Bumabaha ng Buhay

Mabagal ang usad ng umaga. Nagbabadya na namang lumuha ang langit. Hindi ba ito napapagod sa pag-iyak?

Ilang paglalagas na lamang ng dahon, may munting tinig na namang makikiamot ng hangin. Sa kabila ng katotohanang salat ka sa sustansiya, ano’t kaya mong dalhin ang bagong buhay? Tunay nga yatang may mahika ang haplos ng mahiwagang kamay ng paniniwala. Isang patak ng likidong binhi na sasaklay sa itlog ng buhay. Uha..uha. Ako naman ang hihinga. Aggh..aghhhh….gus- to ko pang maglakbay, turan ng nag-aagaw buhay.

Mainam na sanang magtampisaw sa tubig na ligaw habang nilalansi ang mga isdang tumatalilis sa sementadong daan. Ano’t walang sarap, wari ko kung uulamin ang isdang namamahay sa lababo.

Kamusta? Sabi ng matandang minumuta sa umaga. Heto, matumal ang paninda, sabi naman ng payat na tindera.

Pagbilan nga, sigarilyo, limang stik. Pautang ng alak, pampainit sa nilalamig na katawan. Wika ng tagalaot.

Walang ilaw. Walang tubig. Magtiis ka. Tumuwad ka, baka may himala sa pagtuwad.

Ilang dangkal na lamang, aapaw na ang tubig. Ito ang saganang tubig. Sagana pero kulang sa pakinabang. Kapos sa kadalisayan.

Ayaw kong pumasok ina. Tahanan ng nag-aaral ang paaralan, hindi bahay ng mga binaha. Magpapalipas lamang ng panahon, kapag lumitaw ang lupa, babalik din. Sa isang taon ulit, paulit-ulit.

Sarado ang pintuan ng bahay na may krus. Giniginaw na po kami. Pwede po ba?

Mga bata, ano ang dapat gawin upang  hindi na bumaha? Sabi ni Mam.

Mam, ikaw ba, alam mo ang salitang baha?

Batugan ka, tumayo ka diyan, iniwan ka na ng grasya. Mamaluktot ka, wala kang kuwenta. Mainam ‘don, mag-abang ka ng rasyon.

Sinubukan kong lumakad sa tubig, kinaya ng isipan ko. Malalim, malulunod ako. Maykapal lamang ang may kapangyarihang lumakad sa tubig at magpahupa nito.

Malamig ang buhay. Baha ang buhay. Aagos ang buhay. Tuloy ang buhay. Huminga ka, susi ‘yan sa patuloy na pagbaha ng buhay.

About these ads

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Kamalayang Malaya, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

12 Responses to Bumabaha ng Buhay

  1. Joey Velunta says:

    Inspired ako rito pards. Salamat.

  2. Leemi says:

    Ako’y binaha rin.
    Mula Lunes ng gabi nang ayaw ng suungin ng Bus Driver ang ilang metro na lang na baha, pero tinakbo nya mula North Avenue hanggang Sangdaan (kung kelan konti na lang saka sya sumuko), nabasa tuloy pati panty ko sa taas ng tubig, yaysss!!!

    Kinabukasan nagising ako na nagkakagulo sa baba, lumipat na yung kapitbahay namin sa bahay namin, hanggang tuhod na raw yung baha sa kanila.. buti napataasan na yung bahay namin, naglilimas rin siguro ako nun.. kawawa ang mga mababa yung bahay.. pero bakit ba bumaha ng ganun kalaki? for sure mauulit ulet ito. pero ano ba ang solusyon?
    http://pulambuli.wordpress.com/?attachment_id=2251

  3. bagotilyo says:

    inspired by habagat :)

    Seryoso… naramdaman ko to.

  4. limarx214 says:

    husay sir, tagos sa isip!

  5. almond0803 says:

    pero mahirap huminga lalo’t napapaligiran ka ng mga malulungkot na pangyayari.. ~flattops

  6. WP says:

    Ang hirap intindihin pero mukhang maganda ang mensahe. Hindi ko nakaharap si Habagat pero hindi ko makakalimutan si Ondoy :(

  7. JH Alms says:

    habagat, tinangka mo mang bayuhin ng bagsik mo ang aking natutulog na kamalayan, tinangka mo mang lunurin ang mga nag-uumpisa ko pa lang na mga pangarap, nangyari nga, subalit napatunayan ko sa’yong hindi mo kami natalo.. nagulat kami kay ondoy, muntik na kaming magpatirapa, pero kinailangan naming maging matibay.. may natutunan kami du’n.. kaya sa’yo, pwede na naming sabihing mas matibay na kami.. maaaring kulang pa sa pagiging handa, pero mas malakas na kami..

  8. ingat ser, mahirap magka-leptospirosis sa mga panahong ito…kahit binabaha, malupit pa rin ang prosa :)

  9. superjaid says:

    masyadong matalinhaga. buti kami di binaha. thank God. =D

  10. duking says:

    Nauubusan ako ng pagdadahilan kapag pinipilit kong ipagpaliban ang pagbaha sa akin ng mga isipin at kwentong umaalon ng yao’t parito sa aking isip (at likod ng isip). minsan tuloy, para itong uli-uling nagpapahilo sa aking katinuan hanggang dalhin ako nitong muli sa katiwasayan…sa harap ng likhang kagaya nito. gumigising, naghahamon. na magmahal. ng paulit-ulit. at paulit-ulit…

    may mga bahagi talaga ng ating mga sarili ang hindi kayang ilubog ng baha.

    isa pa uli’t pasada bago ako lumayas.

  11. Banjo says:

    Nakalulunod ang pangyayari, pumipigil ng paghinga, nagpapatigil ng isipan.
    Kainaman ang buhay. Pumapalaot hindi lamang sa kalawakan ng karagatan kundi maging sa kailaliman nito.

    magandang araw sayo sir jkul :)

  12. Haring Ibon says:

    parang kaylan lamang.. nagtatampisaw pa ako sa bahang dala ni ondoy at hindi ko sukat akalin na aabot sa aking dibdib ang baha sa loob ng bahay namin… sa kauna-unahang pagkakataon mula ng tumira kami sa lugar namin.

    at ngayon nga, naulit na naman… at hindi maipagkakailang, maaring maulit muli.
    paghandaan natin ang muli na namang pagluha ng langit na walang kapaguran.

    ingat palagi mga ka blog :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s