I-reblog na lamang natin ang likha ni CH. Maraming salamat sa lahat. Maligayang maligaya ang kaganapan noong Sabado. Hindi ko lahat naimbita ang mga sumusuporta sa KM subalit nandon ang aking paghahangad na darating ang araw na tayo’y magtatagpo lahat. Lalo na’t may nakikibahagi na sa aking pangarap.
Akala ko ako lamang ang mamimigay ng parangal, meron din silang inihanda na labis kong ikinatuwa.

Chilledhoney's Blog

Hahahaha!

Nasisigurado kong may mga mukhang nakangiti ang mga nilalang na iyan ngunit ang pakiusap, likod lamang ang kunan!

(Ang pagtatagpo ng mga kalahok, nanalo at mga hurado sa patimpalak na inilunsad ng KM3- Kamalaymalayang Malaya- sa pangunguna ni J. Kulisap – ISANG PASASALAMAT SA INYONG LAHAT…)

Mga akdang tunay na kaygaganda, mga manunulat ay  nagpangita,

Sa isang paanyayang pinalipad ng Kulisap, sila’y walang atubiling nagpaunlak,

Gaano man kahirap ang malayong paglakbay, sila ay pilit bumaybay,

Magkaroon lamang ng pagkakataong makita, mga mukha sa likod ng mga katha…

Sa unang pagkakataong masilayan ang isa’t isa, naroon ang tunay na kaba,

Kaba na may halong pagkasabik sapagkat sa wakas ay magkikita na,

Isang magandang ngiti at isang mainit na pagkamay ang siyang pagbati,

Sa isang nilalang na kausap lamang sa panulat, ng sadyang may pagkawili…

Maraming naging usapan –  tinig, akda, istilo, karanasan, bakit nagsusulat,

Bawat isa ay…

View original post 134 more words

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Kulturang Pilipino, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy, Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

15 Responses to

  1. palakanton says:

    congrats sa KM3.
    congrats din sau pre

  2. bulakbol says:

    bat wala akong imbitasyon? ROR!

    ngaps, di ko mabasa ang buong akda… protected daw.

  3. JH Alms says:

    ikinagagalak kong naging isa na rin ako sa mga naging bahagi na ng KM, at eto nga sa pangatlo.. muli, congrats sa lahat ng mga nanalo.. hhehe

  4. bagotilyo says:

    sayang namiss ko ang reaksyon mo nung ginawad sayo ang award🙂

  5. Sayang at di ako nakasalo. Di bale, makikita ko naman si Ser J sa Agosto.

  6. Rj de Lemos says:

    ang lalapad ng likod!🙂

  7. wow…ang saya naman at nagkita kita kayo, inimbitahan ako ni kuli nga lang nakakahiya naman kung andon ako samantalang wala naman akong makukuha, NGA NGA lang ako duon,….sa susunod pwede bang mgkasama sama tayo ng wala lang dahilan, tamang bonding lang?….

  8. ganyan ka, kulisap, naghahanda ka’t nagpapameryenda ng di man lang nang-iimbita. akala ko pa naman, busilak ang iyong kalooban, lagi, ahaha…😉 hoy, kumusta ka na? luma na ‘tong post na ‘to, dapat may bago na, kainaman… ^^

    hala, pag may time ka, daan ka sa may amin at pili ka ng tula – kung alin ang ipa-publish, kapatid. salamat… sana’y lagi kang nakaka-inom. bukod sa busy sa work, ‘yon lang ang naiisip kong maganda mong excuse ba’t madalang ang post dine, hihi. hellow!😉

  9. WP says:

    Wow may get together pa talaga! kakainggit🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s