KM3: RESULTA

Sa lahat ng mga Pilipinong may pakialam,

Malugod kong ipinapaalam ang resulta ng timpalak dito sa Kamalayang Malaya na may temang TINIG. Nangibabaw ang tinig na nagmula sa mga puso ng may kayumangging damdamin. Binulahaw ang mga tulog, at pinahimpil ang isipang ligalig. Ito’y tinig na magsisilbing apoy upang mapanatili ang ningas sa ating mga puso. Dati ko nang winiwika na ang munting ambag na ito ay hindi sagot sa pagkagutom ng ating mga kababayan gayon ding hindi sagot sa magulong pulitika o gawing nagkakaisa ang ating bansa subalit magiting kong ipinagmamalaki na ang TINIG na ito ay uuwi sa kaniyang tahanan, sa puso mo at sa puso ng makakabasa nito.

Tema: KM3 TINIG 2012      
Hurado: Barcelona, De Veyra, Langura, Sayno, Turgo      
       
Rank Pangalan Pamagat  Marka
1 36. Lipadlaya- Qatar Ako ang Tinig ng Pilipino        72.89
2 40. Pong- Medan Indonesia   Tinig at Tatak Filipino        72.82
3 15. Limarx- Bulacan Tinig at Hinaing        70.49
4 32. Jhengpot, Cavite May Mukha ang Tinig        69.71
5 18. Reilly Reverie- Quezon City Perlas ng Silangan        67.14
6 23. Resident Patriot- Japan Ibuwal ang mga Pader        66.77
7 25. Aninipot-  Mindanao Tinig na di Marinig        66.45
8 39. Rj De Lemos- Laguna Wika        65.63
9 17. Diwang Bughaw- Singapura Tinig na walang kapantay        65.17
10 16. Yin- Pampanga Angas kong Mahal        65.16
11 35. Davin- Maynila Tinig o Ingay?        64.91
12 37. WP, Saudi Arabia Basag na Tinig        64.76
13 19. Joey Velunta- Las Pinas City Sa Pagkumpas Naririnig ang Aking Tinig        64.52
14 9. Banjo- Cavite Pagniniig, Ningas at Pagsilang        64.49
15 6. Zyra- Laguna Pagpili        64.22
16 26. G. Manul-  Lebak, Sultan Kudarat Province Alingawngaw ng Paos na Tinig        64.20
17 38. Lio Loco- Mandaluyong City Ang Picha Pie at Pulang Kabayo ni Leon Guerrero        64.16
18 41. Marry Ann Federis- Cabuyao Laguna Tinig ng Katahimikan        64.01
19 2. Goyo- Maynila (Iskwater) “…”        63.96
20 1. ChilledHoney- Rizal Isigaw, Isatitik…Bigyang Laya ang Tinig ni Juan Dela Cruz        63.94
21 14. Shyvixen- Timbukto Bulag, Pipi, Bingi        63.94
22 21. Imot- Quezon City Sa Lilim ng Palda ni Adan o Eba        63.88
23 24. PaQ, Tondo, Maynila  Ano ang Silbi ng Iyong Bibig?        63.83
24 33. Bagotilyo- Cavite Nasa Kulungan ang Aking Kalayaan        63.78
25 11. Tabianmuch- Cebu City Adik        63.40
26 22.Timangkey- Kagubatan Tinig, Asan Ka?        62.98
27 4. Alan-  San Jose, Pilipinas Bulahaw        62.94
28 13. Kikomaxxx- Davao Mga tinig sa Ilalim        62.65
29 31. Katrinadanieles- Cebu Noise Pollution        62.14
30 30. Daniel- Maynila Tinig, Agaw Pansin        61.91
31 20. Al Diwallay- Kingdom of Saudi Arabia Minsan may Isang Hurado        61.68
32 29. Ian Albert Austria- Jalajala Rizal Asan na?        61.47
33 27. Luis Batchoy- Iloilo Hindi Lang Dinig        61.44
34 3. Jh Alms- Maynila Jessica        61.28
35 8. Palomah- Quezon City Sakim sa Yaman        61.10
36 34. Otep Zablan Higit sa Tinig        60.90
37 5. JedPogi- Quezon City Hustisya Balanse Ka nga Ba?        60.80
38 28. Akoni- Riyadh, Saudi Arabia Anong Tinig?        60.32
39 12. Maharuth- Makati Avenue Tinig ng isang Maharuth        60.26
40 10. Midnight Driver- Calumpit Bulacan Huwad na Taong Grasa        59.25
41 7. Palakanton- Batangas Pengeng Yosi        58.47
Gantimpala  
1 Philip Stein Watch, Certificate, KM3 Top 1 Badge
2 WD 500GB Portable Hard Drive, Certificate, KM3 Top 2 Badge
3 UP Diksiyonaryong Filipino, Libro ni Lualhati Bautista at ni Abdon M. Balde Jr, Certificate, KM3 Top 3 Badge
4 HP USB Flash Drive, 32GB, Certificate, KM3 Top 4 Badge
5 MARY KAY: DOMAIN Cologne Spray, Certificate, KM3 Top 5 Badge
6 Libro ni Amado V. Hernandez, Certificate, KM3 Top 6 Badge
7 Libro ni Edgar Calabia Samar, Certificate, KM3 Top 7 Badge
8 Libro ni Domingo G. Landicho, Certificate, KM3 Top 8 Badge
9 Libro ni Banjamin P. Pascual, Certificate, KM3 Top 9, Badge
10 Libro ni Andres Cristobal Cruz, Certificate, KM3 Top 10 Badge
   
   
Espesyal na Parangal  
ChilledHoney- Libro ni Domingo G. Landicho  

Sa mga lumutang ang akda, pinagtibay lamang nito na kayo’y natatangi ang ideya. Hinubog na ng mga karanasan, nakipagbuntalan na sa mga panganib at nakipagniig na sa masayang buhay. Sa mga hindi pinalad ngayong taon, maraming dahilan upang magpasalamat, ibig sabihin, malawak pa ang paglalakbay na nakalaan para sa inyo. Sugod nang sugod hanggang sa makisayaw ka na rin sa tugatog ng musika. ‘Wag mong kalimutan ang sarili mong TINIG hindi man ‘yan nakilala ngayon, sa sarili mo, mas mahalaga iyon.

Pasasalamat:

G. Aldous Sayno, G. Noel SalesBarcelona, G. Lourd De Veyra, G. Michael Rico Langura at G. Nelson Turgo- itinawid nyo ang aking tinig sa kabilang pampang. Hindi matatawaran ang inyong likas na husay sa pagkilatis ng totoong likha. Kung alin ang umaandap-andap na ideya at alin ang ibinalot na sa ginto ng mga karanasan. Sulit ang hiniram kong sandali mula sa inyo.

Sa mga sponsors ng KM, na bawat taon ay nadadagdagan. Isa kayo sa dahilan kung bakit patuloy tayong namamayagpag sa blogesperyo. Ang taas ng rating, tayo ang number 1, number 1….wannnn..wan. Kainaman. May isa pa akong baon na Labyo ol, kunin ‘nyo na ulit.

Sa mga binulabog at ninakawan ng oras para maihatid ang TINIG saang dako man ng mundo. Sa magagandang obra na nakakalibog ng tulog na isipan, alam mo na, salamat salabat.

At sa bawat isang nakibahagi, naki-abang, nakitawa at nakidalamhati sa KM3 TINIG.

Sa mga almost loyal ng KM. Magbilang pa kayo ng ilang taon.

At higit sa lahat, sa nagbibigay ng karunungan, palso o hayok man sa tugatog, alam mo na ‘yan. Labyo din, lagi mo akong mahal, mas makapangyarihan ang Tinig mo.

Para sa ating lahat. Ang tinig na di nagmamaliw ay nagmumula sa puso. -J.Kulisap

May mensahe ka bang nais iparating?

Sa mga nagwagi, makikipag-ugnayan ako sa email.🙂

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Kulturang Pilipino, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

76 Responses to KM3: RESULTA

  1. Ian Albert says:

    maraming salamat po. di ko ineexpect na manalo ako, pero syempre ginusto ko din na manalo para may dahilan akong umabsent sa klase ko sa upcoming na salu-salo. hahah thank you at sa wakas nanalo din me. lels ahahaha kung hindi siguro ako nanalo, ay wala ng KM4 kasi papadukot ko si jKul. hahah Gandang umaga.🙂

  2. JH Alms says:

    isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nanalo at mananalo..

  3. khanto says:

    sino ang winners? heksaysteds na me

  4. chilledhoney says:

    isa lang ang aking masasabi…lahat ay nagwagi…sapagkat lahat ay nagbigay ng magagandang kaisipan! suggestion J.Kul… maari bang ang lahat ng mga kathang lahok sa km mula km1 hanggang KM3 ay maisa libro? tapos penge kami ng copy? sa ganung paraan, kaming lahat ay panalong panalo hihihi!!! (Teka J. Kul… may libro ako di ba? waaahhhh sana di nalimutan… akin itong inaasahan hihihi)

    • kayedee says:

      mgnda ang iyong idea honey pra mpasama ako kht d nanalo kht kelan ahaha..congrats sis alm ko wagi k!🙂

      • chilledhoney says:

        hihihi…sis, kahit mapasama lang sa huling page ng libro, masaya na ako

        ang pagsusulat ko ay therapy para sa sarili ko…

        kung maappreciate din ng ibang tao, yun ay bonus na bongga!

        congrats sa ating dalawa hahahah!

  5. PaQ says:

    O kay lakas mong magpasabik boss! Hahaha! Kapanapanabik ang mga kalalabasan. Hehe.. Sana manalo ako, kahit 40th runner-up lang. Pero sana may premyo pa rin. Hahaha! Ayos.

  6. ayi!!!!!!!!!! sow!!!!!!! eksayted!!!! Goodluck sa lahat. Lahat tayo ay panalo na sa pakulong ito ni Lolo. Dahil lahat tayo ay nakiisa at nakibahagi upang patunayan na tayo ay bilib sa ating wika at sa dugong Pilipino. Mabuhay ang KM3!!! YEY!!!!!😀

  7. palomah says:

    sana manalo si jedpogi! Lol!

  8. bagotilyo says:

    pumasok lang ang mga bet ko masaya na ko🙂

    Congrats sa lahat ng sumali at mas congrats sa lahat ng mananalo at mas congrats pa ulit sayo taykuli sa matagumpay na patimpalak.

    magandang umaga.

  9. bulakbol says:

    ako yata? base. ROR.

  10. metaporista says:

    Congrats sa mananalo.. Tiyak, hindi siya nang-Mafia.. hehe

  11. chilledhoney says:

    Congrats Congrats Congrats!!!!!! sa mga nanalo!!!!! Totally deserving!!!

  12. Joey Velunta says:

    Yun oh! pasok si Limar! Congrats sa lahat!

  13. L says:

    congrats sa mga nanalo. sabi na, papasok ang gawa ni pareng pong. mukang may magpapainom pag-uwi galing indonesia…(indonesia ba o malaysia? lol!). isang malaking tapik sa likod para kay ser jakul para sa taunang patimpalak na ‘to at sa lahat ng nagbigay ng two-cents’ shit!

    mabuhay ang kainamang kamalayang malaya!

  14. bulakbol says:

    yown oh! congrats sa lahat. lalo na dun sa mga kakilala kong nakapasok sa top10. ke ser pong, anipotpot, rj, diwa. \m/ rakenrol!

  15. L says:

    pahabol: congrats din kay anini, jayrulez, at pareng yin. pawang malalasa ang inihain niyong putahe.

  16. madz says:

    Congrats sa mga nanalo!🙂

  17. bagotilyo says:

    congrats sir pong , rj ,limarxx , at sa katukayo ko.

    Congrats din sa lahat ng ngwagi ^_^

    walang kupas si lipadlaya … hahaha

  18. Sphereq says:

    Congratulations sa lahat ng nanalo!!! :))

    Congratulations Dear Kuli sa matagumpay na KM!

  19. Zyra says:

    e congrats!
    sa wakas, MARENG JHENGPOT!!!!

  20. palakanton says:

    ei congrats sa mga nanalo.
    natuwa nman ako sa resulta pang 41 un sakin ang daling hanapin kc un 1 ang una tapos un 41 ang last.
    galing.
    pre congrats sa KM3

  21. Si PONG…PONG….PONG lagi nalang si PONG….hahahaha
    Congrats po sa mga nanalo….lalo na po dun sa TOP10….

    Ako naman ay hinde naghangad ng pagkapanalo…..
    Ang tangi ko lang hinangad ay MAUNGUSAN SI MD….at ako’y NAGTAGUMPAY….wahahahhaa
    AKIN ANG ISANG GABI MO MD……wahahahhaa

  22. WP says:

    Wow kongrats sa mga nanalo lalo na sa KM3!! No. 2 si Pong!!! kongrats

  23. Sa mga katoto sa blogosperyo, sa totoo lamang labis akong nahirapan, at marahil ang ibang mga hurado, sa pagpili ng mga akdang karapat-dapat na tumanggap ng parangal. Magsulat lamang tayo nang magsulat. Kahit wala pang mambabasa, magsulat pa rin tayo nang magsulat. At huwag nating kalimutang walang mas tatamis pa kaysa sa ating Wikang Pambansa, ang Filipino.

    Hindi totoo na walang saysay ang magsulat sa sarili nating wika. Ang pamamayagpag ng Ingles ay bunga rin ng ating kolonyal na pag-iisip. Inalipin tayo ng kaisipang ang gawa, kultura at wikang banyaga, higit na mas mainam at mas mataas kaysa sa ating sariling likha’t kalinangan. Nasaan na baga ang ating kaluluwa?

    Sabi nga ni Rogelio Lunasco Ordoñez, nobelista, peryodista, makata, dramaturgo, kritiko, at isa sa mga nagsulat sa Mga Agos sa Disyerto sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Wikang Nakabartolina”,

    “GAYA ng pambansang kaisipan na ibinartolina ng relihiyon sa doble-karang moralidad, impertinenteng kombensiyon at inaamag na tradisyon, matagal na ring nakabilanggo ang sariling wika (tawagin mang Tagalog, Pilipino o Filipino) sa selda ng ipokrisya at, sabi nga, nangingiming magmura kahit galit na galit na o hindi magamit ang eksaktong mga salita sa tinutukoy na mga bagay, lalo na’t may kinalaman sa seks at mga itinuturing na kalaswaan ng nagbabanal-banalang lipunan. Patuloy pa nga itong binabansot ng rehiyonalismo, pinipigilan ang paglaganap at, higit na masama, ibinabasura ng mga “edukado” at elitistang patuloy na sumususo sa wikang Ingles at narerendahan pa ng kaisipang kolonyal.”

    Samantalang patuloy tayo sa pangangayupapa sa wikang Ingles bilang wika ng intelihensiya’t karunungan, hindi natin napupuna na ang ating wika’y may sariling dunong at bira, indayog at ganda na kagaya rin naman ng iba pang wika sa mundo.

    Binabati ko ang nag-organisa ng patimpalak na ito, si Ka JKul, ang kapwa ko mga hurado’t lalung-lalo na ang nagsipagpadala ng kanilang lahok. Subalit mayroon sanang bilin ang inyong kaka sa inyo: Magpatuloy kayo sa pagbabasa ng sariling atin, magsulat nang ganang kung ano ang mayroon sa atin, at gawin pang mas matalim at mas malalim ang kaisipan sa mga sulatin natin nang hindi masabi ng ilang “intelektuwal” na hindi maalam sa Pilpino o Filipino na talagang wikang pangkubeta lamang talaga ng wika nating pambansa.

    Subalit nililinaw nating wala tayong tutol sa pagsulat sa Ingles at pagpapakadalubhasa sa pagbasa, pag-unawa, at pakikipagtalastasan sa Ingles; kailangan natin ang Ingles para sa diwang internasyunalismo, para maunawaan tayo ng ating karatig-bansa. Datapwa, huwag naman sanang gawing kaawa-awang gusgusing nakahandusay sa karsada ng ating diwa’t pagkatao ang wikang Filipino. Mabuhay kayo!

  24. Sa di-mapantayang galing ng mga kalahok at ng kanilang mga akdang tunay namang nag-uumapaw sa kahusaya’t pagpakatotoo, at sa mga de-kalibre’t mababagsik na hurado, sadya po akong nagagalak at napansin ang aking munting akda at napangaralan na pang-siyam. Maraming salamat po.

    Kay Kuya J. Kulisap na patuloy na naniniwala sa pangil at kapangyarihan ng isang kamalayang malaya, salamat sa pagkakataon. Ikaw na!

  25. Koboi says:

    alam ko mananalo ako dito eh, pero nadaya ako eh. dinaya mo ako kulisap. hahaha

  26. Koboi says:

    Congrats sa mga nanalo, pero si jakul kasi, ahahhahaha

  27. yiN says:

    Pagpupugay kay Lipadlaya! At kay Pong, tanginiks ikaw na malupit at fame of haller! ehe..

    Ngunit ang tunay na nagwagi ay ang mithiin nating lahat na isulong ang wika natin sa pamamagitan ng pagsusulat. At dahil diyan, isang malutong na “puuutanginah Ginoong Kule nagawa mo na naman! Anak ng taenang tatlumpung tinurukan ng mertayolet na tumatambling na tupa’ng tagumpay!” hehehe.

    Salamat sa pagkilala. Mas malutong na pasasalamat sa ating lahat na sumulat, nagbasa, umintindi, at lumisang may ngiti sa mukha at may alab sa puso.

    Sa Bali, Indonesia daw ang awards night?

  28. aninipot says:

    maghahakot ako ng raliyista, wala ang Almost Loyal na award na gusto ko.. hahaha!

    Salamat ng marami, mantakin mo yon top 7 ako.. hahaha! at ang sikreto ibaon mo na. Kamuntik na yon ah! i-inom na lang kita kuya, magsi-celebrate kami.

    Congrats sa lahat. Bow!

  29. sa mga nanalo…wala po bang mgpapainom jan…sama nio na si KULI matagal ko nang inaasam na makita yan eh….baka sakaling mainlove sakin yan….

  30. limarx214 says:

    Salamat sa mga Hurado.
    Salamat sa’yo Sir J.Kulisap.
    Salamat sa kapwa ko kalahok na pinilit inabot ang deadline.
    Walang biro…Mahusay talaga ang Una (Lipadlaya) at Ikalawa (Pong).
    Ganundin ang iba pa.
    Ikatlong Karangalan…malaking tagumpay na ito.
    Congrats sa lahat at muli kay sir J.Kulisap!!!

    Ayos, may diksyonaryo na ako.🙂

  31. jhengpot says:

    huwoooooooooo!!!

    natutuwang naiiyak naman ako dito -artey? lols…

    salamat po sa lahat lalo na kay kuya J.Kul – you can kill me now! hehehe
    congrats din po sa mga nagwagi :)))

  32. Rj de Lemos says:

    Patuloy nating tangkilikn ang Kamalayang Malaya.. at hayaang lumaot ng lumaot.
    Grabe sa pagpiga ng utak sa kakarampot na oras.
    wooohhhh…Masasabi ko na talaga namang aging matagumpay ang Km3.

    Lulu Jaks.
    APIR!

    Kongrats sa ating lahat!

  33. Congrats sa lahat ng nanalo! Kahit mababa ang aking marka, nagpapasalamat akong makapasok sa top 10! Wuhoooooo!!! May libro ako! Maraming salamat sa mga hurado at sa iyo ginoong JKulisap😀

  34. Manul-nulat ng Bayan says:

    pagbati sa lahat,,,,,tumama uli ako sa prediksyon na muling mangingibabaw si lipadlaya….

  35. Luis Batchoy says:

    hala andun ako sa listahan oh! Hehehehe Salamat po sa pagbabasa!

  36. imot says:

    CONGRATS SA LAHAT ng sumali–ETO NA ANG TINIG KO—WOoooOOOoooOOOh!

  37. doroastig says:

    You can translate this post to any of the sixteen different languages. Just click here

  38. Davin says:

    Congrats sa mga nanalo!
    At syempre kay Tito J din. Sa dami ng sumali, anlake lake na ng ulo nyan. Hahaha! Ang lagay e… Ganun ganun na lang ba? Wala bang painom TIto J?😉

  39. Isa itong patunay na likas sa mga pinoy ang talento sa pagsulat. Ang gagaling ng mga kalahok.

    Congratz sa lahat ng nanalo, sumali, sumuporta at sa may pakana ng lahat ng ito.

  40. arvin says:

    congrats para sa mga nanalo…….

  41. superjaid says:

    mabuhay ang mga nagwagi!=D

  42. Leemi says:

    Congrats sa lahat ng nanalo, sayang late yung entry ko ahihi, Congrats din ‘Lo sa isa na namang matagumpay na KM, Happy Birthday din sa’yo.

  43. Olga Luxuria says:

    Pak na pak! Congratulations sa lahat nang nagsipag wagi! Di bale, next time talaga jo-join ako dito! Basta madali lang ang topic ha!😉

  44. musingan says:

    sa sobrang kabisihan.. ngayon lang ako napadpad dito… ehehehehe….. salamat sa pakontest… salamat sa pakulo…. hanggang sa muli… salamat… at maligayang pagbati sa mga nagwagi… wagi tayong lahat….

  45. titikmike says:

    Napakasarap isipin na hindi pa rin nilulumot ang wikang makapangyarihan para ikatha ang isip at puso ng isang lahing kayumanggi. Ang wikang ang tanging hangad lamang ay pagbuklurin ang Pilipinas para sa daang matuwid at sa pedestal ng kasaganahan. Ang kinang at ang kislap ng Wikang Filipino. Tunay na nagagalak ang puso ko sapagkat may mga kaluluwa pa ring patuloy na niyayakap at inaangkin ang kabuuan ng Wikang Filipino. Wika na ginamit upang pukawin at pagalawin ang natutulog na kamalayan ng sambayanang Pilipino. Maraming Salamat sa mahuhusay na 41 kalahok na nagtagisan sa pagsulat gamit ang sandatang Filipino. IPINAGBUBUNYI KO
    ANG ARAW NG INYONG TAGUMPAY! MABUHAY KAYONG LAHAT! MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO!

  46. fyworshipers says:

    wow congrats sa mga nanalo🙂

  47. Haring Ibon says:

    job well done! congrats to winners🙂

  48. tabianmuch says:

    ay pwedeng tumambling? ako na ang late sa mga kaganapan…hahaha

    Congratulations sa lahat ng nanalo at nakilahok!😀

    kinikileg parin me sa pakikilahok..hehe ser J next year uli!!

  49. chilledhoney says:

    HELLO SA LAHAT!

    Tulad ng naipangako… narito ang aking munting alay para sa kaganapan ng Hulyo 14, 2012…

    Ang Pagtatagpo ng mga manunulat sa likod ng mga katha:

    Para sa inyong lahat…

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/07/14/mga-mukha-sa-likod-ng-mga-panulat-km3/

  50. Pingback: Tagumpay | Definitely Filipino™ Blog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s