

Mas mag-iiba sana ang takbo ng kasaysayan kung botante ka sana.

“Ang boto’y katumbas ng diyamanteng mamahalin”

Posted in Bayang Pilipinas, Kamalayang Malaya, Kulturang Pilipino, Panitikang Pilipino | Tagged , , | 6 Comments