Basahin mo kaya ito?

Dear God, bakit ‘pag pinasasalamatan ka ng iba, lagi sa huli…uunahin na kita ngayon..’wag ka maarte. God, wag ka choosy..hehehe. Musta u? Krismas na naman. Salamat ha, alam mo na yan..malaki ka na kaya, powerful pa. Bakit ba ang generous mo, kailan ka ba magiging madamot? Ngayon na?…Grabe ka naman, joke lang eh. More energy ha Bro? Ay grabe ka…thank you ulit.

Bro, may message ako sa mga taong magbabasa, tungkol sa Pasko to Bro. Basahin mo din ha, ‘tas magkoment ka, pending ‘yon pero i-approve ko agad pag ikaw ang nagkoment. Lels. Bro alam mo ba ‘yong lels? Eh TNT? Blogger ka ba Lord? Turuan kita pag hindi pa. Heto na nga.

Laging sumasapit ang Pasko. Iba ang hatid na kaligayahan nito lalo na sa mga bata. May magic. Sumasabay ang hangin sa mga kumukutitap na palamuti tuwing kapaskuhan. Nanunuot sa puso ang diwa nito sa mga naniniwala. Nagiging makulay

Ikaw kung ano man ang nangyari sa iyo sa buong taon, magpasalamat ka nang ilang beses sa mga nangyaring iyon. Kung hindi naging mabuti ang iyong karanasan, magpasalamat ka dahil may pagkakataon pa para gawing mabuti ang aral ng pangyayaring  iyon.

Magpasalamat ka sa iyong pamilya, alam nating hindi tayo perpekto pero bago tayo matulog, alam nating may kapamilya tayo. May nagtatanong, may nanenermon, may namamalo pero may nagsasabi pagkatapos ng mga ganito “ Kumain ka na ba?” at “ Subukan mo namang makinig, parang awa mo na. “ ‘Yong iba, hanggang ngayon, hinahanap ang nawawala nilang kaanak. ‘Yong iba, nakikiamot ng pagmamahal ng ibang kaanak. Ano ka ba naman tsong! ‘Wag masyadong ma-emote ha? Sakalin ko hininga mo eh. Nyoklang.

Magpasalamat ka sa iyong mga katrabaho, pagkatapos ng tsismisan at huntahan tuwing pananghalian- alam mong may trabaho kayo, may hinihintay na sahod tuwing kinsenas/katapusan. Kahit barya..’yong iba, walang wala sa bulsa. Say thank you na din sa iyong kumpanya. May trabaho ka, tandaan.

Kaibigang nakatampuhan, taliwas ang pinaninindigan at kaibigang hindi nagpautang sa oras ng kagipitan pero magtitext..” Friend, wag na u galit..next time maniniwala na ako sayo, magkano ba inuutang mo?”. Ano mang uri ng kaibigan ang meron ka, aba suwerte mo, ‘yong iba ‘ata, hindi alam ang salitang kaibigan.

Binaha, binagyo, nawalan ng bahay at mga ariarian, pero nasaksihan mo ito, ibig sabihin buhay ka pa…magpasalamat ka pa rin. May pag-asa pa.

Maraming mga pangyayari ang nagpapabaligtad sa landas na gusto nating tahakin. Maraming bakod at pagkaminsa’y may hardin ng mga matitinik na pagsubok. Iba-iba. Pero iisa ang laging pinapaunawa sa atin ng mga pangyayari. Tanggapin mo, yakapin mo, maganda o hindi masyadong maganda. Ikaw naman kasi ang magsasabi nito kung may aral ba o dapat may matutunan sa mga pangyayaring iyon. Kahit sa palagay mo suko ka na, tingnan mo, matuto ka lang tumanggap na suko ka na, may tutulong sayo para bumangon ka. Kaya yan. Halika dito, pag-usapan natin. Matuto kang makinig at magsabi. Wag kang makasarili. Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, please lang…please lang…hindi ka NAG-IISA. Galaw-galaw baka pumanaw. Lels

Maniwala ka..lagi kang maniwala na araw-araw ay Pasko, hindi lang tuwing Disyembre.

Alam mong mas mapalad ka kaysa sa iba pero mas grasya ka kung magiging dahilan ka ng Pasko ng iba.

Maraming salamat sa iyo na bumabasa nito. Hindi man tayo madalas mag-usap, o ni hindi mo manlang ako nakikita o walang tsansang magkaganun…maraming salamat dahil ginagawa mong makabuluhan ang buhay ko. Best gift ever, sabi ng pasosyal na friendship u. J

“Yong bang, kahit hindi mo kakilala at sasabihan mo ng “ Maligayang Pasko po”. Tinawid mo ang buhay niya ng ilang libong beses.

Isang Maligayang Pasko at punong-puno ng pag-asang Bagong Taon sa lahat.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Kulturang Pilipino, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

14 Responses to Basahin mo kaya ito?

  1. merry Christmas manong J😀 ito na ba last post mo para this year? hehe parang nag-gudbye ka na para sa year na ‘to eh…isang maligayang pasko at mapagpalang bagong taon sa iyo at sa iyong buong sambahayan😀

  2. Salamat sa isang makabuluhang paalala ginoong Jkul!🙂
    Maligayang Pasko!

  3. maligayang pasko sir jkul. at salamat ng marami, hindi mo lang alam eh naging makabuluhan ang buhay ko dahil sa mga nasulat mo. Sa munting paraan may naitulong ka sa akin. At ganon din naman sa ibang blogger na aking iniikutan. at advance pasasalamat na din sa mga akin pang mapupuntahan.

    mas tamang bilangin natin ang araw na tayo ay naging swerte sa buhay kesa naging malas. ung kamalasan ay dapat din ipagpasalamat, aba kung hindi dahil doon ano pa ang ating magiging panuntunan.🙂

    muli salamat sa paalala. sana nga maraming makabasa nito.🙂

  4. Pink Line says:

    maligayang Pasko sayo J🙂

  5. Mamamasko po lolo! Lels! Dati madalas kong naririnig na sana araw-araw ay Pasko… at lagi lang sagot ng utak ko… Pasko naman palagi.. hangga’t nakakaramdam ka ng kasiyahan sa iyong puso, at nakapagpasaya ka ng taong nalulungkot.. di ba’t parang Pasko na rin iyon..😀

  6. bagotilyo says:

    Dear tay kuli,

    yung totoo? Para sakin ba itong post na to. hahaha. I need this now . Mejo depress depressan ako ngayon eh . Merry Christmas tay. Regalo ko ah.🙂

  7. cheesecake says:

    Magastos kung araw araw pasko kaya okey na rin na isang beses sa isang taon. Lol.

    Merry Christmas.

  8. JH Alms says:

    “Alam mong mas mapalad ka kaysa sa iba pero mas grasya ka kung magiging dahilan ka ng Pasko ng iba.”

    couldn’t say it any better.. merry xmas adre.. hehehe

  9. tabianmuch says:

    Merry Christmas Ser J!🙂

    Amen to this post! Wehehe

  10. lipadlaya says:

    Merry Krismas, Pareng Kuli…
    Salamat sa paalala. Madalas naiinis ako sa buhay ko… pero sabi nga, mas mapalad pa rin ako kaysa sa iba… At nawa’y makita rin ng iba ang kasiyahan sa mga munting bagay na dapat ipagpasalamat. Best gift ever, gumaganun.. hehehe.. magandang araw…

  11. WP says:

    Salamat sa reminder boss! ang tagal ko ng hindi nararamdaman ang pasko, siguro its about time na iparamdam ko ito ulit sa sarili ko. Magpapainit ako sa pasko yahooo! Inuman na itey na walang puknat lels. Merry Christmas bossing, tatandaan mo na nandito ka lang sa puso ko wahahaha hang arte xD

  12. Reyn says:

    Maligayang Pasko! My first time to comment here pero nagbabasa ako sa mga post mo..

  13. sphereq says:

    Hindi man tayo madalas mag-usap, o ni hindi mo manlang ako nakikita o walang tsansang magkaganun… nandito ka lang sa puso ko. Merry Christmas Dear Kuli. KM NA!!!!!

  14. missy gan says:

    jkul, salamat, naway dumami kauri mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s