Dear Kuli: Mega the Informer

Nakausap ko si Mega kamakailan at heto ang natatandaan ko sa aming pag-uusap.

Mega: Kamusta ka na baliw?

Kuli: Gan-un pa din. Kaw? May trabaho ka?

Mega: Meron, dito sa presinto, lunch break ko  kaya naka-online ako.

Kuli: Pulis ka na Mega? Ang malas naman, nililinis po natin ang hanay ng kapulisan, bakit diyan ka pa napadpad?

Mega: Informer ako ng pulis, bobo!

Kuli: Kung makabobo ka naman, parang hindi ako nag-grade one.

Mega: Jowk lang.

Kuli: Namiss kita, joke lang din.

Mega: Tangina mo, ‘gang ngayon di ka pa rin nagbabago

Basahin ang liham niya sa Dear Kuli. Akalain mo ‘yon. Nag-level up na si Mega. Kongrats. Mega the Informer na from Mega Luwang. Jowk ulit. ‘Nga pala, baka isipin ng mga nagbabasa dito eh puro kalokohan ang mga sumusulat sa Dear Kuli. May mga makalaglag pusong idinulog sa programang ito pero hindi ko muna ire-repost. Gaya ni Lulu, at ni Mrs. Spongebob. Kailangan ko muna ng pampagood-vibes dahil BER na. Wala lungs.

Dear sir jkul,

Bakit po jkul ang tawag sa inyo? Yan po ba ay initial o talagang mahilig kayo magjak**?

Pero bago nyo po sagutin yan, maaari ko ba kayong handugan ng isang awitin?

Maganda po yan search nyo sa iyotube.

Talaga yatang wala ng pag-asa upang ako’y iyong ibigin pa

Paano mangyayari gayong ako’y di mo pansin

Paano mo malalaman sayo’y may pagtingin

lagi na lamang sa aking isipan, sana ito’y iyong maramdaman

Masabi ko na sana na minamahal kita

Doon mo lang malalaman pag-ibig ko’y hanggang

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa

Bakit may mahal ka ng iba, ngunit di bale na

Kahit mahal mo siya mahal naman kita

Kung totoo ang lahat ng iyan sana ako’y nangangarap na lang

Masayang man iyan ay pangarap lamang

Di naman ako gaanong masasaktan…..

Maganda po ba boses ko? Sana nagustuhan ninyo, klap klap naman po dyan.

Ako po si Mega isang tindera, tindera ng aliw sa Avenida. Kung gusto nyo ako makita ipagtanong nyo lang ako sa kahabaan ng avenida mula sa dorotheo jose hanggang sa simbahan ng sta.cruz. Minsan lumalapag din ako sa kahabaan ng shaw blvd. paikot ikot lang po kung saan walang huli.Problema ko ser yung mga kostumer na kuripot. Bakit ba hindi nila maintindihan na kumakain din ako ng 3 beses isang araw, umiinom ng vitamins at gumagamit ng feminine wash? lalo na ngayon ang mamahal ng mga bilihin ser pero kung baratin nila ako ganon na lang. Ano po ba ang dapat kong gawin? Tulungan nyo nga po ako. Aasahan ko po ang inyong kasagutan sa lalong madaling panahon, now na!

Gumagalang kahit hindi ginagalang,

MEGA

Dear Mega,

Ang J ay inisyal ng aking totoong ngalan. Tama ka, mahilig ako. Mahilig akong magbasa ng mga sulat ninyo. Nagkakakalyo na nga ako sa kamay eh, kakabasa.

Tamang pangarapin mo na lamang ako at ‘wag nang maging totoo pa. Ipinanganak si J.Kulisap para magmahal ng marami at hindi pwedeng sa isa lamang. ‘Yon daw po ang dapat isagot ko sa mga tanong, sabi ng road manager ko. Salamat sa iyong handog na awit, nanariwa ang naliligaw kong kaluluwa. Hehe

Ramdam kita Mega, nilangaw na rin ang aking karir. Bihira na akong tumambay sa Pasay, lalo na don sa may Baclaran Redemptorist Church. Wahahahaha. Kaya heto, nagshift ako sa blogging.

Nahihinuha kong nalulugi ka na nga dahil minamadali mo akong sumagot. Sana matulungan kita. Heto na.

  • Una, bakit ka binabarat? Baka naman kinukulang ka sa performance o di kaya naman ay medyo nalalaos ka na? Mahirap ibenta ang gasgas na kesa sa brand new. Subukan mo ang vagina tightening machine ni Belo, na pinagkaguluhan sa twitter kung ano ang dapat na itawag. Sana napili yong Kepslock o kaya Vulvaseal. Kaya lang medyo may kamahalan siguro iyan. Makiusap ka na lang na hulog-hulugan
  •  Pangalawa, magpalit ka ng suki, magbago ka ng lugar. Irefer kita kay Bulakbolero, Joey Velunta, KuyaMao at WP for short. Subukan mo din sa Pegasus. Mag-level up.
  • Pangatlo, gamitin mo ang mga social networking sites, magtweet ka, magblog, iplurk mo kung magsi-SALE ka ng you know. Try mo ang G+, siguradong may spot ka sa G+.
  • Pang-apat, kung alam mo namang humihina ang kita mo, ‘wag na munang mag-feminine wash, pwede naman siguro vinegar with laurel leaves, para hindi mabilasa. Kainaman. Syempre joke lang, ano ba ang pwedeng alternatibong panghugas ng say something here? Surf, Downy isang banlaw? Asin pwede rin, para ‘di mahampok. ‘Nong araw wala namang mga ganyang panghugas. Magtipid ka muna.
  • Panglima, subukan mong humanap ng mas akmang trabaho para sa iyo, ‘yong sa tingin ng marami ay desente at katanggap-tanggap sa lipunan nating mapanghusga. Naranasan mo na kung paano mapasok sa larangang iyan, panahon na siguro para ibang karera naman. Parang kabute ang call center industry ngayon sa atin, mag-apply ka. Kapag natanggap ka, CALL GIRL ka na. Meynteyn!

Totoo, iba’t iba ang tadhana ng tao sa mundo. Mega, kinatawan ka ng katotohanan. Sa mundo mo, sining ng mga tao sa kanilang panulat, pelikula o dokumentaryo. Salamin ka ng isang bansang nagdarahop at mga uhaw sa laman na anak ng lipunan.

‘Nga pala, magpa-check up ka rin ha? Mahirap magkasakit. Bakit Mega ang iyong ngalan? Mega-luwang?

Magkita tayo sa mata.

Kuli

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Halakhakang Pinoy, Kamalayang Malaya, Panitikang Pilipino and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

29 Responses to Dear Kuli: Mega the Informer

  1. bagotilyo says:

    walang kupas ang kepslock at vulvaseal. tnt

    Dear mega ,

    wer n u? dito na me.

    -bagotilyo

  2. jutaylele says:

    JKul,

    Vinegar with laurel leaves ba kamo? Ano ba tingin mo sa kipay nya, adobo?
    Bakit hindi na lang alamang para maging binaggoongan na lang. Hahaha!
    Lalo hindi magbabayad ang kostumer nya!

    Mega,

    Para kuminis yan gumamit ka ng liha. Makinis ka na, nakatipid ka pa. 

    Lovelots,
    JutayLele

  3. DonQC06 says:

    Akala ko si megastar sharon cuneta

  4. JH Alms says:

    baka mukhang wrestler na si mega kaya binabarat na? hehehe

  5. palakanton says:

    astig sa mga pau sir Jkul… natawa nman ako dun pangalawang payo mo…
    para kay mega subukan mong dumayo dine sa batangas baka ikaw ay mabenta dahil bagong hitsura.

  6. gusto ko yung mga huling paragraph, tagos sa apdo
    ‘di na ba ulit sumulat si dong?😀

  7. chilledhoney says:

    Hmmmm…bagong bokasyon… call girl!🙂

  8. Hmn… sa palagay ko ay grumadweyt ka na Mega sa pagiging call girl… dapat magaplay ka nang mamasang kasi baka di naman namamasa yan dahil sa paggamit mo ng Whim (teka, me ganito pa bang brand ng pamasa sa keps? Ganito kasi ang nakikita kong brand noong bata pa ako. Kulay pink ito. Ha-ha-ha! Di po ako ang nagamit, ang nanay ko po!)?

    Ikalawa, dapat siguro ay ibahin mo ang pananamit at ayos mo. O kaya, mag-bold show ka na lang sa internet. Uso naman ngayon ang MILF at Old Woman Fuckers (OWF). Dolyar pa ang bayad. Teka, parang ang panget yata ng payo ko, ha? hmn…. Dapat siguro ay magbagong buhay ka na. Magtayo ka ng club at ikaw nga ang bugaw. Mas malaki ang kita dahil 70 porsiyento ng ganansiya sa iyo, at ang 30 ay sa babaing ibebenta mo. Bongga!

  9. kayedee says:

    lol. yun lng bow!

  10. Papa J, akoy babalik dito hehehe. bookmark muna ika ni “zezil”…

  11. KALOY says:

    Palakpakan!! Number one! Number one!! (oh diba parang nanunuod lang ako sa sinehan) aha

  12. binky says:

    Bakit hindi tawas? Naloka ako! Laglag sa upuan sa kakatawa.. Jowk un!
    Pwede!

  13. Monik says:

    Hindi ko makakalimutan ‘to si ate Mega. Nakausap ko sya sa chatroll nung kami nalang dalawa tapos may naikwento sya sakin. Pwedeng pseudo story lang ang lahat. Pwede ring hindi. Pero bilib ako sa kanya. Miss na miss ko na sya. mehehe.

  14. nyahahahhaha.. sori makatawa wagas.. ang mga salita naman kasi mamen…palong-palo…😀

  15. irish kaye says:

    benta, dapat na ngang magbago ng trabaho si mega..

  16. WP says:

    Naalala ko na naman yang kepslock na iyan TNT! Muritness!!

  17. ayan Papa J ako muli ay nagbalik, sabi ko sa iyo eh. hahaha. gandang gabi. kaya pala binago ang “call center” at ginawang “contact center” nag level up, dati pa call call lang, ngayun may contact na. tama ba, haha, isang malayang pag-iisip.?

  18. mega says:

    tangnang jkul talaga to o….

  19. Banjo says:

    kagaling ng huli mong sinabi sir jkul.

    ay kay mega, pambihira. wag kang dadayo dito sa kabite at sigradong lalo ka lang maiimbiyerna. aba ay ay sigarilyo na lamang ang katapat eh. juk lamang..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s