Salunga

 

Sining ang bawat buka ng bibig

Bumubukal ang makapangyarihang sinasambit

Mga ngiting mula pa sa kaibuturan

At sa bawat salita’y gantimpala ang naghihintay na kapalit

 

May pag-asa sa hatid ng pagbabago

May bagong buhay dulot ng isang kagustuhang;

Kumawala sa rehas ng sariling pagkukulong

Sa dating ako, ako  na siyang dahilan kung sino ako ngayon.

 

Gusto ko na…gustong gusto

Lakas ng kalikasan

Tulungan mo ako

Init ng araw, balutin mo ako

Kidlat, kulog, ulan, panhik na sa puso ko

 

Gusto ko na. Ang anyo ko’y bago.

 

Salamat sa iyo Makapangyarihan

Kaysarap maglakad ng may paghakbang

Hindi paurong kungdi pasulong

 

Bawat minuto, iikot ang mundo,

Tungo,

Sa nais kong pagbabago

Salunga- paghakbang sa paitaas na daanan/lugar

adj

  • adverse [advérs]
Laban; salungá

 

 

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , . Bookmark the permalink.

11 Responses to Salunga

  1. Joey Velunta says:

    Salunga; Ang last Name ni Leah :))

    Ayus pards, positibo!

  2. limarx214 says:

    Sumisid ako para maintindihan ko ito!
    Kay ganda nito, sir jkul!

  3. Lagbu says:

    galeng hehe.. ^_^

  4. lipadlaya says:

    sir,, anong bago? career? Lovelife? negosyo?
    dumaan lang po…
    ngayon ko lang nalaman yung salitang salunga.. ang alam ko lang SALUNGAT.. ayun…

  5. cheesecake says:

    maganda yung ganito, may index ng mga matatalinhagang mga salita sa dulo.

  6. bagotilyo says:

    ngayon ko lang din nalaman yung salitang salunga. hahhaha

    musta na buhay buhay? :p

  7. JH Alms says:

    mukhang good vibes at positibo ang dating nito sayo adre.. anuman ang mga ‘yun, sana magpatuloy at madala mo ng maayos para mas solb.. hehehe

  8. pagpanhik..

    musta sir jakul?

    gandang araw🙂

  9. Enad says:

    Salunga? Ayun oh, new word for me.. Magamit nga yan. haha

  10. narinig ko ang salitang “salunga” sa kanta ng eraserheads. ganda ng paghagod ng tula.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s