KM3: TINIG

DAGLIANG PAGSULAT NG SANAYSAY SA WIKANG FILIPINO

SINO ANG SAMPUNG PAPARANGALAN? Nananabik ka na ba? Abangan. Kilala mo na ba sila? Sige nga. Ilagay nga sa comment section.

 

 

Ang dilaw na badge ay para sa Opisyal na Kalahok at ang Pula ay para sa mga magrarally dahil late at sa mga nagmamahal ng tunay sa KM. Salamat

 

Narito na ang tala ng mga opisyal na kalahok ganun na rin ang mga suportang likha. Paki-abisuhan ako kung wala ang inyong ngalan o may pagtatama bago ko maipadala ito sa mga hurado. Ang TINIG ko ay SALAMAT.

KM3: Tinig (Opisyal na Kalahok)
1. ChilledHoney- Rizal
2. Goyo- Maynila (Iskwater)
3. Jh Alms- Maynila
4. Alan-  San Jose, Pilipinas
5. JedPogi- Quezon City
6. Zyra- Laguna
7. Palakanton- Batangas
8. Palomah- Quezon City
9. Banjo- Cavite
10. Midnight Driver- Calumpit Bulacan
11. Tabianmuch- Cebu City
12. Maharuth- Makati Avenue
13. Kikomaxxx- Davao
14. Shyvixen- Timbukto
15. Limarx- Bulacan
16. Yin- Pampanga
17. Diwang Bughaw- Singapura
18. Reilly Reverie- Quezon City
19. Joey Velunta- Las Pinas City
20. Al Diwallay- Kingdom of Saudi Arabia
21. Imot- Quezon City
22.Timangkey- Kagubatan
23. Resident Patriot- Japan
24. PaQ, Tondo, Maynila 
25. Aninipot-  Mindanao
26. G. Manul-  Lebak, Sultan Kudarat Province
27. Luis Batchoy- Iloilo
28. Akoni- Riyadh, Saudi Arabia
29. Ian Albert Austria- Jalajala Rizal
30. Daniel- Maynila
31. Katrinadanieles- Cebu
32. Jhengpot, Cavite
33. Bagotilyo- Cavite
34. Otep Zablan
35. Davin- Maynila
36. Lipadlaya- Qatar
37. WP, Saudi Arabia
38. Lio Loco- Mandaluyong City
39. Rj De Lemos- Laguna
40. Pong- Medan Indonesia  
41. Marry Ann Federis- Cabuyao Laguna
 
 
KM3: Suportang Akda
42. Madz- Lucena City
43.  Kuwentong Balentong- Pampanga
44. San- Maynila
45. Bulakbol- Singapore
46. Lian- Quezon City
47. Payoyo- Quezon City
48. Sphere- Kabilang Disyerto
49. PapaJex- Quezon City
50. Arvin Dela Pena- Leyte

 

PAKSA: KAMALAYANG MALAYA 3: TINIG

 

  • Ang paksa ng timpalak ay TINIG. Ano ang tinig ng isang Pilipino? Para saan ang tinig ng isang Pilipino? Sino ang tinig ng Pinoy? Bakit kailangan ng tinig ng Pinoy? Anong saloobin ang nais mong ibahagi? Iparating at ibahagi ang tinig mo bilang ikaw ay isang Pilipino. Iukit mo sa aming mga puso ang tinig mo. Pansarli o sa  pangkalahatan man, ihantad mo’t hayaan mo kaming dinggin ang tinig mo. Para sayo at para sa ating kapuwa.

 

 

Pamantayan sa Paghatol

Teknikal na aspeto: 30%

Sanaysay (Impormal o Di-Pormal)

Wikang Filipino

Bilang ng mga salita- 300-350

Gramatika / Balarila

Pagbabaybay

Simula, Gitna at Pangwakas

Nilalaman: 45%

Kaugnayan sa paksang-diwa

Nagtataglay ng kaisahan, kohesyon at kalinawan

May kamalayang malaya

Pumupukaw at nagpapaigting sa damdamin ng mambabasa

Kakaibang Ideya: 25%

Pagpapakita ng malikhaing pagsulat sa sariling pamamaraan

Orihinal at hindi pangkaraniwang akda

Kakaibang dating sa pangkahalatang aspeto

Sa mga lalahok:

  • Ang      timpalak na ito ay para sa mga Pinoy Bloggers dito sa Pilipinas pati na      rin sa ibang lupalop ng mundo.
  • Kung      may higit sa isang blogsite ang isang blogger, isang entry lamang dapat      ang isumite.
  • Ang      timpalak ay isusulat sa wikang      Filipino. Pwedeng gumamit ng salitang hiram kung walang katumbas sa      wikang Filipino.
  • Ang      inyong lahok ay ilalathala sa inyong blogsite      sa Hunyo 6, 2012.Walang palugit      para sa mga gustong humabol. Ang petsa at oras ay sa Pilipinas. Pasok ang      lahok hanggang 11:59 ng gabi.
  • Ipadala      din sa email (j.kulisap@gmail.com)      ang kopya ng inyong lahok.
  • Isumite      ang inyong pangalan, lokasyon at link sa https://kainaman.wordpress.com      para maging opisyal ang inyong lahok. Hal ( Maharuth de Lemos,Africa, KM3: Boom)
  • Ang      pamagat na dapat makita sa inyong lahok ay KM3: TINIG (PAMAGAT NG INYONG LAHOK)
  • Pagiging malikhain at kakaiba      ang puhunan sa patimpalak na ito. Palabasin ang bangis ng iyong isip para      maipakita mo sa kapuwa-kalahok ang iyong galing sa malikhaing pagsulat.
  • Bilang ng mga salita: hindi bababa sa 300 at hindi lalagpas ng 350 salita. Ipamalas      ang disiplina sa paggawa ng sanaysay na may kamalayang malaya.
  • Maaaring gumamit      ng larawan, video, musika, guhit at ibang pang kauri nito pero hindi      kasama sa huhusgahan ang mga ito.

Sa Mananalo:

  • Iaanunsiyo ang resulta ng mga nanalo dito sa kainaman.wordpress.com. Pati na rin ang pangkalahatang marka na nakuha ng mga kasali sa patimpalak.
  • Magpapadala din ng liham pagbati para sa magwawagi at kung papaano makukuha ang gantimpala.
  • Ang desisyon ng mga hurado tungkol sa resulta ng mga nanalo ay hindi na maaaring magbago pa.
  • Ang petsa kung kalian malalaman ang magwawagi ay nakasalalay sa bilang ng mga lahok, walang eksaktong araw ng pag-aanunsiyo.

 

Mapapanalunan

 

  • Ang sasali sa timpalak  ay otomatikong may badge ng KM3
  • Sampu ang      hihirangin bilang natatanging akda sa taong ito.
  • May virtual      medal ulit na pang-side bar para sa mga magwawagi.
  • Ang iba pang mapapanalunan      ay inaanunsyo lamang kasabay ng pag-aanunsiyo ng mga nanalo.

Apila/Patalastas/Paglilinaw

  • Isa sa layunin ng Kamalayang      Malaya ay ang mag-welcome ng baguhang bloggers. Mas mainam kung may      mahihikayat kang makisali sa patimpalak na ito. Kung wala naman,ayos lang,     tuloy ang sagupaan.
  • Kung      dati kung sino ang kasali ay siya ring hurado pero ngayon sa pagkakataong      ito, kumuha na tayo ng mga hurado subalit nakikiusap pa rin ako na      pag-ukulan natin ng pansin ang akda ng kapuwa kalahok. Ang Kamalayang      Malaya ay mainam na paraan upang makakilala ng panibagong kaibigan na may      kaparehong interes. Ang pagsusulat.
  • Magtanong      kung hindi malinaw ang panuntunan sa patimpalak. Kung malabong malaboang      instructions,kill me now. Ang hirap kaya gumawa      nito. ‘Di ako nagrereklamo,      sinasabi ko lang. Lels
  • Magreklamo      kung may apila. Lilinawin po natin iyan.

“May tinig na pasigaw subalit hindi dininig minsan man lamang, mayroon din namang pabulong pero nakintal sa buong magdamag ng buhay. “

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Kamalayang Malaya, Kulturang Pilipino, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

382 na mga sagot sa KM3: TINIG

  1. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Base! Yahoooooo! Ako ang nauna. Ang saya saya. Gising na mga kaibigan, ‘wag na maghilamos, mapapasma ang mata..pass your paper..1…2…3. Hahahaha. Magandang umaga. Pasok lang.

  2. Essa Pajarillo ay nagsasabing:

    BASE! HALA KA, KINABAHAN NA AKO

  3. musingan ay nagsasabing:

    ahahha… ikaw ang nauna…

  4. cheesecake ay nagsasabing:

    isip isip isip. yung lang busy pa ako dami kong gawa dito sa office. i-batch job ko yang TINIG hehe.

  5. kainaman… tinig kung tinig….. sige titimpla pa ako ng kape lolo… sadyang ganyan ang buhay minsan kelangan ano rin eh.. 😀 Goodluck sa mga makikilahok..!

  6. chilledhoney ay nagsasabing:

    salamat sa pagbisita sa isa sa king akda….nabigyan ako ng “link ni G. Manul tungkol rito ^_^ …hmmmm nakakagising ng aking utak….

  7. Ian Albert ay nagsasabing:

    gandang umaga!! boom! hahah 😀

  8. tabianmuch ay nagsasabing:

    ito na ang inaabangan, buti nalang at night shift ako..hehehe

    exercise thy brain cells!!! 😀

  9. WP ay nagsasabing:

    Kailan pa ito? bakit meron na agad ang aga pa dyowk 😁😜😖

  10. amphie88 ay nagsasabing:

    Puyatan na ito! Fingers crossed, rock and roll!

  11. imot ay nagsasabing:

    Sabi na nga ba at me parang nakalimutan ako ngayong araw eh. Umpisa na pala.. daya. Andito ko sa trabaho… isip isip muna..

  12. Anciro C. Romana ay nagsasabing:

    Good luck sa lahat na sasali.

    pasensya na sir di ako makasali, nahihirapan nga ako magtagalog lol. Wala bang bisaya? lol

  13. Banjo ay nagsasabing:

    Kainaman 🙂

  14. JH Alms ay nagsasabing:

    naalala ko tuloy yung kanta ng join the club na “tinig”.. wala pa rin ako maisip.. good luck sa lahat ng makakasali..

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Sabihin�mo sa�kin�kung ayaw mong marinig..
      Ang tinig�.ang tinig�..
      Sabihin mo sa�kin kung ayaw mong marinig�- JOIN THE CLUB

      Pa�no iiwasan kalimutan kang tawagan
      Eh kasi..ayoko nga�walang magagawa�

      Dear Jesse, hindi naiiwasan ang pagmulat ng mata sa umaga gayong
      kapag pipikit na ito, wala nang makapipigil…gaya ng tinig..kahit hindi isambulat, may nakikinig.

      Good luck

  15. MD ay nagsasabing:

    ARRRYYYYYAAAAAAAA!

  16. Goyo ay nagsasabing:

    Anong ginagamit mo sir na word counter? Pamano-mano ba? Hehe! Para sana pareho at pumasok sa criteria ‘tong entry ko. Ang hirap ng may limit, eh. Thanks. Sana asap ang reply. Hehe!

  17. katrinadanieles ay nagsasabing:

    kuya, may sinend ako sa email mo. :)) pa-iisipan ko pa entry ko. 🙂

  18. aww parang wala ako maisip para sa temang ito ha….
    i

  19. jmmadalih ay nagsasabing:

    umpisa na ng pagpapadugo ng kaisipan… bawal muna kausapin ang katabi :)) oops ingat baka may makakita, kasama pala sa COB yan! panu na!?

  20. bagotilyo ay nagsasabing:

    km3 : Sabaw me T_T

    kill me now!! haha

  21. jela PO ay nagsasabing:

    Diyos ko PO ! NAgsimula na nga talaga PO.. Panu ba yan , parang hindi ako makaabot sa deadline PO. hhuhuhu… ;-( Wag po kayong mag-alala dahil gagawa at gagawa akong ng paraan para makasumite nang isang magandang akda PO. Hindi nga lang sigurado pa kung ngayon ko maibibigay PO!

  22. Rj de Lemos ay nagsasabing:

    ngarag!hahaha gudnyt! LOL

  23. Lapiskamay ay nagsasabing:

    ako din parang di aabot sa deadline. hehe. may mga Filipino grade 6 questionaires pa kong itatype. syet. bat ngayon ko lang to napansin. hehe

  24. duking ay nagsasabing:

    isang magandang araw para sa panitikan!

    nakangiti ang oportunidad para sa lahat ng lalahok, babaha ng tinig, at kaabang-abang kung anong tinis ang mangingibabaw at kung kaninong lalim ang bubuo sa salimbayan ng iisang koro ng lahat ng titindig para tumugon sa hamong ito.

    mabuhay ang lahat ng tutugon, at asahan ninyong kung nasaan man ninyo piniling ilabas ang inyong tinig, may mga puso’t isip na makikinig at maririnig ang inyong himig, ang inyong tinig.

    mapagpalayang araw ng KM3: Tinig sa lahat!

    PS1: kulisap, umabsent ka ba sa trabaho?

    isa pang tanong…maaari rin ba akong mag iwan ng komento sa mga pahina ng kalahok?

    PS2: Birthday mo di ba?

    PS3: Mas gusto ko ang Xbox 360.

  25. Ian Albert ay nagsasabing:

    good morning ulet! hahah 😀 boom!

  26. John Eric Dioquino ay nagsasabing:

    nahiya man akong lumahok ngunit akin paring napagtantong sayang ang oprtunidad.. isang malaking karangalan ang mapabilang sa iyong patimpalak ginoong JKUL…

  27. Maharuth101509 ay nagsasabing:

    dati ang iniisip ko lang kung kelan ko makikikilala ang lalaki sa buhay ko…ngaun ampopot, pakontest ni KULISAP ang aking iniisip….matapos ko na sana ito…..nang matapos na ang aking paghihirap….

    HAYUP KA KULI…..hahahaha

  28. gnehpalle02 ay nagsasabing:

    nagbsa na ko lo ng mga lahok… galing, astig at ang lululupet!
    Wala pa ung iba jan ah…

    Hala tulog ka lo? gcng na! dami ng naghihintay.

    – dumaan, nakiusyoso, nakibasa at nag-iwan ng bakas…
    lian:)

  29. Zyra ay nagsasabing:

    Hehehe dami ko tawa
    Sige sinusuportahan kita kuya kulisap 🙂

    Zyra, taga-laguna.
    http://adodcespresso.com/2012/06/06/km3-tinig-pagpili/

    Tawa ulit *hahahaha*

  30. palakanton ay nagsasabing:

    palakanton, Batangas
    http://palakanton.blogspot.com/2012/06/km3-tinig-pengeng-yosi.html

    pre eto entry ko.. ang hirap nman my bilang pero kahit panu nakagawa….

  31. powtek! ano ba ito.. sabaw ako..pero hahabol ako.. parang fun run lang yan eh.. huli man.. at mahalaga’y nakarating sa dulo.. 😀

  32. PaQ ay nagsasabing:

    Ngayon lang talaga pwedeng magpasa ng lahok? Mukhang di ako makakagawa. Ang dami kong ginagawa dito sa opisina. Hayyy… 😦

  33. yiN ay nagsasabing:

    nagbabalik,

    Yin, tabi ng tindahan ni Kuya Wil habang nangungulangot, Pampanga
    http://pritongpretsels.wordpress.com/2012/06/06/km3-tinig-angas-kong-mahal/

  34. musingan ay nagsasabing:

    Pasensya na… ngayon lang sir nakatugon sa panawagan niyo…

    Al Diwallay, Kingdom of Saudi Arabia, http://www.musingan.com/2012/06/km3-tinig-minsan-may-isang-hurado.html

  35. IMOT ay nagsasabing:

    Imot, Quezon City, KM3 TINIG : Sa LIlim ng Palda ni Adan o Eba
    http://akosiimot.blogspot.com/2012/06/km3-tinig-sa-lilim-ng-palda-ni-adan-o.html

  36. timangkey ay nagsasabing:

    wohoooo ito naman ang akin

    ang inyong lingkod, Timangkey, kagubatan, http://timangkey.wordpress.com/2012/06/06/km3-tinigasan-ka/

  37. Pingback: KM3:TINIG (Ibuwal ang mga Pader) | The Pinoy Site

  38. PaQ ay nagsasabing:

    Omaygad! May natapos ako. Iba talaga nagagawa sa’kin ng cramming! Hahaha! xD

    Pablo Quaderno(PaQ), Kay Asiong ang lupang ito. Tondo Maynila, http://pabloquaderno.wordpress.com/2012/06/06/km3-tinig-entry/

  39. John Eric Dioquino ay nagsasabing:

    JEDPOGI, Quezon City, http://jednjeni.blogspot.com/2012/06/km3-tinig-hustisya-balanse-ka-nga-ba.html
    Inedit KO Sir Jkul baka sakaling manalo sayang hehehe…

  40. Manul-nulat ng Bayan ay nagsasabing:

    G. Manul/ Manul-nulat ng Bayan, municipality of Lebak, Sultan Kudarat Province
    http://manulnulat.wordpress.com/2012/06/06/km3-alingawngaw-ng-paos-na-tinig/

  41. a solemn punch ay nagsasabing:

    Hala! Nag au-audit ako dito sa Puerto Princesa. Paano kaya ako makakahabol dito?! 😦

  42. Pingback: KM3: Tinig(Noise Pollution) | katrinadanieles

  43. katrinadanieles ay nagsasabing:

    katrinadanieles, cebu, http://katrinadanieles.wordpress.com/2012/06/06/km3-tinignoise-pollution/

    heto na, heto na! :)) yey!

  44. jhengpot ay nagsasabing:

    Jhengpot, Cavite Pilipinas, http://heavenknowsmj.blogspot.com/2012/06/km3-may-mukha-ang-tinig.html

    natapos din, you can kill me now! lol

  45. Pingback: KM3: TINIG (HIGIT SA TINIG) « Libre Lang Mangarap!

  46. otep ay nagsasabing:

    ‘to na suko na ko 350 words sakto haha

    Otep. Silang Cavite

    http://otep.wordpress.com/2012/06/06/km3-tinig-higit-sa-tinig/

  47. Pingback: Kamalayang Malaya 3: Tinig at Tatak Filipino | GNOP

  48. Pong ay nagsasabing:

    xD
    Kuya Congrats!

  49. Pingback: AKO ANG TINIG NG PILIPINO « Lipadlaya

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Uy, kainaman. Kainaman. TnT

      • lipadlaya ay nagsasabing:

        Pahapyaw kong binisita ang mga sumali… Ibang klase, Magagaling lahat, May kanya-kanyang istilo. Naglelevel up.. Nakamit ng pakulo mo ang isa sa mainam nitong layunin.. Ang manggisisng at lumikha ng mga bagong manunulat…

        Nga pala, kainaman ka. Ikinulong mo kami noong una sa bilang ng mga salita, tapos sa mga balakid na salita,.. at ngayon ay sa napakaiksing oras… Grabe kang magpiga ng utak..Mahusay!!

  50. Pong ay nagsasabing:

    Name: Pong
    Kinaroroonan: Medan, North Sumatra, Indonesia
    Link: http://pongbalatong.com/2012/06/06/kamalayang-malaya-3-tinig-at-tatak-filipino/

    Nasaan na entry ni wp?

  51. WP ay nagsasabing:

    Ang aking lahok sa Kamalayang Mahalay Series 3 ni Kulisap 😀

    http://wanderingpiscean.com/2012/06/06/km3-basag-na-tinig-2/

    Maari po ninyong ipadala ang inyong mga panlalait at pang aalipusta sa aking lahok via email: wanderingpiscean@yahoo.com. Tenks.

    I love you kuli 😀

  52. WP ay nagsasabing:

    Ayos lang boss L, inaatake lang talaga ng katam 😀 pinekpekang kamelyo talaga hahaha

  53. Pingback: KM3 : Tinig ng Katahimikan « Ang AkingPanulat

  54. sphereq ay nagsasabing:

    Base!

    kill me now!

  55. WP ay nagsasabing:

    Naku Sphereq, humanda ka! papatayin ka talaga ni Kuli dahil wala kang entry sa KM3. Sayang yung “Loyalty Award” lol

  56. sa saliw ng awit ay nagsasabing:

    hello, kulisap,

    pwede pa ba? may ginawa ako pero di ko na na-word count, shaks. wala nang time for editing and proofreading at saka, thinking na rin, whehe. 😉

    basta ire ang nakayanan – kung umabot man o hindi —

    San, Manila – http://sasaliwngawit.wordpress.com/2012/06/07/km3-tinig-kaninong-tinig-ang-pakikinggan/

    thanks and regards! 🙂

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      San, salamat sa effort mo na makasali pero dahil tayo’y may panuntunang sinusunod, aking ipinababatid na hindi ito papasok para maging opisyal na kalahok sa KM3.

      Salamat sa pang-unawa. Kill me now. 🙂

  57. pangetdinako ay nagsasabing:

    ako po ay hindi umabot…11:00pm Middle east time…tsk

  58. Banjo ay nagsasabing:

    napakahusay naman lahat ng kalahok. aba eh bongga ang naging piyesta dito sir jkul, iba’t ibang putahe ang inihain.

    the best.. congrats naman sir 🙂

  59. katrinadanieles ay nagsasabing:

    kuya, katrinadanieles po, pornstar po yung si katrina daniels? LOL!

  60. Pong ay nagsasabing:

    Marami pa rin ang mga lahok kahit ngaragan ang KM3 dahil sa oras na palugit.
    ikaw na kuya kulisap

    • sphereq ay nagsasabing:

      pongkie!!!! kala ko nalunod ka na sa indonesia nilunod ka ng mga indonesian! mananawagan na sana ako sa POEA ipapahanap ko pangalan mo.

      • Pong ay nagsasabing:

        hahahaha ako na ang may loyalty award ate anne
        binigo mo si kuya kulisap sa pagkakataong ito
        sina ginawan mo na lang ulit ng sequel ang Mayan at si ______

        • Sphereq ay nagsasabing:

          may libreng pakulot at manicure parin ako at kulay orange na itlog paguwi ko diba Dear Kuli hahahaha hindi ko naisip yong sequel masydong maiksi ang oras at naging abala ako sa maraming bagay bagay kasalanan ni KUli kung bakit walang sequel ang Mayan ko

  61. gnehpalle02 ay nagsasabing:

    http://gnehpalle02.wordpress.com/2012/06/07/km3-tinig-bagong-taon/
    kahit di ako nakasali, para sa iyo ito lolo kong mahal.
    Mabuhay ang KM3! Goodluck at Congrats sa lahat ng kalahok!

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Isa ka pang bata ka. Haist, ‘di ko mawari na kapag magpapatimpalak ako lagi at laging hindi ko maperfect ang lahat. Humihingi ako ng pang-unawa sa inyo. Salamat.

      • madz ay nagsasabing:

        habulin mo kaming mga pahulihin kuya :))))))))

      • gnehpalle02 ay nagsasabing:

        lolo ako po sana ay iyong mapatawad, kahapon ko pa inumpisahan iyan sa totoo lang ngunit hindi tlaga kinaya ng katawang kaluluwa ko. At ako rin po may dinaramdam kaya lugaw ang utak ko sinahog sa miswa…

        miss u lo 😀 hailabshu!

  62. EssaPayoyo ay nagsasabing:

    Pwede pa bang humabol ng pang-suporta? O may deadline din? HAHAHAHAHAHA

    http://babaepalasisatanas.blogspot.com/2012/06/maniwala-ka.html
    Payoyo
    QC

    At nagbabakasakali.

  63. John Eric Dioquino ay nagsasabing:

    hays namaga mata ko kakabasa ng mga komento…

  64. toni ay nagsasabing:

    ung kina wp, pongkie, lian, anini, davin at lio nabasa ko na pwera pa ung 4 kahapon andon sa bandang itaas pero inaabangan ko pa rin ung lahok ni sphere.

    kuya kuli ano ba nangyari ke anne at kahit text nde ung ngrereply?

  65. Sphereq ay nagsasabing:

    BASE!!!
    kainaman kill me now!

    http://sphereq.com/2012/06/07/km3-tinig/

    Sphereq – kabilang disyerto

  66. Sphereq ay nagsasabing:

    asan na yong badge ko!!!! ang bagal naman nagsubmit na ako ah hahaha

    • Pong ay nagsasabing:

      buhahahahahaha
      talagang isinulat mo ang kanilang mga tinig ate anne
      tawa ako nang tawa sa entry mo ikaw na ate anne!
      hahahahahahahaha

  67. Pong ay nagsasabing:

    Kuya Kuli makakatanggap dapat ako ng Loyalty Award Batch di ba? xD

    Paging MahaRuth, Shy at Mads di ako makapagcomment sa mga post niyo? Anong nangyare sa blogspot?

    xD

  68. WP ay nagsasabing:

    sa barangay magpaliwanag ang mga late bwahaha

  69. PaQ ay nagsasabing:

    Boss! may correction yung sa’kin. Hehe.. pwede pa bang palitan yung word document na pinadala ko. Send ko na lang sa email mo agad. Hehe.. Tengkyu if ever. Kung hindi Wit na lang din. Keber kung may mali. Hehe.. Pero wish ko ever na sana mapalitan pa kasi puro chever ang typo at wrong spelling ko dun sa nasend ko. Kahiya sa mga hurado. Haha! 🙂 Pisssss…. nasa Email mo na boss tengkyu! 🙂

  70. aninipot ay nagsasabing:

    Totoo ba na may loyalty award? dapat meron ako!!!!!

    since i.ph sumasali na ako at ni minsan di ako nakapasok sa top ten. bwahahaha. kaya kahit loyalty award man lang.

  71. Karl Olivier Jamandra ay nagsasabing:

    Sayang, huli ko nang nabasa na may ganito palang paligsahan. Di bale, babawi na lang ako sa susunod. 🙂

    • J. Kulisap ay nagsasabing:

      Sayang talaga Sir Karl. Sige kung may susunod pa dapat ikaw na ang manguna sa pagpasa ha? Makikain ka na lang ng handa ng iba. Ang sasarap kaya, hindi nababahaw na handa.

  72. mmc.XD ay nagsasabing:

    Wuhuhuhu! Hindi ko alam na may patimpalak palang naganap 😦

    Anyway, nabasa ko ang lahat ng mga lahok, magagaling. Mahirap pumili. Malamang, kung nakasali ako, bokya din haha.

    Sana’y sa susunod makasali ako.

    O kaya gagawa na lang ako ng sanaysay, ngayon. trip lang 🙂

  73. saling-pusa ay nagsasabing:

    Mawalang-galang po Ginoong J.Kulisap. Mayroon po bang deduction kapag po somobra sa 350 words ang word count o automatic disqualified? Napansin ko po kasi na may entries na more than 350 words. 🙂

  74. geyliilii ay nagsasabing:

    hahah! sabi ko sasali ako dito diba ? tapos ngayon lang ako nakabalik dna pala abot haha. goodluck sa mga kasali, pahati

  75. Arvin de la Peña ay nagsasabing:

    kumusta….pasensya na at alam ko huli na ako…..bilang suporta sa patimpalak ay nag post po ako sa blog ko ng KM3: TINIG (HALALAN 2013) at gamit ko ang pulang badge….

    http://www.arvin95.blogspot.com

  76. Arvin de la Peña ay nagsasabing:

    suporta na lang po ako kahit huling huli na ako…
    Arvin
    Leyte
    http://www.arvin95.blogspot.com/2012/06/km3-tinig-halalan-2013.html

  77. arvin ay nagsasabing:

    huli na po ako….suporta na lang po ako…

    Arvin
    Leyte
    http://www.arvin95.blogspot.com/2012/06/km3-tinig-halalan-2013.html

  78. iyah (@iyakhin) ay nagsasabing:

    at ako’y di nakasali….. 😦

    tsk….

    ako na ang sobrang busy last week……..

  79. Nuno ay nagsasabing:

    pwede ba akong humabol… :p

  80. Noel Sales Barcelona ay nagsasabing:

    Nakatutuwa naman itong pakulo ninyo, Ka JKul. Kaya lang ay di ako nakasali. Mabuhay ang mga nasa blogosperyo. Teka, puwede bang humingi ng ambos sa mga papremyo? har har har! Pauna nang pagbati sa mga mananalo. 🙂

  81. Pingback: Walang Sense « Say Cheese!

  82. chilledhoney ay nagsasabing:

    G. Kulisap…

    Nais ko lamang ibahagi itong bagong luto sa hardin… matagal ka ring di nakapasyal kaya dinalhan na lang kita…

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/06/21/masukal-na-kagubatan/

  83. bulag ay nagsasabing:

    sir J same date ba ang KM4? 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s