KM4:NGANGA

PAUNAWA

km3-teaser1rv

Sa mga giliw na tagasunod, tagasubaybay, artists, manunulat/bloggers, mga hurado at sponsors na sangkot sa KAMALAYANG MALAYA. Ipinababatid ng pamunuan na NGANGA muna tayo ngayong KM4: NGANGA. May pamunuan daw? Oo meron, ngayon lang.

Ang taunang timpalak na ito ay ipagpapaliban muna. Kung kailan ito magbabalik sa blogesperyo ay kontrolado ng katahimikan ng daigdig, gayon na din ang payapang pagdaloy ng malinaw na tubig sa batis na nasa ika-pitong bundok ng Mt. Halawhaw kung saan naglalaba ng damit ang mga taga-Nayon. Parang iba na ‘ire? Tantantenen! Natitimang ang langgam, bakit maalat ang pawis sa dagat ng basura?

Naniniwala talaga ako na may nag-aabang sa KM gaya din ng paniniwala ko na ‘yong iba eh wala namang pakialam gaya ni Roland, Sphere at Joseph Quiambao. Nagkaroon kasi sila ng lovelife kaya hindi matutuloy ang KM4: NGANGA, tapos si JKulisap, ay tinubuan din ng pagmamahal. Inlove siya kaya KM4: NGANGA muna. Dapat talaga hindi naiinlab eh. Pag blogger ha, tandaan mo, dapat walang lovelife.

Walang halong biro, please be careful with my heart, gustong gustong gustong gusto kong maglunsad ng KM4: NGANGA kaya lamang madamot ang oras, nasisiguro kong mababawasan ng kalidad ang maihahain at pag-aasikaso kung ipagpipilitan kong mailunsad ito ngayong taon.

Sa mga sponsors at tumutulong, may panahon pa para makapagipon ng mas malaking papremyo. ‘Yong tipong tatalunin natin ang American Idol, the Voice, Talentadong Pinoy at ang pamimigay ng jacket ni Willie. ‘Yon bang sasagutin ng mga sponsor ang pagliliwaliw ng mananalo sa Sabah. Malamang tahimik na sa Sabah sa panahong ‘yan.

Salamat

Pamunuan

JKulisap Kiram XDVI

(Hinirang sa Pakaskasan via knock-out)

Ang tunay na NGANGA at tagapagmana ng Saba, Latondan at Pik-iw

Nilagdaan ngayon lang din.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
Image | This entry was posted in Kamalayang Malaya, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , . Bookmark the permalink.

89 Responses to KM4:NGANGA

  1. limarx214 says:

    Parang sinapian ako ng lungkot dito, sir jkul! sabihin mong ito’y isang biro lamang, Please!!!

  2. Joey Velunta says:

    At kelan ka pa naging kamag-anak ng mga Kiram hahahaha. Atleast napangiti mo ako. Oo naniniwala ako na dapat pag blogero at blogera wala dapat lovelife hahahaha joke lang!

    • J. Kulisap says:

      Pards kagabi, nagpadala ng sugo sa aking panaginip, ito talaga ang tunay na dahilan kung bakit walang KM ngayong taon, aasikasuhin ko ang paghahakot ng lupa sa Sabah. Sabi kasi ng Sugo, dapat daw mailipat ko ang lupain ng Sabah sa North Korea, tapos kapag naihalo ko ang lupang pangako sa NK, ay pauusukan ko naman ito sa ‘Merika..tapos ipapaamoy ko sa mga taga Tsina, pag nasa Tsina na ako, dapat may maitext ako na isang Hapon na uuwi na ako mula Tsina papuntang Pilipinas para bumoto naman sa darating na halalan. Magulo kasi ‘yong sugo eh..parang mga kalahi ni Roland, Sphere at Joseph Quiambao kasi.

      At sabi sa panaginip pards, wala daw muna tayong maiuuwing sabaw mula sa restoran kung saan ginaganap ang piging ng mga royal bloods gaya ni Mam SaraH with capital H at Lulu.🙂

      Istoryahe!

  3. krn says:

    E di sigi, kung san ka masaya. LOL Sayang naman! Masaya pa naman magbasa ng mga entries.

  4. pong says:

    hahahahaha care na care kami, nasagasaan ako ng motor, na hit and run kainaman. buti bahay pa me kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

    • J. Kulisap says:

      Uy goodluck naman at nasagasaan ka ng motor, kasi kung yong motor ang nasagasaan mo, palagay ko ipapagamot mo yan sa pinakamalapit na PGH. Buhay ka pa nga Ponggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggg! Ano ba namang katangahan yan Pongkie..hahahahaha. Tantadew ka..buhay ka pa. Asan ang tropa?

      • pong says:

        e-mail me sa iyo bukas, mga wala silang awa, bahasa nang bahasa ang driver yun karipas ako hilata sa daan buti di ako tumilapon sa kabilang daan hahahaha, si roland busy, hinahanapan nya me ng visa, mga tsekwa dito tinataasan nila ako ng 2 libo sa panibagong 2 taon na kontrata kainaman lang di ba? uwi na lang ako at makikipagkita sa iyo may agreement na kami ni nanay bago ako umuwi or pag-uwi kita tayo para sa mga karamapatang parusa hahahahaha, sure na po iyon labasan na ng mailalabas .
        si ate anne, may heart something pa yata, si sir roland naman abala din sa pagiging katulong hahahaha

      • WP says:

        Ang mahalaga Pong buhay ka kahit na hit and run ka ng habal habal ng Indones, Keriness na yaness ang malaganess buhayness ka kahit tanganess ka lol

    • cheesecake says:

      pongski buhay pa pala u xD

  5. at talagang lumalablayp ang lolo… ayiiii.. kinikilabatutan naman ako.. ehehehe…. aantayin ko nlang ang muli mong pagdeklara ng KM4….bukas na ba yan.. Lol!… hanggang sa muli… asta labista… keshishishi!!!..😛

    • J. Kulisap says:

      Moshi moshi pochi. Kahit ako di ako makapaniwala na inlove ako Karen. Grabe, ‘nong tsinek ko ‘yong puso ko, aba talaga naman, pumipitik pitik…parang tilapyang kakapugas lang sa lambat. Bukas agad ang KM? Isang araw lang ang pagpapaliban?

      Keshishisi fukushima harakiri kiram muriki llookvek rukerevek.

  6. PaQ says:

    Nalungkot ako.. totoo. Isa pa naman ‘to sa mga inaabangan kong pakulo sa blogospheryo taon-taon tapos NGANGA?! Hanubanamanyan????? HAHAHA! xD Tapos ang lakas ng tawa ko sa parteng, “Pag blogger ha, tandaan mo, dapat walang lovelife.” Lupasay talaga eh~~~! HAHAHAHAHAHAHAHA~~! xD Eniwey, sana nga joklang ‘to. Napakomento ako bigla eh.

    • J. Kulisap says:

      Honga pala, dahil nagkalablayp ka at humarot ka, isa ka din sa dahilan ng pagnganga ng KM4:NGANGA. Let’s do the chachacha nganga. Nganga! Ayaw ko namang puksain ang mga nag-uumapaw na pag-ibig ninyo, walang binatbat ang bundok, maakyat lang ano? Kalandeee!

      • PaQ says:

        Hahaha! Nadamay pa ‘ko oo. May lablayp din naman ako dati ah! Hahaha! xD Kilig talaga ang kalaban eh.. mahirap humanap ng oras kapag marami kang kilig. :)) Kalandeee!

  7. JH Alms says:

    minsan, kailangan talaga ngumanga eh.. eh hindi naman sa lahat ng panahon parang pasko.. kaya solb lang ‘yan, adre.. hehehe

    • J. Kulisap says:

      thanks adre. may balisawsaw kasi ako ngayon kaya mahirap magsaya. tnt. babalik naman. hindi pa naman sinisibak ng pamunuan. Pumapalo pa din ang rating. Ayon sa SWS, eh tayo pa rin ang nangunguna sa Mega Manila maging sa Sabah at Babuyan Island.🙂 Asan na ang Habulang G?

      • JH Alms says:

        may naumpisahan na si paQs sa manuscript, ‘di lang matapos pa at busy tsaka ninanamnam din ‘yung panahong andito pa ‘yung palalabs niya.. kailangan din kasi ‘yun para makapagpa-quote ng maayos.. problema lang talaga eh pondo kasi walang gustong sumalo sa kaya lang natin.. sana kahit mahabol man lang daw natin ‘yung minimum nila (alam mo na ‘yun kung magkano).. plano na namin mangutang, hindi pa alam kung kanino, pero may pinapaluto na kami kay joleah, hintay lang kung anong mangyayari.. tuloy ‘yun, pondo lang talaga..

  8. sphereq says:

    hahahaha kainaman na yan!

  9. hartlesschiq says:

    Bakit?Kung kelan handang handa na ko.

    Pramis di na ko mali-late ng 2 mins.

    • J. Kulisap says:

      Inlab ka din di ba? Pagupit ka pa nga eh. Kaya purnada muna ang KM4:NGANGA.
      Ireserba ang lakas sa susunod na hamon! Bawal ang late

      • hartlesschiq says:

        ang alam ko pag nagpapagupit, broken hearted hahaha kilala ko ba ang pag-ibig mo ngayon ha? si subjective ba yan? lels

        • J. Kulisap says:

          Hindi mo kilala Mads. Walang clue. Basta naramdaman ko na lang Mads, ‘nong ano…parang di na ako makatulog, kala ko kasi ako ang mang-aawit ng pusong bato. ‘Di rin makakain…katulad mong…pusong bato. Moyieeee. Si Moyie ang pag-ibig ko

  10. bagotilyo says:

    may lablayp ka na kasi at kilala ko kung sino siya . TNT

    magandang theme yan para sa KM4 . “NGANGA” hahaha…

  11. ang lungkot naman…yung kaisa-isang kontes na gusto salihan this year, napurnada…

    pero ayus lang, lovelife muna before anything else hehe update na lang po at post ng mga pics whehehe

    • J. Kulisap says:

      Weh? Hahahaha. Magdrawing ka lang diyan ha?

      Kinikilig nga ako sir, para akong laging naiihi. Ganyan, saka para akong timang, kasi lagi akong nakangiti eh. Tapos, grabeng cute ko pala kapag nakangiti ako lagi. Hindi ko masisisi ang mga tao kapag napagkamalan nila akong si Daniel Padilla ng Sabah. Hindi ko talaga kasalanan po po. Tnt

  12. WP says:

    Kailangan talagang gamitin ang lovelife sa pagkaka kansela ng KM4 hahahaaha. Muritness!

    • J. Kulisap says:

      Mahalaga talaga ang lovelife. Kailangang pagbigyan. Tingnan mo si Anne, hindi pwedeng mapurnada ang lovelife niyan, baka matanggal na ang puso. Tapos ikaw, ayaw ko namang maging hadlang sa f na f mong role ngayon, ang mangatulong bilang ganti sa Rado at mga pabango. Si Pongkie, hanggang ngayon inlab pa rin kahit na ikinasal na ang kaniyang bestfriend. Hindi ako tsimoso ah, ito talaga ang tunay na kuwento sa likod ng pagkakakansela ng KM4:NGANGA.

      Mapagbigay akong kaibigan sa inyo kaya nagsakripisyo ang pamunuan sa pangunguna ni JKulisap Kiram XDXD

      • WP says:

        Wahahaha f na f talaga?!!! mapagbintang ka, ang OA ng pangangatulong ah xD. HIndi nga boss? kinasal na si ano? kanino kinasal? dun sa matindi niyang karibal? shak! ngayon parang may bagong twist yung habal habal incident, baka naman hindi hit and run iyon di kaya suicide iyon? wow naman, para iyon lang, marami pa naman diyan ano ba naman siya. Next time wag naman sa motor, tingnan mo puro gasgas siya tuloy wahahaha. Kuli sino naman yang karelasyon mo? topic nila kagabi kainaman ka!

        • J. Kulisap says:

          Ahahahaha, palagay ko habang nagpiprepare ka ng pagkain, kumakanta ka ng Pusong Bato saka Dayang Dayang….tapos magmamadali kang tumakbo sa pinto kasi bumubusina na ang sasakyan na magsusundo sa bata. Pangangatulong…ikaw na si Maya. Tnt

          Oo ganun na nga po, palagay ko pagpapatiwakal talaga ang motibo ni Pongkieness sa Indoness dahil sa naunsyaming pagsungkit ng pusong bato ng kaniyang iniirog.

          Si Moyie ang karelasyon ko. Labyo Moyie.. Ayeeee

  13. Davin says:

    ay sayang naman.

  14. tabianmuch says:

    eh paano yung hindi lumalablyp ser J, na nagaabang nalang ng mga patimpalak sa blogesperyo? paano ang mga pinagkaitan ng pagibig at nganga lang pag may nag HHWW? paano, paano, paano?? LOL

    pero magaabang parin (sa lablyp man o sa KM4) malay, baka magbago ang isip at maglunsad..hehe😀

    • J. Kulisap says:

      Yang mga may problema sa lablyp, magdiwang kayo kasi baka magkasakit kayo sa puso. Nganga na lang muna at tulo laway ha?

      Kainaman…may abangers pa rin. Kill me now! hahahaha

  15. Payoyo says:

    Napa-NGANGA tuloy ako. Paano ito, eh tuwing KM lang nabubuhay ang mga boolaaag na patay buong taon?

    Tulad na lamang ng mga lungga ko.

    Hay nakerz, ang aga ng announcement, March palang ah. Ma-boycott nga din tong lungga mo! +_+

    (Tampuhin much? HAHAHAHA)

  16. aninipot says:

    mapupurnada ang loyalty award ko. anong klaseng lovelife yan kuya? lol

  17. Cam Buendia says:

    woooh bisaya man lagi?kkk
    dapat kasi wag lumablyf para di NGANGA haha,,
    hello kuya lolo
    sayang naman walang KM4…

    pero napangiti ako sa post mo:P

    happy weekend

  18. Lagbu says:

    Naeksayt naman ako nung nabasa ang KM4 sa title. Sayang talaga, kala ko makaka first time na ngayong taon eh ^__^

  19. Rj de Lemos says:

    Kasalanan talaga ito ni moyie! :XD

    • J. Kulisap says:

      alam mo na. si Moyie lang ang nagpainit sa nanlalamig kong puso. Siya ang kumot sa magdamag na mailap, si Moyie ang sulo sa madilim na daan. Tanging si Moyie ko..Si Moyie lamang.😄

  20. Monik says:

    Hmmm, kala ko NGANGA yung tema. Panalo na ako dyan, lagi naman akong nganga eh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s