Nagbabagang Balita: JKul Bumisita sa Pinas

Ngiti muna diyan. Kapag ‘di lumabas gilagid mo, hindi ka susuwertehin ngayong araw. Ayan, nganga pa. Uto uto? Minsan nakakagaan ng pakiramdam ang pagiging uto-uto. Tawa nga ulit…ayan.

Eh heto pa, ‘lika dito bilis, may ikukuwento ako. Lapit ka pa. Ayan…parang amoy araw ka. Ligo ka nga muna.

Alam mo bang hindi pala lahat ng mahaba ay masarap? Kainaman.

O, wag masyadong mag-isip ng iba.

Kamusta naman?

Nitong mga nakalipas na araw ay tila bahagya ang aking pagsulyap dito sa aking tahanan. Pinili ko kasing maging abala kaya naman heto ako basang basa sa ulan,walang masisilungan. Walang malalapitan. Napakanta ka ba? Sige tuloy mo lang ‘yan. May kinabukasan ka diyan.

Mabalik tayo sa mahaba pero hindi kasarapan. Ganito ‘yan, nabigyan ako ng pagkakataong dumalo ng Writing Workshop. Akalain mo ‘yon, kauna-unahan kong pagdalo ng isang gawain na may kinalaman sa hilig ko talaga. Ay, panalo mga tsong. Nanginig ako, pumuti mata ko, napakagat labi ako sa sarap. Ahhhhhhhh! Ganyan. Salamat pala sa aking kumpanya, lagi akong binibigyan ng pagkakataong malinang ang aking kaalaman. 

Pero wait there’s more. Wow English. Ayon ang problema, English mga kumare at kumpare. Ang facilitator na si Junep Ocampo ay nag-email ng assignment namin para ma-gauge niya, (gauge talaga?) ang aming writing proficiency. Ang instruction, walang mag-eedit ng gawa. Kainaman. Assignment pa lang Ate Charo, nag-internal bleeding na ako. Wawa naman me, said I (me) to myself. Patay. Grammar nazi, hi. English eh. Pagpasok ko sa creative room, ayan na kasama ko pala ang daga ng aming kapitbahay. Sa isip ko, kung Filipino pa, baka may laban. Baka hindi panis ang kaya kong ipatikim.

Tapos na. Wala na akong sasabihin. ‘Di ba nga, minsan hindi masarap ang mahaba?

Pagkuwentuhin nyo pa ako bilis. Kasi bihira lang ako magkwento. Pilitin nyo ako.

Tatlo ang facilitator sa workshop. Si Junep Ocampo na kasalukuyang Managing Editor ng RightMedia Philippines, Editor in Chief ng Motorcycles World (kauna-unahang taglish magazine) ikinatuwa ko na may magazine na taglish at Editor in Chief ng Iloilo News Today, dating kolumnista sa The Philippine Star, sa madaling sabi, hLIMAw na siya sa larangan ng pagsusulat. Kasama niya din ang kaniyang maybahay na si Cel Ocampo na siya namang gumagabay sa teknikal na aspeto ng pagsusulat. Si Lucci Coral, sa pagkakaintindi ko ay nagsusulat din sa isang pahayagan (The Manila Bulletin) ang siya namang nagbigay ng kaalaman tungkol sa pagsusulat ng balita.

News Writing, Feature Writing, Press Conference, Basic Photography and Social Media- iyan ang mga pinag-aralan namin na sabi ni Mr. Sison, kapag wala kaming natutunan ay salary deduction daw ang ibinayad sa workshop na iyon. Patay!

Pero seryoso, ang daming nagbukas na oportunidad sa akin sa pagdalo ng pagsasanay na iyon. Hindi na ako masyadong naaalibadbaran sa English pero mahal na mahal na mahal ko pa rin ang wikang Filipino. Tayong dalawa lang ha? Promise? Yes…very much.

Akala ko matatakot ako sa mga facilitator, hindi naman pala, kaya pala sila nandon ay para magbahagi ng mga karanasan na nila. Hindi naman pala masamang magtanong, kasi may sagot sa mga agam-agam. Agam-agam mamen!

So asan na yong mahaba?

KISS muna bago ko sabihin. Ayan, isa pa nga uy! Ayan..amoy nganga ka. Lol

Sa pagsusulat daw lalo na ang mga balita kailangan KISS. Keep it simple and sweet. Hindi kailangang mahabang mahaba ang mahalaga siksik na ang mga impormasyon sa mga isinusulat.

Ngiti nga ulit diyan. Lagi kayong mag-iingat.

 PS. Sir Junep, kapag nabasa mo ‘to, di ko alam kung sasakit ulo mo. Alin ang headline at alin ang hindi mahalaga? Wahahaha. Peace

Jkul

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

10 Responses to Nagbabagang Balita: JKul Bumisita sa Pinas

  1. aninipot says:

    KISS lang naalala ko sa mga sinabi mo. haha! keep it short and simple una kong nakabangga yan sa English Teacher ko nung first year high school, yon ang paalala nya samin if magsusulat na kami ng essay, tamad kase yon magbasa. hehehe.

  2. Joey Velunta says:

    Ahahaha kala ko keep it simple, stupid! Hahahaha

    Naniniwala akong hindi lahat ng mahaba ay masarap. Katulad ng mahabang paghihirap, hindi masarap yun.

    May photography? e di magshoot na tayo, ako modelo mo pards.

  3. sa’n nakakakita ng impormasyon tungkol sa mga writing lecture o seminar na kagaya nito, ser J? gusto ko rin maambunan ng kaalaman😀

  4. madz says:

    5W and 1H yan lang ang natutunan ko sa news writing.🙂 Kamusta po dito?😀

  5. tadongdaniel says:

    nganga talaga ako sa kakatawa, sir. hindi ko alam kung gusto ko ng maikli. haha.

  6. ang hirap naman mamen… pero ikaw na ang nabigyan ng oportunidad lolo… magandang pangitain yan…. nakikinita-kinita ko na ang future mo… “Eto po si Jkul… para sa—- Ahem… Excuse me po! inyong Saksi!”😀

  7. Banjo says:

    KISS pala eh. ayon naman nagbabagang balita, umalis pala ang iyong kamalayan patungo sa wikang hindi sa atin, at maligayang pagbabalik.

    naman, sana ay may ganyan din dito as aming kumpanya.. asa pa.. nganga nga🙂

    magandang araw sayo sir jkul

  8. Gracie says:

    Ang kulit, nakakatuwang basahin Sir Jkul

  9. bagotilyo says:

    eh di ikaw nang nahasa ang pageenglish .. hahaha…

    wala sa haba , wala sa ikli . nasa performance .tnt

  10. Monik says:

    HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! KISS muna. TNT. Bagong pauso Lo ah.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s