Ang Babaeng Ayaw sa Peanut Butter

Ang Babaeng Ayaw sa Peanut Butter

Tumunog ang telepono.

Nasa kabilang linya si Roselle. Pahinamad na sinagot ni Razza ang tawag.

Hoy Mars, ‘wag mong kalimutan ang peanut butter para sa lulutuin nating kare-kare. Ako na magdadala ng alamang. Kailangang mapahanga natin si Chef Boy, sa Sabado na ‘yon” wika ni Roselle.

Sinabi ko na sayo, ipaluto mo na lahat sa akin  ‘wag lamang ang mga pagkaing lalagyan ng peanut butter o kahit na mani pa ‘yan. Aniya habang umiikot ang mata at sumimangot kahit ‘di naman nakikita ni Roselle.

Ang OA naman, sige na nga. Ako na magdadala, ako na rin magluluto. Ewan ko sayo Razz, minsan ang hirap mong ispelingin. Sabay baba ng telepono.

Dedma.

Pagkatapos maligo, dumulog na ang mag-anak ni Razza sa hapag kainan.

Hon. Panimula ng asawa niyang si Fred. Pakiabot nga ng pandesal, pakipalamanan na din ng peanut butter, ang sarap daw eh, puro daw sabi ni Mel. Ummmmmm..nakakatakam talaga. Lalo na kapag isasawsaw mo sa mainit na kape. Walang kapantay Hon. “Nak, wag masyadong madaming peanut butter ang ipalaman mo, masama din sa kalusugan ang marami niyan.Sawata ni Fred sa anak na si Peanut.

Dedma.

Sa trabaho may dalang pandesal si Tintin.

Razz, ‘ lika dito, ang sarap ng pandesal sa panaderya namin, napakasarap magmasa ng aking si Tony. Pinipilahan nga ‘to sa madaling araw sa lugar namin.

Anong palaman? Tanong niya.

Peanut butter. Napakasarap, walang kasing sarap.

Dedma.

Ayaw mo? Sige na, ayaw mo talaga ng peanut butter? Ito Reno (liver spread). Sabay abot ni Tintin ng pandesal at lata ng liver spread.

Salamat. Matipid niyang sukli sa kabaitan ni Tintin.

Alas dose ng tanghali. Nagbukas siya ng FB sa opisina.

Plok. May mensahe. “ Ate, nahanap ko na siya”

Sumagot siya. “Cnong cia? “

“Yong nanay mo”

“ Lala, sinabi ko na sayo…’wag na ‘wag mo na siyang hahanapin.”

“Ate, ate…nakuha pa niyang magnegosyo ng peanut butter”

“ Ay tangina talaga niya, ang kapal…ang kapal niya Lala, ina ba talaga siya? Pagkatapos niya tayong ipagpalit sa isang garapong peanut butter at iiwan sa lugar na wala manlamang tayong kamag-anak. Nanumbalik ang kahapon.

Ang Babaeng ayaw sa peanut butter.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Maikling Kuwento, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

17 Responses to Ang Babaeng Ayaw sa Peanut Butter

  1. chilledhoney says:

    May dalang alaalang mabigat ang isang napakasarap na palaman… KAINAMAN…(sabi mo nga)
    IRONY strikes…:)

  2. sphereq says:

    ayaw ko din ng peanut butter! lasang mani kasi eh basta mahirap ipaliwanag hahaha parang lasang maning pinahirapan

  3. meron naman palang something eh…. ung something na un kung bakit ayaw niya ng peanut butter. parang something lang noh..😛

  4. Banjo says:

    may taong ayaw ng peanut butter kasi nakakatagyawat daw. ayun ang unang dahilan

    pero may tao palang hindi lang ayaw kung galit sa peanut butter.

    may gusto akong halukayin dito, alam ko meron dito makukuha🙂

    gandang araw sir jkul ^^

  5. duking says:

    sana naman walang lala’s peanut butter kagaya ng pagkakaroon ng lily’s peanut butter. kase…kase…pagnagkataon, ako naman ang mag ku kwento ng kwento tungkol sa nag kwento ng babaeng ayaw sa peanut butter at ipinakulong ng bida sa kwentong ikinwento.

    langya…matamis na bao na lang!

  6. jhengpot says:

    aruy! ng dahil sa peanut butter. May pinanghuhugutan naman pala tong si razz. Akala ko ayaw niya lang ng anyo ng peanut butter. hahaha. yun na yun

  7. wala pa ring tatalo sa chiz whiz.. hehehe

  8. WP says:

    Ayoko rin ng Peanut butter pero like kong kumain ng adobong mani! Bom Dia! xD

  9. tabianmuch says:

    akala ko may allergy sya sa peanuts kaya ayaw nya…hehe

    hmmpp..may mga bagay talaga na nagpapaalala sa mga nakaraan pero mas masarap ang mainit na pandesal..wehehe😀

  10. bagotilyo says:

    pabili po peanut butter??😄

    nasan na po yung binili kong saluyag? medyum po …tnt

  11. palakanton says:

    ayaw sa peanut butter, my bitter experience cgro…
    auz ah

  12. superjaid says:

    bitter. pero ang weird peanut ang name ng anak nila.

  13. awww. ang sarap ng peanut butter eh :p

  14. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

  15. KALOY says:

    Ang bigat ng “Nanumbalik ang kahapon.” statement. Mga tatlong kilo ang bigat.

  16. jondmur says:

    Kapag ayaw natin sa isang bagay sure ako na may mabigat na dahilan….
    Ako naman, mahilig sa peanut — lahat ng produkto niya… ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s