Pagsusuri: Poor ba Us? ni R.A. Gubalane

Poor ba Us Sinong Mahirap ni R. A. Gubalane

Layon ng aklat ni Gubalane na maimulat ang mga gising naman nating diwa sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa lalo na sa usaping pananalapi na may direktang kinalaman sa ating pagkakalugmok sa utang, pagkakalulong sa mga hindi maipaliwanag na paggastos sa kabila ng kakapusan sa kinikita. Inilahad niya ito sa paraang mauunawaan ng mas marami; mag-aaral, nagtatrabaho, propesyunal o tambay man sa kanto dahil ang mga salitang ginamit ay hindi nangangailangan ng malalim na pag-aanalisa subalit ang mensahe ay lutang na lutang at tiyak kong manunuot sa himaymay ng bawat makakabasa nito. Napapanahon din ang mga pangyayaring inilahad: na bawat Pilipino ay sangkot, mula sa tahanan, sa paaralan, sa kulturang popular, pulitika at maging sa usaping pansarili. ‘Yong tipong “ Nakakarelate ako”at  “ Oo nga naman.”. Nagprisinta din siya ng mga datos upang maiparating ang totoo at hindi gawa-gawa lamang.

Ang mas mahalaga dito ay tuturuan ka niyang timbangin ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili upang maibahagi mo naman ito sa iba. Kung nag-iisip ka, kung nasaan na ang pinaghirapan mo? Basahin mo ang aklat na ito. Ang nakakatuwa, pwede pala nating baguhin ang nakasanayan na. May mga librong nailathala na upang pumukaw din ng diwa pero ang Poor Ba Us? ni Gubalane ay may sariling kariktan. Walang masyadong drama, prangka at tumatawid sa reyalidad. Nangyayari. Kasangkot tayong lahat.

Sino ang ayaw ng pera? Binanggit niya sa aklat na ang pera ay masama kung sa masama gagamitin, mabuti ito kung sa mabuti gagamitin.

“…Walang medisina sa nilalasong sentido…”- R.A. Gubalane

Bagamat parang nanununtok, nagmumura o nandudura ang ibang akda, ang pagdudumilat ng katotohanan ang siyang nagpapaigting sa kalidad ng librong ito na dapat na mabasa ng mas marami. Ipinapamalas ang kahalagahan ng pera subalit ipapaintindi naman kung ano ang masamang dulot ng labis na pagkahumaling dito.

May mga sulatin siyang tumatalakay sa ating bansa pero mas hinihikayat kitang basahin ang “Salamin” pahina 57 at “Incest” pahina 93. Ang salamin ay tumutukoy sa iyo, sa akin, sa kanila- sa ating lahat. Ipinamalas niya dito ang talim ng mga salitang susugat at paaantakin ang diwang nananamlay dulot ng mga pangyayaring ayawan man natin ay tila talamak nang nakikisama sa ating pakikibaka sa araw-araw. Sa Incest naman ay ginahasa niya ang aking isipan upang paglaruin ang mga nakaraan. Ako pala ay manghahalay din sa sarili kong “ina”.

May mga sablay sa teknikal na aspeto ng pagsusulat pero kahit sinong tanyag na manunulat ay hindi ito kayang gawing perpekto. Kaya naman mahalaga ang ginagampanan ng isang editor. Mas mainam na may ibang mata na kumikilatis sa isang sulatin para mabawasan ang mga pagkakamali. Sasang-ayunan ako ni Gubalane na mahalagang maihatid ang nais ipaunawa sa pagsunod sa teknikal na aspeto dahil ang anumang nakasanayan na ay mahirap nang gawing tama pero posible. Ang pagsasalansan ng mga nilalaman ay mahalaga din upang mapanatili ang interes ng mambabasa. Maari sanang inihanay niya ang mga usapin tungkol sa pagka-Pilipino, usapin tungkol sa pananalapi at mga akdang naghahamon ng kamalayan nang sa ganun ay mas maipakikita pa ang kahusayan at kagandahan ng librong ito sa masining at kagiliw-giliw na paraan. Tama lamang ang kapal ng libro para maihatid ang layuning nagpapamulat sa mambabasa. May ilang mga ginamit na larawan subalit hindi lumutang ang tunay na layunin ng larawan upang mapakinang pa ang akda dahil sa kakarampot na espasyo.

Ang mayabong na puno ay hindi basehan na ito ay nagbibigay ng masarap na bunga. Ang kilalang puno bagama’t napatunayang may masarap na bunga ay hindi nangangahulugang wala nang iba pang puno na may masarap na bunga sa paligid. May punong hindi kasing-yabong ng kilalang puno pero kung susubukan mong tikman ang bunga, maaari mong sabihing, “Bakit ngayon lamang kita natikman?”Ganito ko nais ilarawan ang batang-batang libro ni Gubalane.

Adbokasiya ko nang suportahan ang mga Pilipinong manunulat, pero mas higit pa sa suporta ang nais kong ibahagi kay Gubalane dahil siya ay isang kaibigan kahit na maikli pa ang sukat na namamagitan sa amin dahil hindi naman dapat sinusukat ang pakikipagkapuwa tao. Si Gubalane ay nagkamit ng ikatlong karangalan sa KM3: Tinig, pagkatapos ng ilang buwan ay iniluwal na ang Poor Ba Us?. Sino pa ba ang magtutulungan kungdi tayong itinadhanang magbahagi ng mga salitang makakayabong ng ating mga pangarap. Ngayon higit sa like, komento at pagsishare, kailangan mong bumili upang matulungan natin ang bawat nangagarap na manunulat na ipagpatuloy pa niya ang kaniyang naisin. Isang pamamaraan ito na sana’y magpukaw naman sa mga publisher sa Pilipinas na bigyang pansin din ang mga hindi kilalang manunulat upang sa gayon mas mapalago natin ang panitikang Filipino.

Si Gubalane ay blogger din kaya dapat lamang na mula sa hanay natin ay maipamalas natin ang ating suporta at pagtangkilik.

Kung nais ninyong magkaroon ng kopya ng libro, ito ay mabibili sa

http://www.amazon.com/Poor-Ba-Us-Tagalog-Edition/dp/1478364750 o mag-email  kay Gubalane ( limarx214@yahoo.com.ph )

Show Less

Book Description

Mahirap nga ba ang mga Pilipino? Ano ba ang dahilan sa likod na pagkakaroon natin ng mga Supermall? Bakit maraming Pilipino ang kabilang sa pinakamayayamang Pilipino sa listahan ng Forbes? Bakit maraming Pilipino ang walang panghihinayang sa pagpapalit ng gadget? Bakit kabilang ang overpriced na iPhone sa pinakamabiling celphone sa ating bansa? Bakit kahit mahal ang halaga ng isang imported na gamit mas pumapatok ito kaysa sa mga murang halaga pero lokal na produkto? Bakit kaya nating pondohan ng milyon-milyon ang CDF ng bawat mambabatas? Bakit kahit gaano kamahal ang halaga ng produktong alak at sigarilyo patuloy na namamayagpag ang negosyong ito? Bakit kahit mahal ang tiket sa konsiyerto ng dayuhang mangaawit ay pumapatok pa rin ito? Bakit may bilyon-bilyong dolyar tayong reserbang pera? Bakit milyon-milyon ang allowance nang kung sino mang opisyal o delegado ng Pilipinas sa tuwing pupunta sa ibang bansa? Bakit may kakayahang tayong magpautang ng Bilyong Dolyar sa ibang bansa? Bakit ba ang dami kong tanong?

Product Details

                               Paperback: 110 pages

                               Publisher: CreateSpace Independent Publishing Platform (August 19, 2012)

                               Language: Tagalog

                               ISBN-10: 1478364750

                               ISBN-13: 978-1478364757

                               Product Dimensions: 8 x 5 x 0.2 inches

                               Price: $7.00

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Kamalayang Malaya, Kulturang Pilipino, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

24 Responses to Pagsusuri: Poor ba Us? ni R.A. Gubalane

  1. WP says:

    Like ko ito Jakul! Magpapabili ako sa iyo ng book!🙂

  2. Monik says:

    Nahirapan akong iconvert yung dollar sa pesa. Magkano ba palitan ngayon boss?

    At mabuhay ang mga blogger!

  3. limarx214 says:

    salalamt sa review/promotion sir jkul, panalo!
    maraming salamat talaga, hindi nasusukat sa haba ng panahon ang pagiging magkaibigan.

    • J. Kulisap says:

      Mas panalo ka Sir Limarx. Kanina napag-usapan namin ni Sir Joey, na iba pala ‘yong pakiramdam kapag kakilala mo ‘yong nagsulat at naglabas ng libro. Hindi namin maipaliwanag eh. Ako parang nauutot sa tuwa, si Joey naman ‘di ko alam. Lol

      Pangalawang book na ulit? Hehehe.

      Congratulations!

      • limarx214 says:

        may plano ako sir jkul…sana matupad
        ‘pag hindi na busy si tatay jobo saka ‘pag naresolve na yung problem niya. i-approach ko na kung pwede compilation ng mga writings ng bloggers ang next project niya. ang ganda siguro nun!

  4. rb says:

    Bakit maraming Pilipino ang kabilang sa pinakamayayamang Pilipino sa listahan ng Forbes?

    naguluhan ako medyo dun. pero siguro kung may mga tsino, hapon o thai na kasama, pwede nating sabihing, Bakit maraming Pilipino ang kabilang sa pinakamayayamang ASIAN sa listahan ng Forbes? hehehe…

    • J. Kulisap says:

      Maganda ang iyong punto, maaaring may punto din si Gubalane ‘don. Maaring nais niyang i-stress na sa kabila ng pagdarahop ng Pilipino ay marami sa Pilipino ang kabilang sa mayayaman na pumapasok sa listahan ng Forbes.

      Salamat sa iyong matalas na pagkakaunawa.🙂

  5. superjaid says:

    medyo nosebleed ako sa purong tagalog na entry na to hihi pero nakarating naman sa akin yung gusto mong sabihin kuya. mukhang maganda nga yung libro. available na ba to sa mga bookstore?

  6. Banjo says:

    kung labas na sa merkado paniguradong papatok ito sir jkul, balak ko pang hanapin sa bookstore..

    natutuwa ako at mula sa hanay ng blogero na aking iniikutan ay may isang nakapagsulat na ng libro. (tama ba?)

    hangad ko ang iyong tagumpay sir Gubalane.

    maraming salamat dito sir jkul🙂

    • J. Kulisap says:

      Sana nga mas madami makapansin nitong libro ni Gubalane. Hitik ito sa praktikal na pag-aanalisa sa usaping pananalapi sa kabila ng kalagayan ng ating bansa. ‘Di hamak na mas makabuluhan ito kaysa sa ibang aklat na lumabas sa merkado. Dito ay tuturuan tayo ni Gubalane na pagnilayan ang walang kawawaang paggasta kahit na gipit na gipit na tayong mga Pinoy.

      Tama ka Sir Banjo, blogger din si Gubalane.

      Kung nais po ninyo ng kopya ay meron pa si Sir Gubalane nito. Bale kasi ang publisher nito na si Tatay Jobo ay nakabase pa sa US kaya kung gusto nyo, meron din sa amazon.com.

      Salamat din Sir Banjo. Ikaw kailan ka magpublish ng book?

  7. Banjo says:

    hala nawala ang aking komento. asan na kaya yun?

  8. tomaritz says:

    mukhang maganda tong libro, sana lang maging available siya sa mga local bookstores para mas maraming tao pa ang maabot at mamulat kung bakit nalulugmok ang marami sa atin sa kahirapan…

  9. Rj de Lemos says:

    bibili ako nito…basta bibili ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s