Dear Kuli: Dong Dilig

Time out muna tayo sa mga seryosong usapan. Bigyang daan natin ang liham ni Dong Dilig. Ito’y liham pa niya noong isang taon, ngayon ko lamang napagtuunan ng pansin. May Dear Kuli portion ako dati, namahinga lang. Mabenta ang Dear Kuli portion ‘nong panahong hindi pa ako narerehab. Lol

Dear Jkul,

Una sa lahat magandang araw sayo at sa iyong fans. Dapat yan pala yung nilagay bago ang Dear Jkul para talagang una. hehehe. Tawagin nyo na lang po ako sa panagalang Dong. 26 taong gulang Di kagandahang lalaki pero kung tindig at tikas lamang ng pangangatawan ang pag-uusapan may laban ako kina Derek Ramsey at Dingdong Dantes. Sabi pa nga nung kapaitbahay ko sa probinsya hanep daw yung maskels ko sa braso para daw sampalok. Lumaki po ako sa Bohol at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang all-around houseboy sa kilalang subdivision sa lugar kung saan kinaiinggitan ng mga Single na mga babae. Sabi kasi nila mas mabuti pa daw ang Parañaque may BF. acheche

Sumulat ako upang humingi ng payo sa aking kinasadlakang trabaho. Ang amo ko ay walong taong hiwalay sa asawa at may dalawang anak na nag-aaral sa Diliman. Tinatawag ko syang Mam Sara (with capital H). 38 taong gulang 5’6 ang height, sexy, maputi, makinis at bukod sa lahat ay maganda. Sa unang isang buwan ko sa trabaho ay swabe ang lahat subalit nag-iiba ito nitong nakaraang linggo. 

Habang nagugupit ako ng mga damo sa hardin, biglang  dumating si Mam Sara (with capital H) naka hanging na sleeveless na kulay puti at nakaminiskirt. Sa sobrang hanging ng kanyang damit ay nakita ko ng hindi sinsadya ang kanyang kamot sa tiyan. Pero hindi ko na iyon pinagtutuunan ng pansin. Pero laking gulat ko nang bigla syang umupo sa aking harapan. Sabi nya tuturuan daw nya ako ng tamang paggupit ng damo. Sa sobrang iksi ng suot nyang skirt at nakitaan ko sya ng panty at kita ko ang kinis ng kanyang mga hita pero hindi ko pa rin ito pinagtuunan ng pansin dahil ang gusto ko lang ay magtrabaho. Nung matapos nya akong turuan maggupit ng damo tinuruan nya naman ako kung papano daw ang tamang pagdidilig ng halaman. Magaling syang magdilig Jkul. Halatang may pagmamahal. Subalit noong matapos na nya akong turuan inabot nya bigla sa akin ang hose kaya nabasa ang aking damit. At bigla naman nyang sinabi na sya naman daw ang diligan ko. Sinunod ko naman sya. Binuhusan ko sya ng tubig mula ulo hanggang leeg. Pero bigla po syang nagalit at nagmura. Sabi nya PUNYETA daw ako at biglang umalis. Naiwan akong nag-iisip ng malalim dahil hindi ko sya maintindihan.

Kahapon may isa na naman pangyayaring hindi ko nagustuhan. Gumising ako ng maaga dahil pupunta daw kami ni Mam Sara (with capital H) sa Divisoria. Habang nagsasalang ako ng tubig upang magkape, bigla nya akong tinawag. Nasa banyo sya naliligo. Pinapasok nya ako upang sabunin at hilurin ko raw ang kanyang likuran dahil hindi nya abot. Pinahubad nya muna sakin ang suot kong damit pang itaas saka nya inabot ang sabon. Habang sinasabon ko ang kanyang likuran ay ramdam ko ang kinis ng sobrang pinong-pino nyang balat. Malaporselana ito. Pero hindi ko ito pinatuunan ng pansin dahil trabaho lang ang nasa isip ko. Nung tapos ko ng sabunan ang buo nyang likuran ibinalik ko na sa kanya ang sabon nang bigla itong nalaglag sa sahig. Nablanko ako sa susunod na nangyari. Bigla syang yumuko upang pulutin ang sabon. Kumiskis ang kanyang malalambot na puwet sa aking harapan. Pero hindi ko ito pinagtuuanan ng pansin dahil trabaho lang ang nasa isip ko. Bigla kong naalala ang isinalang kong tubig pangkape kaya nagdahilan ako upang makaalis na sa loob ng banyo. Pagkabalik ko sa kusina naupo ako sandali at nag-isip ng malalim. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari masyado na akong nahaharas.

Ano po ba ang dapat kong gawin Jkul? Magresign na ba ako sa trabaho kong ito? O hayaan ko nalang na patuloy na mahaharas ni Mam Sara (with capital H)?

At ano nga pala ang dahilan bakit nya ako tinawag na punyeta noong binasa ko sya nung sinabi nyang diligan ko sya? Hanggang sa ngayon kasi hindi ko pa rin ito maintindihan.

Pasensya na Jkul at medyo mahaba ang aking liham.

Gumagalang at nagpapasalamat,

Dong

Dong,

 

Magresign ka na sa trabaho mong ‘yan kapag marunong na marunong ka nang magdilig ng bulaklak ni Mam Sara (with capital H) para kapag nakahanap ka ng bagong amo ay may ‘di matatawarang kasanayan ka na.

 

May kasabihan po tayong,

 

“Mas marami kang madidiligang bulaklak at halaman, magiging luntian ang kapaligiran.”

Bow.

 

Baka sambitla lamang  niya ang salitang Punyeta Dong. Hindi ko rin kasi maunawaan kung bakit gusto niyang magpadilig hindi naman siya halaman.

 

‘Don naman sa bahaging pinaghilod ka niya, baka ang dumi dumi niya Dong kaya nagpatulong siyang magpahilod ng kaniyang libaging katawan. Normal ‘yon Dong. Amo siya with capital H pa. Maghugas ka na lang ng kamay pagkatapos mo siyang hiluran.

 

Inaantok,

JKul.

Baka may maipapayo kayo kay Dong. Sa gustong makatextmate si Dong, mag-email lang kayo sa j.kulisap@gmail.com.

Next letter sender please.

 

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Halakhakang Pinoy, Kamalayang Malaya, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

33 Responses to Dear Kuli: Dong Dilig

  1. chilledhoney says:

    Hay salamat, natawa ako!🙂

    Salamat sa post na pambasag ng lupit ng mundo🙂

  2. irish kaye says:

    ang dami kong tawa, nakakaaliw🙂

  3. kayedee says:

    si dong na walang malay at si mam sara na malaki ang malay😀

  4. Joey Velunta says:

    May eksena siguro si Mam Sara (with capital H) sa banyo. Nakasandal sa pader dumausdos pababa, nakalagay ang magkabilang kamay sa kanyang leeg at pahaplos pababa papunta sa dibdib habang binibigkas ang pamosong katagang “Ang dumi-dumi ko” na sinasabayan ng marahang patak ng tubig mula sa shower at panaka-nakang daloy ng luha hahaha

    Si Dong ang epitome ng pagiging manhid o sadyang tapat lang sya sa kanyang trabaho hahaha. Hindi nadadarang kahit silaban pa ng apoy si Dong.

  5. CrazyFrog says:

    Si dong at ang kawalang malay.. Hehehe

  6. MD says:

    Aaaand… Jakuli strikes again! Na-miss ko angmga banat mong ganito, kuya.
    Ang maipapayo ko lang kay Dong Dilig ay kung napag-isipan na niya na mag-resign, maari lamang na iwan niya ang numero ng amo niya dito. Siguradong maraming gustong dumilig kay Mam Sara (with an H) este sa mga halaman niya.
    At, oo, kuya, buhay pa ako.hahahaha

  7. palakanton says:

    hahaha ntawa nman ako dito…
    pwede rin ba akong sumulat sau ng ganitong karanasan? hahaha! just kidding…
    si dong na walang muwang, inosente na ignorante….!

  8. Rj de Lemos says:

    Paharas ka na lang kay sa Maam Sara(with capital H). Pansinin mo na pinagagawa niya at diligan mo na siya. LOL

  9. JH Alms says:

    trabaho lang kasi talaga ang gusto.. hintayin na lang kung “pagdilig na kay mam sara” na ang mismong trabaho.. malay natin.. hehehe

  10. KALOY says:

    Saludo ako kay Dong! Trabaho lang walang personalan ang motto.

  11. Koboi says:

    Dapat ipaghiganti natin si dodong… Pero ago yon, dapat magpakapropesyonal muna sya. Sabon lang yon at konting kiskis e marahas na sa kanya. Masyado yatang sensitibo si dodong at horrible boss na ang tingin kay Sara(with capital H). Yung may H sa dulo ng pangalan parang may pangatlong utong sa dibdib, may pangatlong utong ba si Sara(with capital H)?

  12. era says:

    waahahaha! tangnamo dong =))

  13. sphereq says:

    Dong,
    nanggigigil ako habang bnabasa ang suliranin mo, gusto kitang silaban ng buhay habang hinihiwa ng bread knife ang katawan mo. pambihira ka dapat nong nahulog na yong sabon hindi mo na dapat inisip yong pinapakulo mong tubig para sa kape. kung sakali man na may mababasa ako sa headline na “Sara with capital H sinakal ang houseboy- PATAY! hindi na ako magtataka kaya ang masasabi ko lang sayo wag mong hintaying mapatay ka sa sakal ni Sara with capital H. kung sakali man na mabibigyan kapa ng second chance hayaan mong matagalan si Sara with capital H sa pagpulot ng sabon okey!
    Love,
    Sphereq

  14. bulakbol says:

    kainaman yang si dong. lagi nalang di nagtutuon ng pansin.

  15. ino-nominate ko sa CNN heroes si dong…idol!

  16. bagotilyo says:

    dong isa kang alamat (with capital H) sa dulo . tnt

  17. BON says:

    hahah banat!! napakainonsente mo dong!! hahhahayss! hahaha taragis!!

  18. Pink Line says:

    acheche! ang dami kong tawa grabe hahaha… anung klaseng tao ka ba dong? ikaw na!

  19. WP says:

    Ang bastos ng kwento…ewan!

  20. Ay siya narito ako para magtarbaho, bakit nga ba nagbabasa ng liham ni dong, ‘dong na takot sa malisya. kaswerte naman.

    Sa akin mas kapansin-pansin ang ngalang J.Kul. kesa “dong”. hmmmm. Anong masasabi ni Papa J (J.Kulisap).

    Nais ko rin palang magpasalamat sa iyo Papa J sa walang sawang paglalagay ng mga kulisap sa aking “soup”, kahit tahimik ay nagbibigay sa aking ng ngiti. Minsan inaantay kong mag-ingay ang iyong mga kulisap Papa J.

  21. Joey Velunta says:

    Paulit-ulit ko pa ring binabasa ang sulat ni Dong. Pakilala mo nga sa akin yang Mam Sara (with Capital H) Dong.

    Dong teka lang, ang pangalan mo ay Dong. Apelyido mo ba ay Tes? hahaha

  22. tabianmuch says:

    akala ko nasa ibang website me…nyaha!

    si dodong na ang naive, walang bahid ng malisya, at sing puti ng kinulang labada ang budhi! bow!

    magaanonymous letter sender din kaya ako ser j…inday naman para maiba! nyahaha😀

  23. DonQC06 says:

    Natawa ako sa hiluran portion. haha. Pan’no kaya pag naabutan sila ng anak ni MS. Sara (With capital H). haha

  24. Banjo says:

    may tao pa palang ganyan ahehehe. Sir jkul, kung sakaling makipagkita sayo si dong, pakilagot ang kanyang hininga (juk lamang)

    iyamot naman🙂

  25. superjaid says:

    ang dami kong tawa. si dong na walang malay. naimagine ko lang yung diligan moment. kung gano ka pissed off si maam sara (with capital H) haha

  26. ang dami kong tawa kay Dong…Kuli nais kong makuha ang numero ni DONG at kukunin ko siya bilang aking bagong hardinero, may nais din akong malaman kung sakali ba na daganan sya at busugin sa halik ni mam sara (with capital H) iiwasan pa din nya yun at iisipin nya pa din na trabaho lang yun? PWES kung ganon pa din ang mararamdaman nya isa syang BEKIMON….hahaha…

    HALIKA NGA DONG…tuturuan kita nang makamundong pagnanasa….hahaha

  27. realdale says:

    Si Dong na walang malay! si Dong na ang tanging alam ay magtrabaho! hahay

    Pakisabi kay Dong mag resign na siya. Papalitan ko siya! hahaha

  28. mega says:

    lumapit lapit ka nga dine dong…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s