Bakas ng Tagumpay

Ang tagumpay inilaan na para sayo. Hahanapin mo na lamang kung papaano mo matatagpuan. Kapag nasumpungan mo na, mabubuo mo na ang likas mong sining. Gaya ng mga bakas ng alon na inihulma at nagmarka sa buhangin. Likas mong sining ang sarili mong tagumpay.

Cagbalete's SandBar, Mauban Quezon

Cagbalete’s SandBar, Mauban Quezon

 

Kapag natagpuan mo na, payapa na ang iyong paglalakbay. Maaari ka nang mamahinga tโ€™wing may panahon sa tabing dagat. Yayakapin ka ng mga maligamgam na sinag ng araw sa umaga, may dalang kalma ang mga halik ng tubig-alat sa iyong mga paa. May haplos na lambing ang bulong ng magdamag na pakikipagbuno sa hampas ng pagsubok. Hindi baleng ganun, nagtagumpay ka naman. Mas masarap ang tagumpay kapag nasubukan mong mabigo, madapa at magkamali. Kahit na paulit-ulit. Maghuhulma ka din ng sarili mong sining. Mas mahal, mas natatangi. Ikaw ay kakaiba.

Hanapin mo ang sarili mong sining, โ€˜wag kang hihinto baka mahanap ng iba na dapat ay sayo na.

Bawat hakbang ay may patutunguhan,

Sa tagumpay na inilaan

Tungo sa nais mong kinabukasan

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Lakbay Pilipinas, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy, Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

16 Responses to Bakas ng Tagumpay

  1. EssayniPayoyo ay nagsasabing:

    BASE! Wait, babasahin ko lang. Hahahaha. Comment ng comment, di pa nabasa :))

    • EssayniPayoyo ay nagsasabing:

      Ayan, nabasa ko na. Walang kupas ka pa din Boss. Kulot padin buhok — este utak — mo.

      At tama, ang tagumpay ay tanging nasa akin at hindi ko mahahanap kanino man. Kaya walang makikiepal pag sinabi kong nagtagumpay ako kahit di maarok nino man kung bakit ko sinabi iyon.

      Magandang araw!

      • J. Kulisap ay nagsasabing:

        Tama, ‘yong tagumpay minsan nakatago sa payak, minsan pinaghuhumiyaw. Tama ka, ikaw at ako lamang ang makapagsasabi ng sarili nating tagumpay. Minsan itim, minsan puti, minsan parang wala lang, minsan naman, nagmumura. Magandang araw din.

        Nangangalawang na daw kasi ang utak literatura ko. Sabi ng isip ko, gunggong magsulat ka naman. Kahit minsan lang. Tagumpay!

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Nakita ko ang sining na ipininta sa pader ng EDSA.

      Sana may espiritung makakarating para makamtan ang tagumpay ng kapayapaan.

      Kongrats!

  2. Joey Velunta ay nagsasabing:

    Isang tagay para sa tagumpay.
    Yung natanggap kong mensahe noong isang araw ay apo lamang. Itong nabasa ko rito ngayon ay s’yang Lolo hahaha.

    Langya hinihintay kong pagkadating ko sa dulo mayroon akong mababasang “ang bahaging ito ay inihatid sa inyo ng Empirador Light” hahaha

  3. era ay nagsasabing:

    tagumpay o tagay? ano ba talaga?
    tagumpay ng tagay o tagay ng tagumpay? makikiraan nga… hik!

  4. JH Alms ay nagsasabing:

    isa ito sa mga patunay na masarap talaga ang mabuhay.. parang isang maalalahaning tapik sa balikat para sa mga kaibigang medyo nawawalan na ng pag-asa..

  5. sphereq ay nagsasabing:

    para sa tagumpay ni Kuli! kampay!!!

  6. dumadalaw…. tamang ligaw lang.. ehe.. ๐Ÿ˜›

    Hindi ba’t masarap daw sa pakiramdam, kapag ang nakamit mong bagay o ano pa man ay iyong pinaghirapan.

    Sabi yan ng nanay ng kapit bahay ko… ๐Ÿ˜€

  7. Reilly Reverie ay nagsasabing:

    Nakakabuhay ng loob.. Malumanay pero malakas ang agos ng pagkakahabi ng bawat linya…
    Maraming salamat ginoong Kulisap!

  8. worldunderceej ay nagsasabing:

    May pa last post mo? Shame on you. ๐Ÿ˜€ Ahaha. Hello, good sir.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s