Bayan ni Jesse

“Hindi lahat ng matino ay mahusay at hindi lahat ng mahusay ay matino. Dapat mahusay at matino.”- DILG Sec. Jesse Robredo

 

Ang Bayaning si Jesse Robredo

 

Maraming salamat po sa inyong ibinahagi sa ating inang bayan. Sa iyong paglisan, nabuhay naman ang mga kabayanihang ipinamalas mo na magsisilbing ilaw sa pagtahak sa mas papasulong na bansang Pilipinas.

 

Nagpupugay po sa inyong sariling pamamaraan ng pagiging bayani.

 

Nakasisiguro akong marami ang nahaplos ng iyong matapat at kabutihang paglilingkod sa ating kapuwa Pilipino. Nananalaytay sa inyong dugo ang tunay na bayani.

Gutom na gutom ang bansang Pilipinas sa mga kagaya ninyo lalo na sa ating mga pinuno sa pamahalaan.

Nanggaling ang larawan sa pcij.org

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Titik Pinoy and tagged , , . Bookmark the permalink.

30 Responses to Bayan ni Jesse

  1. JH Alms says:

    kaming mga pinangalanang “jesse”.. hehehe.. natuwa ako sa narinig kong pumipila daw ‘yan sa pilahan kahit na may posisyon na ‘yan sa gobyerno.. ganu’n dapat.. sayang kasi kung sino pa ‘yung mga matitino at may mabuting loob, ‘yun pa ‘yung maagang nawawala..

    • J. Kulisap says:

      Ang totoo hindi naman talaga matunog ang pangalan niya sa kalakhang Maynila pero don sa mga taga-Bikol, siya pala ‘yong binabanggit sa akin ni Mang Dong (Fx Driver).
      Estilo niya pala ang hindi magpabango sa kaniyang pangalan dahil alam niyang mabango naman talaga ang inihahatid niyang serbisyo.

      ‘Yon nga lang, kung kailan siya nawala, saka naman tayo aligagang pinupuri ito pero marahil may dahilan ang pagkawala, ‘yon ay ang pagkubuhay sa diwa ng mababahagian ng kaniyang kabutihan at katapatan sa paglilingkod lalo na sa hanay ng mga pinuno ng ating bansa.

      O di kayo na ang may pangalang Jesse. Kita mo na..nasa pangalan din. Patay ka Jesse, ang taas na ng expectation sayo. Hahaha

      • JH Alms says:

        isang napakalaking kawalan.. hindi nga gaanong matunog yung accomplishments niya dito sa maynila pero nung may mga napanood na ako sa tv, kako, tangina, ewan ko na lang talaga kung hindi tablan ng hiya ang sinumang trapong nasa mga posisyon ngayon..

        mababait lang daw ang mga “jesse”, adre.. pero tao lang din.. may kapintasan din tulad ng mga taong may pangalan na “john paul” o “maria”.. depende lang talaga siguro minsan sa diskarte kung paano mamuhay ng maayos at matino.. hehehe

  2. palakanton says:

    paalam tropang jesse…

  3. chilledhoney says:

    Kahanga-hanga… tunay na RARE SPECIES….

    Ang dasal, mabigyan ng pagkakataong manuno ang mga tulad ni Ginoong Jesse na hindi TRAPO…

    …at yung mga TRAPONG MABAHO at MADUMI ay huwag nang labhan, bagkus ay IDERETSO na sa BASURAHAN….

    Salamat sa pagtustos mo sa mga scholars mo sa Bicolandia….at sa matinong pakikitungo sa mga tulad kong maliliit na tagapagbigay ng serbisyo…NURSES na silang lahat ngayon …

    • J. Kulisap says:

      Wow, tunay ngang kapag nagtanim ka ng mabuting punla, darating ang panahong aani ka ng mabubuting bunga.

      Isa ka rin ba sa nabiyayaan Ch? Ang inam.

      • chilledhoney says:

        YES.

        And it was a pleasure to be in coordination with his office…

        Ang pondo ay released within the period as promised, no cuts.. no under the table…

        Straight transaction.

        Sayang, ang ibang opisinang kausap ko, laging may “Cost of Money” na hinihingi…may tsekeng kailangang i-draw na hindi OPISINA ang nakapangalan, kundi TAO….

        Sa kanya, walang ganun.

        Hmmmmm… buti na lang, ayoko ng pangit na labanan… tigilan na… tama na ang isang magandang karanasan sa Bicolandia… at sa kanyang dating opisina…

        • J. Kulisap says:

          Kaya sana nga, sa hanay ng DILG na pinagtuunan niya sa kaniyang pamamahala ay maituloy ito. Maganda ang kaniyang ipinatupad na Full Disclosure Policy, ang pagbibigay niya ng mga insentibo at parangal sa kawani na nararapat bigyan nito.

          Marahil nong magawi kami sa Bicol noong nakaraang bakasyon, hindi man direktang nautusan ng kagalang-galang na Jesse Robredo ang mga fx/taxi driver, nakupo sila’y hindi nagtake advantage sa aming walang alam sa lugar. Hindi naniningil ng sobra sa pamasahe, matiyaga kaming inaantay ng mga driver at magagalang. Katas ng pinaghirapan ni Jesse Robredo, palagay ko.

          Huwag sanang masayang ang kaniyang matiyagang ipinunla.🙂

          • chilledhoney says:

            Tama ka… napakadisiplinado at honest ng mga Bicolano…

            Alam mo bang there was a time na naiwan ko ang wallet at cellphone ko sa tricycle na sinakyan ko…sa pagmamadali, ung puch nahulog sa aking pagbaba…

            I was very worried kasi lahat andun, licenses ko, credit cards, and atm cards…. pati ang mga importanteng detalye na nakasulat sa maliit na papel… reminders ko…

            Di makabalik, walang means para itext o i miss call ang telepono, nag-iisa kasi ako, hanggang pagsakay sa eroplano pauwi ng manila, nag-aalala ako…

            Paglapag ko ng maynila, hanap ng kaibigang may CP, nakitawag, sinagot ng mamang driver, at sinabing nakita nya lahat ng gamit ko at itinabi…

            After 4 weeks pa uli ang booked flight ko pabalik ng Bicolandia kaya sabi ko sa kanya na lang muna, pakitago, kung nais, gamitin nya ang perang nakalagay sa wallet…

            So nung nagkita kami, lahat, walang kulang, pati ung pera, BUO… natuwa ako sobra… I asked kung ano ang nais na pabuya…

            Alam mo bang, isang JOLLIBEE treat lang para sa kanyang dalawang supling ang hiningi?

            Sa tuwa ko… buong family ang ipinag jollibee ko, ipinasyal ko pa ang kids, at ibinigay ko ang perang laman ng wallet pati ang CP na muntik nang mawala…(pati ata suot ko na relo ibinigay ko dun sa wife)…

            (hindi ako galante o mayabang PERO BIHIRA ANG MGA TAONG GANUN AT PASALAMAT AKO SA DIYOS NA NAKADAUPANG PALAD KO SILA)

            Parang wala din akong naiuwi pabalik ng manila kundi ang mga lisensya at cards ko… pero KUL, PARA AKONG NAKALUTANG SA ALAPAAP sa BLISS na naramdaman ko that day…

  4. kayedee says:

    madalas talaga mas sumisikat kapag nawala ang isang tao. or nakikilala at nakikita ang magagandang nagagawa nila. wala kang marinig na hindi magnda.

    • J. Kulisap says:

      Kalakaran na nga yata na purihin ang tao kapag siya’y nawala na, minsan kasi kapag buhay pa at ibinantayog ang mga nagawa parang ang kabuuang pagtingin ng mga tao, KAYABANGAN iyon lalo na sa pananaw nating mga pinoy.

      Kaya sa napakarami palang magandang ginawa halimbawa nga ni Sec. Robredo, hindi natin siya masyadong nakilala nong siya’y nabubuhay pa, ang kagandahan lamang, mas maraming papuri kaysa sa batikos ang kaniyang natatamo sa ngayon. Tiyak na maligaya siya.

  5. Manul-nulat ng Bayan says:

    Kung meron mang dapat paglaanan ng parangal at papuri, nag-iisa siya…..
    Minsan lang, ako’y nagtataka pagkat kung kailan pa nawawala ang mga dakila ay saka malalamang dakila sila….

    • J. Kulisap says:

      Sana magkaroon ng katuturan ang mga nasimulan niya. Buhay pa naman ang kaniyang naiwang pamilya, sila’y magiging kinatawan ng mga parangal at papuring akma sa mga kagaya niya sa bayan natin.

  6. Bakit ganitong mga tao ang nauunang mawala? Bakit hindi yung mga salot? Isang mabuting halimbawa ng lingkod bayan si Sec. Jesse Robredo. Marami pa sanang kagaya n’ya ang maitalaga sa ating pamahalaan.

  7. theworshipwarriorbride says:

    Saludo para kay Sec. Jesse!🙂
    Bawal may mamatay ngayon na politician kasi malamang sa hindi masusukat sila kay Sec.Jesse… hehehe…at baka nakakahiya ang makita haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s