Maligayang Kaarawan Joel Pelandiana

Ipinanganak ako sa mundong ang tanging balot ay bahid ng dugo, hubo’t hubad akong natunghayan ng iilang tao. Ang aking ina’y naluha sa kaligayahan kahit na siya’y nanghina, ‘wala siyang pakialam ‘don, ang mahalaga’y ako’y kaniyang iniluwal..dahil ako’y mahal niya buong buo. Ako’y isang champion, dahil sa milyon milyong semilya ng tatay ko, ako ang nagwagi.

Ngayon, malaki na tayo’t binigyan ng karapatang magdesisyon para sa sarili nating buhay, ano baga’t doon pa tayo nagsuot ng madaming maskara. Minsa’y mahirap sumuong sa sitwasyong alanganin na kahit na masakit na’t masikip sa pakiramdam, kailangan nating ipamalas na tayo’y matapang at masaya. Gumagawa tayo ng mundo kung saan palagay natin tayo’y ligtas sa mapanghamak at nang-aaliping kapuwa na sa totoo lamang, sila’y nagkukubli din sa takot, sa pangamba, sa lungkot dahil ang katotohanan, iisa tayong tao na humihinga. Iisang hangin ang ating nilalanghap, walang mayaman, walang mahirap, ‘ni matapang o duwag. Iisa tayo ng mundo. Lahat tayo’y may karapatang maging maligaya at magtagumpay.

Sabi ni Andrew Matthews sa kaniyang aklat na “Being Happy”, dapat daw tularan natin ang mga bata, kapag sila’y nagugutom, nasasaktan o malungkot o nangangailangan ng pagmamahal, walang pagaatubiling iiyak siya’t iaabot ang kaniyang kamay para sa tulong at kalinga na kailangan nila.

Anong nangyari ngayon? Bakit ganun? Kaya pala? Sabi ko na nga ba! ‘Yon ang pakiramdam ko. Wala akong pakialam, buhay mo‘yan.

Marahil ‘yan ang magiging reaksiyon mo kapag ipinagpatuloy mong basahin ang mga pangungusap kong ito ngayon.

Pumalaot si J. Kulisap sa blogging community apat na taong mahigit na ang nakararaan. Isang insektong kumakatawan sa pangkaraniwang tao sa bansang Pilipinas. Karakter na binigyang buhay ni Joel Pelandiana. Isang karakter na kaniyang pinili upang maipamalas at makapaghatid siya ng mga literaturang pwedeng makapagpabuhay sa natutulog na pagmamahal ng mga Pinoy sa wikang Filipino. Sinadya ni Joel Pelandiana na gumamit ng isang karakter dahil sinadya niyang ihiwalay ang kaniyang personal na buhay at pagkakakilanlan. Naniniwala kasi siyang, hindi naman mahalaga kung sino ang manunulat, mas kinikilingan niya kung ano ang mensahe ng isinulat. Sinadya niyang magkubli, magbulaan sa aspetong personal nang pumalaot na si J. Kulisap sa blogging community. Una, mas mahilig siyang makinig sa kuwento ng iba, kesa siya ang magkukuwento ng sarili niyang buhay. Isinapuso at minahal niya ang karakter ni J. Kulisap. Pangalawa, sinunod niya ang payo ni Salome, siya ang humikayat kay J. Kulisap na magsulat, aniya “ Ano pa’t kailangan mong magpakilala, hindi naman kailangan.”, sumangayon siya sa katuwiran ni Salome.

Inaamin kong nalunod ako sa karakter ni J. Kulisap. Nagbunyi ako nang magtagumpay si J. Kulisap na makilala ang kaniyang mga akda sa ilang paligsahan sa pagsusulat. Dito nahasa ang angkin kong galing sa pagsusulat. Aaminin ko na, mahusay talaga akong magsulat. Dati hindi ko matanggap dahil kulang na kulang ako sa tiwala sa sarili ko gayong gustong gusto ko namang magsulat. Dahil sa pagsusulat dito ko naranasang magkaroon ng TV interview, first time ko ding mag-autograph sa isang pahayagan kung saan mababasa ang aking artikulo at dahil sa pagsusulat doon ako nabigyan ng ‘tsansang makilala ang mga tinitingalang tao sa lipunan natin. Kamakailan lang ay na-ifeature na naman ang winning entry ko na may kinalaman sa pagiging makabayan. Pangarap ng isang manunulat ‘yan, at kung gugustuhin ko, confident na akong magkaroon ng libro.

Subalit mga kaibigan, mayroon akong hindi napaghandaan sa bloglife. Dahil si J. Kulisap ay isang karakter, humarap ako sa pagsubok. “Paano ako haharap sa mga taong gustong makita ng personal si J. Kulisap? Kaya naman mahigit isang taon muna ang dumaan bago ako makipagkita sa isang blogger, sa isa pang blogger hanggang sa dumadami na. Teka muna, nagiging personal na ang interaksiyon. Minaliit ko o sadyang mahina akong umintindi na ang taong nakakausap ko sa blogging community ay mga totoong tao din. Humihinga, umiiyak, tumatawa, naghahanap ng kung ano…ng karamay, ng pag-ibig, naghahanap ng kung ano….nang mga nawawalang bahagi ng kanilang pagkatao. Isang mundo kung saan madaming maskara. Merong matapang, merong mabait, merong maginoo, merong relihiyoso, merong inaangkin na siya’y anak ng dilim.Merong hantarang nagpapahayag ng nais niya. Lahat ay nakamaskara. Lahat ay may nais iparating sa kaniya-kaniyang pamamaraan totoo man o bulaan.

Alam nating makapangyarihan ang salita. Kaya nitong gawing ginto ang lupa gayong gawing demonyo ang anghel.

Habang nahahasa ang kahusayan ko sa paghahabi ng mga wikang may kayumangging damdamin, lumalawak naman ang pakikipag-uganayan ko sa mga bloggers. Ano mang layunin o hangarin ng mga taong ito’y iisa lamang ang nagbibigkis sa amin. Kami’y mga manunulat ng buhay, pakubli man o hantad. May ilang mga tumawid pampang…mayron akong inanyayahang tuklasin kung sino ako sa totoong buhay. Mas lumalim ang ugnayan na hindi kayang isulat nang nagmamaalam na manunulat lamang. Ganun ‘yon.

Minahal o kinamuhian man ang karakter ni J. Kulisap ng ilan, hindi ko itatangging may malaking pagbabagong naganap sa totoong ako. Mas kinubli ko si Joel Pelandiana at sinadyang itago. Hinayaan kong makilala si J. Kulisap kaysa kay Joel Pelandiana.

Ang paglantad ng totoong ako sa blogging community ay walang mabigat na rason dahil sa totoo lamang, hindi naman dapat. Kaarawan ko na sa June 30.. Walang taong nagiging masaya na siya’y habang buhay na bulaan sa mga taong natutunan na niyang mahalin. Ang katotohanang ito’y para sa mga taong minahal at hinangaan si J. Kulisap, para na rin sa mga taong nagtatanong at napapaisip kapag nakakadaupang palad ako.

Sino ba si J. Kulisap sa labas ng blogging community?

Ako ay si Joel Pelandiana, lalake, 33 years old pero hindi nakatadhanang gumawa ng sariling pamilya. Hindi ako tunay na lalake sa paningin ng mga “tunay na lalaki” subalit may paninindigan at paniniwala akong mas higit pa sa tunay na lalaki. Wala tayong pinagkaiba, nagkakamali, nasasaktan, gumagawa ng masama at mabuti sa buhay. Sa mga nagnasang babae sa karakter ni J. Kulisap, paumanhin sa pagkalanta ng inyong utong sa rebelasyong ito, at sa mga lalaking nagpahayag ng pagnanasa kay J. Kulisap, paumanhin abala ako sa negosyo ko ngayon. Walang time para sa pagharot ng puso.

Naaamoy ko talaga eh, malansa talaga siya. Aha! Bumigay din…

Umaalingawngaw…’wag mo nang isigaw.

Isang paglilinaw lamang, matapat kong ipinapahayag na kilala ako ng aking pamilya, kamag-anak, kaibigan, katrabaho at mga business partners ko bago ako magkubli sa blogging community.

Huwag ‘nyo na sana akong tanungin kung sino ako dati, sana’y kasama ko kayo bukas kung ano at sino ba ako. Pagkatapos nito, magkahalo ang damdamin mo, panigurado ‘yon, kung nais mo akong samahan sa paglalakbay, halika’t tayo nang magsimula, kung nais mong lumayo….salamat sa pagdaan.

Hindi ito katapangan, nais ko lamang makilala mo naman ang taong nagluwal kay J. Kulisap. Hindi din ito paglaya dahil dati na akong malaya nang marinig ko sa aking ina na ako’y kaniyang pinakiibig kahit maging sino pa man ako. Salamat ina ko.

Ang pagsasabi ng mahal kita’y hindi naman laging ‘pag pumupulandit lamang ang katas….mahal kita,  kasi, ikaw ‘yan. Mahalaga ka sa akin.

Maraming salamat. Hanggang sa muli!

fb_intl

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Maikling Kuwento, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

108 Responses to Maligayang Kaarawan Joel Pelandiana

  1. JH Alms ay nagsasabing:

    bakit parang unti-unti nang lumalantad ang mga anon, ah.. hehehe.. anuman ‘yung dahilan eh alam kong para sa ikabubuti mo ‘yun.. anyway, maligayang kaarawan sa a-trenta, adre.. painom ka na.. hehehe

  2. hayun oh!… lumalantad ang peg ngayon…..

    napapaligiran ka na namen!!!!…. sumuko ka na!!!!.. ahahahahhaha…. 😛

    masaya ako sa iyong mga kachurvahan lolo… ipagpatuloy mo yan…

    Nga pala.. sabi na eh…tanders ka na.. TNT!… O’Tanjoubie Omedetou!!!! KAMPAII!!!!!!!!!!!!! ^_^

  3. sphereq ay nagsasabing:

    Base!

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Nyahahahha. Kamusta ang bagong puso?

      • sphereq ay nagsasabing:

        okey na okey ang bago kong puso gustuhin ko mang pagnasaan ka ayaw kong matuyuan ng ut*ng, hahahha

        • J. Kulisap ay nagsasabing:

          Hahaha. Dami kong tawa, limang tonelada yata.

          Matutuyo ba ang utong? ‘San si Roland at Pongkie, baka magpakamatay ‘yong dalawang ‘yon kapag nabasa ‘to.

          Magmove-on kayo agad ha? Tnt

          • sphereq ay nagsasabing:

            mabilis kong sinendan ng mensahe si Roland na kasalukuyang nasa Bahrain para uminom sabi nya nasa labas lang daw sya pero uwing uwi na daw sya para mabasa ang post mong ito hahaha

            si pongkie ay sayo ko sana din itatanong wala na akong balita sa kanya ang huling balita eh uuwi na sya ngayong June pero ewan ko kung nasaan na pambihira na yan!

            pagkabasa na pagkabasa ko natanggap ko kaagad mabilis lang hahaha si Roland at Pongkie ang hindi ko alam kung pano nila tatanggapin ang mga bagong pangyayari sa buhay ng nagiisa naming kaibigan na kulot hahaha

  4. sphereq ay nagsasabing:

    Ang tagal ko bago nakapagkomento binasa ko ulit tiningnan ko ulit maayos naman yong ngipin yong adams apple nasa tamang kinalalagyan naman ganun pa man ikaw a rin si papa aljur na naghahalo ng pansit walang nagbago don.

    Free pa rin ba yong offer mo na libreng kulot at pedicure paguwi ko?

    KM4 na!

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Hahahaha. Papa Aljur. Kainaman ka.

      Oo Free pa din basta ikaw. 🙂 Pero ok lang kahit dumugo at saka makalbo ka? Hehehe

      KM4 na! Ano ‘yon. Nyahahahaha.

      Salamat Anne, Roland, Pongkie at mga dabarkads. 🙂

  5. Salome LaongLaan ay nagsasabing:

    Maligayang Bati sa iyong Kaarawan J. Kulisap, mula sa lumang tahanan na pinagmulan ng iyong mga pangarap karatig ng isang babaeng may animalistic appeal, kay layo na ng iyong nilipad at higit sa lahat ubod ka na ng guwapo ngayon. Malayo pa ang iyong lalakbayin baon ang mga karanasan at kaibigang nais kumanta, sumayaw at mangarap kasama mo. Magkikita pa rin tayo balang-araw kung hindi man sa Pedirud ay sa islang maghahatid sa atin lulan ng bangkang papalaot sa bisig ng pagmamahal, alam mo ‘yan.

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Sa isal ng Cagbalete Salome. Doon kung saan, ‘di pa man ako ipinapanganak ay naihulma na ng tadhana ang pagtunghay ko sa buhay. Kung saan payapa ang napapagal kong kaluluwa. Alam mong tubig at buhangin ang nagpapakalma sa malikot kong mundo. Salamat dahil ipinadala ka sa akin para mas matunghayan ko ang mundong masarap at mapait…tuwing umuulan at umaaraw..nandiyan ka lagi. Mahal kita Salome. May SO na ba?

  6. chan2x ay nagsasabing:

    Una sa lahat Advance Happy Birthday Kaibigan, Masaya ako sa lubusang paglaya mo. Marami na tayong napagdaan masaya man o malungkot, ngunit higit na mahalaga ay madami tayong natutunan…Happy Birthday ulit at Goodluck sa bagong karera na iyong tinatahak…..more POWER!!!

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Salamat. Bahagi ng bagong karera ko ito at alam kong magtatagumpay ako don.

      Ganun naman ang buhay, kapag masaya dapat samantalahin, kapag malungkot..hayaan mo lang, lilipas din. ‘Wag ka lang bibigay.

      Mahal kita, higit sa pulandit ng katas. Mahal mahal. Wag lang may matang nakatunghay. Alam na!

  7. Leemi ay nagsasabing:

    Happy Birthday Lo,
    Masaya ako at masaya ka lalo ngayon na wala ng maskara. Nakangiti ako habang nagtatype ngayon. Yung ngiti na abot sa puso. Alam ko na dati iba ka, and I respect you more for being so unique. Salamat kase isa ako sa mga tambay sa virtual world noon na mas kinilala mo sa labas, sa mas totoong buhay. Ano man tayo sa totoong buhay. Masaya ako na mas malaya ka na ngayon.

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Hindi ko nakakalimutan ang ating paghuhuntahan habang kumakain sa Makati, at ang araw na pawis na pawis ako sa kaba na first time kong haharap sa madla na si J. Kulisap. Ikaw ang kasama ko ‘don. Salamat.

      May nagdudugtong kasi sa atin. Ang nakaraan sa isla…magkaiba man pero iisa ang pintig..ang kuwento ng hirap at tagumpay..doon tayo nagiging isa.

      🙂

  8. Palomah ay nagsasabing:

    Bihira na akong mapadaan sa aking Blog upang sumulat at magbasa, Ngunit nakatawag ng pansin sa akin ang akdang ito. Lubos akong nagagalak sa kung nasaan ka ngayon, Isang matagumpay na Indibidwal at para sa akin isa kang Idolo. Maligayang kaarawan po sa iyo, parehas nga pala tayo ng buwan ng kapanganakan, nagkataon lamang na ako ay nasa bungad ng buwan at ikaw ay nasa hulihan….Gayun paman binabati kita sa iyong katapangan…. Maligayang Kaarawan!

  9. boss chito ay nagsasabing:

    Akala ko pwede ka ng gumanap sa susunod na captain barbell o kaya si Mang Jose na super hero na pwedeng arkilahin. Pero gayunpaman ay binabati kita (hindi sa paraang bastos), malamang ramdam mo ang kalayaan. ‘congrats. Happy Graduation day! Pero ikaw pa rin ang Papa Aljur!!!

    Curious lang ako, Gumagamit ka rin ba ng chorva? chenelin? Eklavu? Wititit? Pero ang laki ng boses mo sa telepono ah, di ko nahalata na magkasing kulot yung buhok mo at boses mo. hahaha

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Hahaha. Hindi ako gumagamit ng chorva, cheneline, eklavu..wititit, hindi din ako nagpa-foundation at nagpapalaki ng mga muscles. Hindi rin ako pabor sa kasalan ng magkaparehong kasarian pero iginagalang ko ang nais nilang mangyari. 🙂

      Gusto mo ba magpose ako ng nakahubad at nakalawit dila, tapos ipapadala ko sayo? hahahaha.

      Salamat Tito Boy, pinapawisan ako sayo. Nyahahaha.

  10. limarx214 ay nagsasabing:

    Una, Maligayang Kaarawan at Happy Birthday!
    Nakakatuwa ang post na ito…puno ng katapatan, sabi nga ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat so, ibig ibig sabihin maluwat tayong magsasama sa hirap man o sa ginhawa.
    Sa bagong lakbaying iyong tatahakin ay tiyak na kasama mo kami, malayo pa ang ating pupuntahan kaya dapat chill lang.
    Alam namin, mas lumuwag ang iyong nararamdaman ngayon, alam namin mas komportable ka ngayon kesa dati, alam namin mas masaya ka kung ikukumpara sa kahapon.

    Muli…Happy Birthday!

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Palagay ko kasi Sir eh naibigay ko na kay J. Kulisap ang pangarap niyang magsulat. Sakripisyo mang tatawagin na sinadya kong ikubli ang personal kong buhay, wala akong pinagsisihan doon, natupad ko na ang pangarap kong makapagsulat. Pinangalagaan ko si J. Kulisap. Pinorotektahan ko siya para makapaghatid ng mga sulating hindi namimili ng kasarian o titimbangin dahil nagpapaligsahan sa utak na dapat bang mapansin ang kagaya ni J.Kulisap na walang magtatanong o manghuhusga.

      May karapatan ang lahat sa bawat espasyong walang laman. Lalaki man o babae. Pantay ang buhay. Maraming salamat Sir. 🙂

  11. duking ay nagsasabing:

    tanginang yan.

    kinuha ko yung ballpen ng MIB,tinapat ko sa mata ko, sabay pisil nung pindutan. tapos nun, nakalimutan ko yung lahat ng nabasa ko sa taas.

    mas malinamnam at makabuluhan ang tawagin kitang jkul. andun kasi yung angas, yung harot, yung dumi at yung laswa. jaaaa….kul!

    pero seryoso…ang laki ng bayag mo, ginoong joel pelandiana. maligayang kaarawan at patuloy kang mabuhay ng malaya’t maligaya, ngayon at habang buhay…

    ….kasama ng bayag mong malaki!

  12. kimoleoleole ay nagsasabing:

    Magkaroon ka nawa ng maligayang kaarawan sa 30. 🙂 Salamat sa pagtitwalang magpakilala na sa amin. Pinagpala ka, sir! Ituloy mo lang ‘yan. Walang masama hanggang hindi ka nakakasakit. 🙂 God bless you!

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Maiwasan ko sanang makasakit, mahirap ‘yan pero posible naman. Apir Kim.

      God bless you more. Mas mahalagang mahal natin ang ating mga sarili para makapagbigay ng wagas na pagmamahal sa iba, tama ba ako Kim?

      You’re beautiful inside and out. 🙂

  13. Joey Velunta ay nagsasabing:

    Natutuwa ako at kumpare kita. Matapang ka sir. Masaya ako sa isiniwalat mong ito. Mabuhay ka pards! Taas noo kong sasabihin sa lahat na isa ka sa mga nagbigay ng lakas ng loob sa akin upang tahakin ko nang seryoso ang mundo ng blogging (bale dalawa lang kayo, at alam mo na kung sino yung isa). Hindi ko nakakalimutan at makakalimutan kung papaano ito nagsimula. Hindi ka man katulad ng mga hinahangaan kong Makata at manunulat pero taas noo ko rin sasabihin na ikaw ang impluwensiya ko sa pagsusulat. Maraming Salamat Pards! Tuloy ang negosyo. Ipagpaumanhin kung hindi ko natutugunan minsan ang iyong mensahe. Gagawa ako ng oras para doon, may inaasikaso lang ako sa buhay ngayon. Pero kasama sa inilatag na plano ang negosyo.

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Kakatapos lang ng business planning ko pards nang mabasa ko ang text ni Mards. Natawa ako.

      Ang katotohanan ay hindi naman talaga dapat pang magsiwalat ng mga ganito pero sa kultura’t paniniwala ng ating lahi, usapin pa din. Lubos na nauunawaan kasi tayo’y hindi pa man ipinapanganak, may label na ang lahat. May grupo, may pangkat na maglalagay kung saan dapat nakahanay ang isang tao, hayop o maging puno man. Ngunit paninindigan ko na tayo’y hihinga sa iisang mundo kahit na magkakaiba pa tayo ng pinaniniwalaan.

      Kayo yata ang unang nakaalam ng tunay kong pangalan dahil kailangan sa birth certificate ni Clark. Kainaman…sabi ko, patay na….malalim na ang ugnayang nagaganap. Pangtao na ‘to, hindi na pangblog lang.

      Yon lamang naman talaga ang pinupunto ko, napadako ako sa blogworld na ang nais lang ay magbahagi ng kung ano ang nasa isip ko. Manghikayat din ng mga nais magsulat dahil hindi naman malinamnam na iilan lamang ang marunong sa pagpapahayag ng saloobin sa pamamagitan ng pagsulat. Mas matagumpay ka dahil may nakahulma sa Gamlay ang tula ng iyong puso pards. Mas nakakatuwang malaman ‘yon na kung naimpluwensyahan kita’y sa positibo naman. Kahit kailan, walang taong perpekto, magkakamali, madudumihan pero babangon at maliligong muli kapag may tubig na. Ang dungis dungis ko….padausdos…padausdos. Mam Sarah with capital H

  14. Chevybo ay nagsasabing:

    HIndi ko alam kung anong i-tatype ko dito. Basta ang alam ko lamang nung nabasa ko yung mensahe mo sa selepono eh gusto ko nang maghanap ng makinilya para mapadaan sa bagong bahay mo. Outdated na ako masyado. Ngayon lang ako ulit napadaan, halo ang aking nararamdaman. Basta isa lang ang alam ko, namiss ko ‘to, namiss ko kayo at ikaw parin ang Kuya Bebe ko. hehehe. Advance na maligayang karaarawan sa iyo Kuya J.Kul.

    Gaya nang laging banat ni John Lloyd. Ingat! =)

    P.S. Natuwa din ako habang binabasa ko yung palitan ng komento, mula kay Ate Sphereq, Bok at Haring Du.

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Tuwang tuwa naman ako at mga datihang blogger ay muling nagkatatagpo tagpo dito sa kuta ko.

      Oo, hindi kita makakalimutan Chevy, ako ang “first time” mo sa blog. Ako ang unang nagkoment.

      Salamat.

      Ang kulit lang eh…umaapaw na pagpapasalamat ang aking sukli. 🙂

      • Chevy ay nagsasabing:

        Uu nga nakakatuwa. Halos iisa ang reaksyon ng lahat nung nabasa nila itong poste mong ito. May halong pag kabigla, harot, panghihinayang, ngunit mararamdaman mo parin na may kilig ang bawat salita.

        Uu ikaw nga ang unang karanasan ko dito sa blogosperyo bago ako natutuong makipag harutan sa iba. Nakaktuwa lang na nag sisibuhayan ang mga lumang tao.

        Iba ka talaga, walang nagbago, mas tumaas pa ang respeto namin sa’yo. Ikaw parin ang astig, maangas at maharo na Kulisap. Hehehe.. Dalawang araw na lang!!!! Maagang Happy Birthday Kaarawan sa’yo in Advance. “lels”.

  15. era ay nagsasabing:

    tumaas lalo ang respeto ko sayo putangnaka! alam mo ba na ang laki laki ng tingin ko sayo ngayon?

    isang bagay lang ang masasabi ko, ako to at kahit minsan ay hindi nagpanggap. lahat ng nabasa mo at mababasa mo pa ay konektado at bahagi ng pagkatao ko.

    salamat. kung di dahil sayo ay hindi ako magkakaron ng interes sa blogging dahil minsan na rin kitang pinagnasaan animal ka sarap mong sabunutan!

    at tama ka natuyo nga ang utong ko waaah 😦

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Hahahaha, ang lutong ng putangnaka, nagising ang mga patay sa purgatoryo Era.

      Mainam, isa ka sa matapang pero may puso at maganda kahit na may edad na. Hahaha.

      Walang anuman, at least natagpuan mo ang blogging community para maiparating mo din ang iyong mensahe.

      Sana nong pinagnasaan mo ako’y nilabasan ka din naman. Sana nasarapan ka. Nangyari na..kung uulitin mo ulit magnasa..bahala ka, walang sisisihan.

      Natuyo ba? Free radicals ang sanhi, hindi ako. Tnt

  16. ResidentPatriot ay nagsasabing:

    goodbye, JKulisap…nice to meet you, Joel 🙂 advanced maligayang bati!

  17. WP ay nagsasabing:

    Watda! anong kabalbalan na naman ito? Hik! (heksyusmi). Ginoong Kulisap, Jakul, Joel, Jiji, watever! minahal na kita mula pa nung una akong nag send ng message sa blog mo. Hindi yung pagmamahal na may pagnanasa (insert YUCK here) kung hindi ang pagmamahal sa husay mong sumulat, sa tapang, at sa sensiridad mo. Ang totoo na shak ako ng bonggang-bonga sa post mo na ito hahaha. Kapapanood ko pa lang ng Man of Steel kani-kanina at hangang hanga ako lake ng maskels nung bida lalo na nung hinahagis hagis na niya ang kanyang mga kaaway, pero wala siyang binantbat sa iyo dahil nasa iyo naman pala ang “balls of steel” tanginang yan! hahahaha. Kuli mahal ka namin ni Sphere na isa ng cyborg ngayon at si Pong na ewan ko kung nasaan na. Pong kung nasaan ka man, lumabas ka na, maiintidihan ka namin charooooot!!!

    Happy Birthday Joel!!! Isa lang ang masasabi ko “I know!” hahahaha Muah!!!

    PS. Email mo saken ang bago mong number LOL

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Tnt, BALLS OF STEEL.

      Oo nga, natandaan ko, ikaw ang nagmessage sa akin, akala ko mag-ooffer ka talaga ng sex. Hahahaha. Taenanang ‘yan. At least nagpaliwanag ka Mommy D.

      Si Pong na lang ang hindi malaman kung anong maikokoment. Hindi kaya ito ang maging dahilan ng pag-uwi niya sa Pilipinas.

      Salamat Landskie, Anne, at Pongskiedot. Magkakalayo man tayo’y ang dami na nating naipundar. Magkikita tayo mata sa mata. Cyborg, Melba at Pongkie

  18. AnonymousNgaAkoPramis ay nagsasabing:

    ” I dont care who you are , where you’re from . what you did as long as you love me beybe! ” ahhahah bumaback streetboys.

    Wala namang nagbago. ganun parin tingin ko sa iyo. Kung may isang bagay na ikanasiya ko sa post na ito ay yun ay malaman ang buong pangalan mo. Ilang bes ko na tinanong yun sa text di mo naman sinasagot. You are so ampeyr!

    yung mga paunang salita mo dito akala ko magpapakasal ka na at iiwan ang blogging. ganyan. Yun talaga unang pumasok sa isip ko. ( kung may isip nga ako o utak o hangin o baka kasi isang malaking space lang ang laman ng ulo ko.)

    Nasabi ko na dati pero nagpapasalamat pa din ako at may Jkulisap na umagapay sakin nung nagsisimula pa lang akong magsulat.Kahit na inulila mo agad ako at iniman ang jkulisap.com Salamat sa oportunidad na ibinigay mo para makilala ka. Para makilala si Jkulisap , para makilala si Joel.

    Malligayang bate este bati pala. :3

    Life is good tay! Alam mo yan.

    Kelan ka ba ulit magpapakita sakin? Teyk Keyr!

    Ang haba na nito pang blogpost na. hahhaha

    – Anonymous ( hahahha)

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Hahaha, hindi ko ba nasabi ang buong pangalan ko nak, nak nak nak tyanak? Ampeyr nga si J. Kul. Hehehe. Ngayon alam mo na, iyong iyo na si **S$@. Hahahaha.

      Life is good. All is well.

      Magpapakita ako pagkatapos ng international tour ko. Ang daming nag-ooffer ng interview eh. Hahahaha. Inam. 🙂

      Humihit me baby one more time ang post na ire. 🙂

      Ikaw na ang may blogpost na koment

  19. EssayniPayoyo ay nagsasabing:

    Dear Boss,

    Dalawang beses ngayong buwan, nangilid luha ko sa lahat ng naipahayag mo.

    Noong una, akala ko’y ang konsepto ng post mong ito ay katas ng ating huling pagkakasalubong: ng tuwa na nakita ko sa’yo, ng pagbabago na napansin ko na parati kong ipinunto sa’yo noon. Baliktad pala. Ito palang akdang ito ay resulta ng lahat lahat ng nakita ko sa iyo.

    Sobrang nasaktan ako noong sinabihan mo akong mukha na nga akong pagod na pagod na sa buhay ko. Masakit kasi totoo. Sobrang nawirduhan ako sa bagong ikaw. Ilang araw pagkatapos noong halo-halo moment nati’y may hangover pa din ako. Napapatulala pa din ako’t iniisip yung napag-usapan natin. Paulit-ulit ko pa ding muntik nang itext ka kapag tinitignan ko yung numero mo.

    Pero gaya ng napag-usapan natin at ipinangako ko sa’yo, magiging okey din ako. Kailangan ko lang ng panahon, pero gawa nang nakatatak sa utak ko yung itsurahan mo nang sinasabihan mo akong kailangang ipangako kong magiging okey ako, oo, magiging okey ako. Hinay hinay nga lang din.

    Salamat ng sobrang dami. Di ko alam kung na-express ko ba sa isang “Boss, salamat ha..” yung buong puso kong pagtanaw ng gratitude sa ating munting pag-uusap na iyon. Ikumusta mo ako kay Ate (na nakalimutan ko na ang pangalan) at sa baby niya.

    Lilipad din ako tulad ng paglipad mo. Balang araw.

    Nagmamahal,
    Say

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Mahal din kita Essayni. Matiyaga akong maghihintay hindi para sa akin, para sa napakagandang bukas na nakahanda na para sayo.

      Ang paglipad naman, may pagbagsak pero ang tunay na agila…lilipad at lilipad kasi ‘yon ang nakatadhana.

      Mas may dahilan akong lumipad ngayon. Maraming salamat.

      🙂

  20. mutya ay nagsasabing:

    QB na!!!!!!!!!!!!!

    Lintek nakakagulat ang text nitong matandang ‘to. Kala ko kung ano na…. Ah ok nagladlad na pala si J.Kulisap. Anong bago??

    hahaha joke lang yan kuya.

    Buti na lang talaga napasabit ako nung KM2 awarding (thanks ate Era) kasi nakita kita face to face. Tapos ayun na, sunod-sunod na. May takbuhan, may mahabang byahe (by land and water), may languyan, may gig kasama ang udd at radioactive sago project, andun din yung pati kalandian natin sa buhay eh binubulatlat ng isa’t isa (asan na ba si subjective?) at marami pang iba. Haaayy ang dami nating bonding moments kuya pero nung mga panahong yan eh first name mo pa lang ang alam ko (dahil naman yan kay bulakbolero). Pero kiber lang, kasi sa totoo lang malilimutin naman ako sa pangalan. Mas mahalaga pa rin yung mga moments (char!) at yung mga usapang wala lang pero alam mong may laman. Salamat sa lahat ng yun at sa pagturing mo sa’kin bilang ‘nakababatang’ kapatid. xD Sana pag di ka na masyadong busy, pwede na ulit kami magpasched saýo. Miss na kita. 🙂

    Wala namang nagbago, ke Jkul o Joel. Ikaw pa rin yan. Ikaw pa rin yung makulit na kuya na nakilala ko! 🙂

    Happy Birthday!

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Kagabi Mads, iniisip kita, sabi ko..ikaw ang may pinakamaraming pagkakataon na kasama ako sa totoong buhay pero hindi mo ako buong kilala. Joel lamang ang alam mo samantalang ikaw, naikuwento mo na ang buhay mo lagpas sa kalahati. Nakikinig naman ako. Hindi talaga ako palakwento din, mas nakikinig talaga ako.

      Salamat Mads sa extra-large mong pagmamahal. Ikaw na. Ipagpatuloy mo lamang ang mga makabuluhang gawain. Ayaw kong mangako ng oras, pero darating ang araw na ako na mismo ang mangungulit sa inyo. Magtatanghalian tayo sa Babuyan Island, tapos matatapos ang ating araw sa Batanes. Yohhhh!

      • mutya ay nagsasabing:

        Gusto ko kasi ikaw mismo magkwento ayaw ko ng pilitan. Eh maarte ka, kaya ayan pangalan mo lang alam ko. haha Marami pa tayong panahon para magkakwentuhan. Abangan natin kung kelan yun. Pero sure na ‘kong sa Batanes yun. xD See you when i see you kuya! 🙂

  21. aninipot ay nagsasabing:

    kuya, matagal naprocess ng utak ko yong isang part ng isang paragraph dito. hahaha! iniisip ko tama ba intindi ko o hindi. anyway highway wala namang pagbabago. Except pumayag na ang korte na i-upload ko mukha mo. hahahaha. Malapit na birthday may kantahan ba to?

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Matagal ba? Hehehe. Si Tubi asan?
      Nakita ko na. Husay mo bunso.

      Matagal ko na din namang pinag-iisipan ‘to, kaya lang sabi ng ilan, walang kuwenta, bakit pa daw..saka diumano’y pangalagaan ko daw ang imahe ni J. Kulisap. O di si J. Kulisap ang nasunod. Tnt

      Salamat.

  22. Yvarro ay nagsasabing:

    hey kuya kul! long time no comment.. ito pa ang una kong makikita… sana hindi na lang ako dumalaw… lels!!! 😀 Happy Birthday po… masaya po akong makita yung mukha ninyo na walang maskara… anyway… hindi kaya sa pagpost ng mukha ninyo sa wordpress ay unti unting mawala na ang inyong career bilang blogger?… joke lang… nakakainspire yung mga ilang post ninyo… inaamin ko isa kayo sa mga naging inspirasyon ko nung nagsisimula pa lang akong magblog… at ngayung nakita ko na ang mukha ninyo… iniisip ko na ring wakasan ang pagb blog… biro lang… mahal na mahal ka ng lahat ng kilala kong bloggers… and i know… marami pa kayong taong maiinspire magsulat… ;D Nagmamahal Sosyalangaw… hehehe…

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Hahahaha. Hala layas na, loko ka ah. Akalain mo ‘yong madami naman palang nainspire si J. Kulisap. Eh sia na talaga. Proud na proud siguro siya. Tnt.

      Ok na ako, nakapagbahagi na ako ng aking espasyo sa blog. Sapat na ‘yon sa ngayon. Abala ako sa mas dapat unahin. Nauubos ang oras.

      Salamat, akala ko mas marami pa akong maiinspire na bloggers na lumabas ng kanilang kulambo. Tnt.

      Chill lang kayo mga dabarkads, isa isa lang ang labas. Hahahaha

  23. jason ay nagsasabing:

    sayang kuya kulisap di man lang tayo nagkakabanggan sa mga fun run. si boss joey pa lang nakakasalubong ko eh. haha!

    ayun lang.
    tsaka at least nakasama na kita ng inuman! oha!

    wala naman nagbago sa mga sinulat mo ngayon.

    idol ka pa din namen!

    😀

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Nakikita ko nga mga pictures mo. Mas masarap tumakbo sa mga fun run organized by Rio. Subscribe ka sa pinoy fitness para mas updated ka. Don’t miss the Condura Skyway Marathon…tanggal ang uric acid ko diyan. Congrats, napili mo ang running…magastos pero sulit naman na kapag nasa finish line na 🙂

      Masaya din ako’t nakadaupang palad ko ang mga hinangaan ko sa pagsusulat na gaya mo. Kamusta na sila Alvin, Axe at MB?

      Salamat Sir Jason. Happy Birthday pala :). Masyado nang abala.

  24. Jo Yo ay nagsasabing:

    happy birthday jkul. kaw pa ring ang papajkul ko forever!!! sana forever kang maging happy at forever kang magsulat kasi nakakainspire ka. God bless you at sana mameet kita someday.

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      I’m a work in progress Jo Yo. Bahagi ng pagiging ako ang pagpapakilala kong ito. Medyo natagalan pero dumarating tayo sa punto na kailangan nating humarap sa reyalidad. Kahit blogging community tayo nabuo, mangyayari pa din na magkikita tayo ng personal. Magkakamustahan sa buhay.

      Sure, pag-uwi mo. God bless you more. Smile more often 🙂

  25. BON ay nagsasabing:

    na hack ba tong blog ni JKUL? alam nya kaya tong may nag birthday post para sa kanya? hihi!
    taragis, bat ang layo layo ng hitsura mo sa personal kesa dyan sa picture na yan! naalala ko nung nakita kita ang angas lang ng dating nun nakabarong ka pa nga di ba,

    at naalala ko din, pumirma pako sa isang certificate na iginawad sa iyo!! =) lol. pero gayunpaman, saludong saludo ako sayo! si JKUL noon na anonymous at si Joel ngayon na kilala na sa totoong buhay ay walang pagbabago sa paraan ng pagsusulat., kaabang abang padin bawat akda, ipagpatuloy mo lang at nakakatuwa na sa pag ba blog ikaw narin nagsabi natutunan mo ng matutunan ang pakikipagkapwa tao! =)

    TARAGIS!! ikaw na!

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Uy si Sir Bonistation, nagawi. Oo, nasa bahay ang certificate, nakadisplay. Nakakakilig ng ngalangala ‘yon kapag nakikita ko.
      Iba nga hitsura ko ‘don, hindi kasi nakangiti, kinakabahan, pinapawisan kaya mukang ewan. Lol

      Tama. Masarap makipagkapuwa tao lalo na kung totoo. Salamat Boss Bonistation. Taragis, ikaw na din! 🙂

  26. worldunderceej ay nagsasabing:

    Oh. My. God.

    Ok. OA lang. Hahaha. I read it all, kahit mahirap. But wow.

    Let me recover. Hahaha. Uhm. Yun. You’re the best. Yun lang.

  27. palakanton ay nagsasabing:

    nagulat nman ako dito.
    nak2chat ko pa tungkol sa runrio2 at minsan ay ibang kalokohan.
    ang galing nman si J. Kulisap na aking hinahangan ay mas lalo ko pang hinangaan.
    sabe ko pa namn ng unang kung takbo sana makita ko si sir Joey Velunta o kya si sir J. Kul pero kahit di ngyare un my mga pagkakataon pa.
    tara nat makapag utay mag barek.
    maligayang kaarawang sir.

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Pareng pare ako sa mga kumpare. Kahit ano pwedeng sabihin sa akin…siguro ‘yon ang masarap sa akin. Kaya kong mag-adjust kahit kanino kaya madaming nagkukuwento sa akin ng buhay buhay nila. Oo, pag napasyal ako sa Batangas Sir, meron kasi akong business partner don,taga Tanauan..

      Salamat sa greetings. Barek na

  28. tabianmuch ay nagsasabing:

    for a second nalanta ang aking pechay baguio dahil nagnasa din ako sa inyo ser J…pero ayush din kasi lantaran na, papa cultivate ko nalang ulit ‘to!! LOL

    nonetheless I fell in love sa inyong mga akda at lalong iibig pa sa totoong ikaw…happy BEERday in advance ser J este ser Joel! 😀

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Hahahaha. Patay tayo diyan. Pechay Baguio, ilagadera natin agad para manariwa. Laking konsensiya ‘non dahil si J.Kul ang nagpalanta.

      Maraming salamat sa pag-ibig mo. Sana lang din, nabigyan kita ng masarap na imahinasyon nong pinagnasaan mo ako. Konting konsensiya na lang.

      🙂

  29. NUNO ay nagsasabing:

    END OF THE WORLD!!!
    What in the world is this?
    ISA BA TONG JOKE?
    HAHAHAHAHAHAHAHA!!!
    WAG MO KO INDYANIN SA DATE NATIN KULAS!

  30. Era ay nagsasabing:

    Ahahaha 😀 natawa ako at muling bumalik sa alaala ko kung paanong nalanta ang utong ko hahaha! Mahal kita jkul maging sino ka man, charot! 😀 welcome sa mundo ng reyalidad, enjoy mo lang ang buhay habang may pagkakataon. Maligayang kaarawan ngayong darating na June 30, 2016 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s