KABA BATA BATAAN KABATAAN

Ako’y natulala sa galing mong gumuhit.
Sumibol na nga ang pag-asa Sir RP
Buhay na buhay ang akdang ito dahil sa iyong interpretasyon. Salamat

Himayin natin ang KABATAAN

KABA- Kinakabahan ka ba sa iyong pagtanda’y wala kang nagawa?

ABA- Aba ba ang turing mo sa sarili dahil hindi ka nangarap ng mas matayog?

BATA- Nananariwa pa ba ang pangarap na nananalaytay sa iyong mga ugat para sa bayan, sa sarili, sa kapuwa, sa kapaligiran, pati na rin ang tiwala sa Maykapal?

BATAAN- Ano ang iiwan mong kasaysayan na tila BATAAN sa tapang, tikas at paninindigan?

Ilang dekada mo na bang naririnig o nababasa ang tanyag na katagang Ang Kabataan ang pag-asa ng ating bayan”? Patay na po ang nagsabi niyan, subalit ilang milyong beses na marahil itong naisulat o sinambit ng mga Pilipino- may pangalan o pangkaraniwang mamamayan man. Tumatalab ba? Hanggang saan ang hasi ng katagang ito na pinauso ni Gat. Jose Rizal? ‘Yong tindi ng paniniwala kaya ni Rizal noong araw ay kasing tindi ng paniniwala ng mga naniniwala sa…

View original post 789 more words

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Kulturang Pilipino, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

6 Responses to KABA BATA BATAAN KABATAAN

  1. Pingback: Ang Bagong Sibol… « Chilledhoney's Blog

  2. lipadlaya says:

    ayun o, napadalaw ako kay Resident Patriot, nag guest ka pala dun, hihihi. Magkano ba talent fee mo?

  3. chilledhoney says:

    Hmmmppppp….suplado ka G. Kulisap…. sinagot ko kaya ito ng kagandahan (tampo ba hihihihi)

    O ayan , ayaw mong silipin, ako na lang maghatid! Pambihira!

    Ang Bagong Sibol
    (hmmmm…pakilink naman sa aking post hihihi at abusado, nagrequest pa! KAINAMAN! ^_^)

    Ang mga bagong sibol ay di dapat diktahan,
    Sa murang gulang, hayaang mabukulan,
    Hayaang madapa, hayaang masugatan,
    Upang sa pagtayo, may bagong matutunan…

    Paano nga ba sila nagiging kapakipakinabang?
    Simulan natin sa pagpapalaki ng magulang,
    Ang unang paaralan ay ang loob ng tahanan,
    Sila ba ay nagagabayan, napapangaralan?

    Tama na igalang ang kanilang mga pananaw,
    Lalo na kung kanilang kaisipan sa inyo’y halaw,
    Pangarap nina Ama at Inang di natupad,
    Huwag iaasa, may sarili silang mga lakad…

    Sa bawat pagharap sa hamon ng murang buhay,
    Tatag at paniniwalang nabubuo, naisasabuhay,
    Lumalabas ng kusa ang kanilang tunay na kulay,
    Saka lang makikita kung makakapamuno ng husay…

    Kabataang Filipino, pag-asa ng bayang naghihingalo,
    Kabataan, handa ka bang magbigay ng iyong serbisyo?
    Handa ka bang gumuhit ng bagong larawan ng bayan?
    Ng di sumasabog ang tinta, di napupunit ang kapapelan?

    Maraming pagdadaanan ang isang bagong sibol,
    HIndi magiging madali, baguhin ang isang kuhol,
    Natutuwa sa sulok, bukana’y natatakpan ng usok,
    Kailangang piliting lumabas, mula sa silid na nabubulok…

    Ano ba ang nais ng mga katandaan mula sa mga kabataan?
    Ang maging sila ang mga ito at sundan mga yapak sa hagdan?
    Mundong inyong kinagisnan ay iba sa mundong kinamulatan,
    Ibang sanhi ng suliranin, iba din ang nararapat na katugunan…

    Gabayan silang manimdim mula sa aral ng kahapon,
    ‘Wag mangiming magtanong, sa mga pantas ng lumang panahon,
    Pagsamahin ang katalinuhang sa karanasa’y may pinaghuhugutan,
    At ang mga resulta ng pananaliksik ng makabagong kaisipan….

    Paghimay- “KABATAAN”:

    KA – ikaw o ako , sino sa atin ang kikilos?
    BA – “bata” – bagong sibol may dalang bagong pag-asa, “ba” – sa wikang Filipino, kalimitan ginagamit sa hulihan ng salita upang humingi ng pag-sang-ayon
    TA – tayo – nag-iisa ay mahina, kapag nagbuklod, mga halimaw ay maihuhulog sa gulod…
    AN – “anyare?” – tanong ng karamihan, mula pag gising hanggang pagtulog…

    KABA – pag-aalala, agam agam sa kahihinatnan ng kinabukasan
    BATAAN – bayan na tinatakan ng magiting na nakaraan (positibo); buntot o utusan, paborito o SIPSIP (Socially Insecured Person Seeking Instant Popularity – negatibo)
    TAAN – “saan?”, nabulol na, tulad ng di natin maaninag minsan ang liko likong daan

    O AYAN HA? BOW!!!!

    • chilledhoney says:

      (ang ikli naman kasi ng komento mo dun sa pahina ko… more! more! hihihi)

      • Hello po, ma’am Chilled. Hindi ako in-appoint na personal speaker ni G. Kulisap subalit batay sa aking napa-parazzi na impormasyon mula sa aming pagdadaupang palad (nung Sabado, sa Megamall) ay lubha pong napaka-hectic ng kanyang iskedyul.

        Isang malaking dahilan pa ng pagpapabaya n’ya sa kanyang cyber social life ay yung pagsalanta ng habagat (sagana po sa tubig ang kanyang tahanan ngayon).

        Sa aking interpretasyon sa kasalukuyan n’yang sitwasyon ay wala po s’yang intensyon na maging suplado sa anumang paraan. Hirap lang po talaga makapag-internet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s