KM3: Alituntunin atbp.

Gusto mo ba ng ganire sa sidebar mo?

 

 

DAGLIANG PAGSULAT NG _______  SA WIKANG FILIPINO

 

PAKSA: KAMALAYANG MALAYA 3:    ________    

 

Sa mga lalahok:

 

  • Ang timpalak na ito ay para sa mga Pinoy Bloggers dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang lupalop ng mundo.

 

  • Ang tema/paksa at pamantayan sa paghatol sa timpalak na ito ay sa Hunyo 6, 2012 ipababatid. Ganun din ang paghantad kung sa anong uri ng panitikan isusulat ang entry ng lalahok.
  • Kung may higit sa isang blogsite ang isang blogger, isang entry lamang dapat ang isumite.
  • Ang timpalak ay isusulat sa wikang Filipino. Pwedeng gumamit ng salitang hiram kung walang katumbas sa wikang Filipino.
  • Ang inyong lahok ay ilalathala sa inyong blogsite sa Hunyo 6, 2012.Walang palugit para sa mga gustong humabol. Ang petsa at oras ay sa Pilipinas.
  • Ipadala din sa email (j.kulisap@gmail.com) ang kopya ng inyong lahok.
  • Isumite ang inyong pangalan, lokasyon at link sa https://kainaman.wordpress.com para maging opisyal ang inyong lahok. Hal ( Maharuth de Lemos,Africa, KM3: Boom!)
  • Ang pamagat na dapat makita sa inyong lahok ay KM3: (PAMAGAT NG INYONG LAHOK)
  • Pagiging malikhain at kakaiba ang puhunan sa patimpalak na ito. Palabasin ang bangis ng iyong isip para maipakita mo sa kapuwa-kalahok ang iyong galing sa malikhaing pagsulat.
  • Maaaring gumamit ng larawan, video, musika, guhit at ibang pang kauri nito pero hindi kasama sa huhusgahan ang mga ito.

Sa Mananalo:

  • Iaanunsiyo ang resulta ng mga nanalo dito sa kainaman.wordpress.com. Pati na rin ang pangkalahatang marka na nakuha ng mga kasali sa patimpalak.
  • Magpapadala din ng liham pagbati para sa magwawagi at kung papaano makukuha ang gantimpala.

 

Mapapanalunan

 

  • Ang sasali sa timpalak  ay otomatikong may badge ng KM3
  • May mga magwawagi. Sure na ‘yan. Yum yum yum.
  • May virtual medal ulit na pang-sidebar para sa mga magwawagi.
  • Ang iba pang mapapanalunan ay inaanunsyo lamang kasabay ng pag-aanunsyo ng mga nanalo. Salamat sa mga sponsors, mahal nila ako o wala silang choice. Lol

Apila/Patalastas/Paglilinaw

  • Isa sa layunin ng Kamalayang Malaya ay ang mag-welcome ng baguhang bloggers. Mas mainam kung may mahihikayat kang makisali sa patimpalak na ito. Kung wala naman,ayos lang,tuloy ang sagupaan.
  • Kung dati kung sino ang kasali ay siya ring hurado pero ngayon sa pagkakataong ito, kumuha na tayo ng mga hurado subalit nakikiusap pa rin ako na pag-ukulan natin ng pansin ang akda ng kapuwa kalahok. Ang Kamalayang Malaya ay mainam na paraan upang makakilala ng panibagong kaibigan na may kaparehong interes. Ang pagsusulat.
  • Magtanong kung hindi malinaw ang panuntunan sa patimpalak. Kung malabong malaboang instructions,kill me now. Ang hirap kaya gumawa nito. ‘Di ako nagrereklamo, sinasabi ko lang. Lels
  • Magreklamo kung may apila. Lilinawin po natin iyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

170 Responses to KM3: Alituntunin atbp.

  1. katrinadanieles says:

    base! 🙂 kuya kuli, maagang tumambad sa facebook to. heheh. bale ang tema at uri ng panitikan sa june 6 sasabihin? tapos sa june 6 din namin ipost ang entry? one day lang bale ang meron kami para sumulat? wow. pressure much. hahah. 🙂

  2. marrymhey says:

    june 6. maaga ako papasok.. para maaga makagawa.
    post mo po ng 12am ha? hahahahah
    demanding ako. LOL. peace. 🙂
    Godbless po. ^^

  3. Banjo says:

    maayos na panuntunan. tama si maam katrina, isang araw lang meron kami. pigaaan talaga ng sakong may lamang papayang yinadyad ito.

    tag-ulan na 🙂

  4. madz says:

    base xD

    So ngaragan pala ire… Di na ko matutulog nito, nakaantabay na sa anunsiyo mo tungkol sa tema at kung ano ang susulatin.

    Seryoso, kinakabaduhan ako dito sa pakana mo.Parang isang hibla na lang ng buhok ko ang gustong sumali :)))

  5. errr. ako na ang kabado sa magiging tema….. makakailang kape at pandesal kaya ako nito.. Lol!… 😀

  6. limarx214 says:

    mukhang hindi madali ito sir jkulisap para sa masisipag mag-opisina; mga nilikhang halos hatinggabi umuwi at madaling araw na bumabangon pero sobrang challenging. tiyak marami pa ring sasali sa pakontes na ‘yan marami yatang pinoy bloggers ang mahuhusay, mabilis mag-isip at creative. dami kong satsat sa presinto na lang ako magpapaliwanag. haha.
    kudos sir jkulisap!

  7. JH Alms says:

    sagupaan ba talaga, adre? hehehe.. tingnan ko kung may maisasagupa ako.. good luck sa ating lahat..

  8. bagotilyo says:

    24 hours? haha

    kill me now.. 😄

  9. Jedpogi says:

    tsk tsk…. tiyak na magiging mahirap to..

  10. bobonghenyo says:

    Grabe kasing bigat ng mga hurado ang patimpalak mo ngayon kuya J… haha sana nga may maisip akong entry 😀

  11. sphereq says:

    kill me now too! wala akong kasalanan para ganituhin mo, maaga akong natutulog at maayos akong nagtratrabaho hahaha

    so malamang ang alas dose imponto mo ito ilalabas hmmmm ang alas dose jan ay 8pm dito so di na masama hahaha

  12. Rj de Lemos says:

    ganun?kumusta yun ah?paano kung panggabi me?no choice?di ako tutulog hahaha…
    kainaman ka talaga! y may maharuth de lemos doon?asawa ko si maha?LOL

    kakapressure ito lulu…
    kongrtas in adbans dagsa ito sa asais…

  13. kayedee says:

    palupit ng palupit ang KM 😀

  14. jmmadali says:

    June 6? ayos yan! kagagaling ko lang ng birthday leave ng june 5 (toinks! i-announce daw ba ang birthday!) cge cge, sali ako, sariwang sariwa ang utak pag galing sa bakasyon…

  15. imot says:

    Kaya naman pala hindi ako makatulog at naiisip ko tong KM3… ‘yun pala me bagong post na! BONGGALELS.hahaha!

  16. Luis Batchoy says:

    matagal na rin akong hindi nagbo-blog. Buti nahanap nyo ko, Sige subukan natin ito. Hehehehe

  17. CrazyFrog says:

    Wow.. Ang lupeeeeet.. 😉

    Good luck!

    • J. Kulisap says:

      Mas malupit kung ikaw ay lalahok Baliw na palaka. Lol. 🙂

      • CrazyFrog says:

        Mabangis pala talaga ang kulisap dito 😉
        Baka matuluyan na ako sa pagsali dito. Hahha
        Di pa kaya ng powers ko… =)
        Nosebleed ito..
        Salamat sa pag-imbita.

        • J. Kulisap says:

          Hindi ito balinguyngoy BP (baliw na palaka), kapag nasa KM ang mga sumasali, nagsusulat sila galing sa puso na may konting dikta ng utak. ‘Yon nga lamang, may mga alituntuning sinusunod dahil isa itong timpalak. Parang fiesta nga, espesyal ang handa. Pinaghahandaan. Walang anuman. Malugod ko pa rin itong gagawin para sa aking munting ambag sa ating wika.

  18. Pingback: Kamalayang Malaya | San Docena

  19. tabianmuch says:

    pwedeng magtambling? isang araw?
    dugo dugo gang na naman ako neto, talagang masusubokan ang sabaw kong utak…dapat yata ako magsanay na!
    nahehexcite me much!!! 😀

  20. palakamton says:

    parang ang labo ah now lng me ngkainterest sa KM3 parang nangangapa pa rin ako…
    medyo mhina ata pick up ko…
    hehehe

  21. duking says:

    ang ganda na sana kaso may pa latin latin ka pa eh!

    hahaha! kontradiksiyon yung latin sa badge sa pagpo promote mo ng wikang filipino, jkul!

    anu ba ibig sabihin nun?

    • J. Kulisap says:

      Hahahahaha. Mabubura din ang latin latin na ‘yan. Wala lang. Wala lang. Wala lang. ‘Yon ang ibig sabihin non.

      Mapapalitan ‘yan kapag na-reveal na ang tema sa June 6. ‘Wag nyong pansinin ang latin na yan. Pasaway ‘yan. Pero ito yan, si Lorem Legarda, si Ipsum Adik, si Dolor Labandera. Lels.

      Duking, ang talas ng mata mo. Hehehe

      Ipinapakita na ni Boss Duks ang pagiging hurado. Matalas ang mata at pakiramdam. 🙂

  22. jela po says:

    hai salamt! makakasumite na ako sa wakas!. June 6 po. Intyendes po!. hahah
    Ilalaagay ko po sya sa blo ko.pakitignan nalang po. Pwede din through YM.. I-sesend ko nalang po!
    Go! payt! win! 😉

  23. kikomaxxx04 says:

    hahaha naman.. sasali ulit ako dito…

  24. Joyo says:

    pwede pa bang sumali ang gurang dito hahaha! kumusta jkul! amisyu!

  25. jhengpot says:

    pwede bang pumalakpak na lang??? hhahaha nbawindang me! kainaman!

  26. Koboi says:

    pwede bang tag team idol?

  27. WP says:

    Ang labo ng instructions, tapos yung badge bakit ipapamahagi pa kung para naman pala iyan kay Dolor!!! Tapos sa loob ng isang araw kailangan isumite agad ang lahok? paano ako makakapangopya niyan, tapos totoo ba na nata de coco ang mapapanalunan? ang labo!! 😳😜😝😍

  28. yiN says:

    pucha, miyerkules, may pasok ako nun. anak ng. kule, favor naman, wala kang no choice, e-mail mo ko pagtilaok ng manok pagdating ng araw na yun. pm ko sa iyo work e-mail ko. mahal kita. tsup.

  29. aninipot says:

    Gusto ko sanang magreklamo pero takot ko lang makurot. hahaha!

  30. palakanton says:

    24 hours lang pla at impromptu.
    tssskkkkk.
    exciting at paduguan ah parang fiesta lang na kelangan maghanda ng kung anu man rekado ang ilalahok..

  31. toni says:

    nakakapagod magbasa ng comments..haha
    pailang ulit na toh sana papasukin ni kuya kulisap.

  32. Blindpen says:

    KM3, Susubok po ako dito! 🙂

  33. Manul-nulat ng Bayan says:

    salamat naman at merong mga timpalak na tulad nito…..makasali nga…..reminders sa CP::::june 6—-KM3….timpalak sa blog…..may alzheimer’s disease kasi ako…hehehe

  34. duking says:

    ngayon ko lang napansin na parang gago ‘tong rules na ‘to. may 24 hours lang ang june 6. required na matulog ang tao ng walong oras minimum sa isang araw. bawasan mo pa ng iba pang bagay gaya ng pagkain at pagtae at iba pang non productive activity gaya ng pagpe-facebook at tweeter.goodluck na lang kung may pasok ka sa trabaho.kainaman. kung sabagay, mas kakaunti ang kasali, mas madaling husgahan ang lahok.

    tapos,ipapaskil ni jkul yung rules mga ala-una na ng hapon. goodluck na lang sa mga kasali.

  35. otep says:

    wow! sanay ako sa ganito! 🙂 sanay na rin naman akong matalo. hahaha 😀
    sundot kulangot ang bawat pangungusap pag nagkataon.
    ang galing nito!

  36. musingan says:

    kahit hindi ko po maintindihan ang alituntunin… e asahan mo na ang aking pagsuporta sa iyong Kainaman,,,, ipopost ko na mamaya sa aking blog ang aking opisyal na lahok… para wala na akong problema… ehehehe…

  37. babyvel says:

    “pagsusuporta hehe;)

  38. J. Kulisap says:

    Hi Babyvel, salamat sa pagsuporta. Balik ka sa asais ng Hunyo. 🙂

  39. amphie88 says:

    ngayon lang ako naligaw dito (salamat kay Ian ng Sandocena) uhm.. isang araw lang pala ito..

    taralets! bagets! lol

  40. gnehpalle02 says:

    bukas na pla ito lo… goodluck sa mga sasali 🙂

  41. haribon says:

    Great Initiative!
    Congratulations in Advance to All Winners and Good Job to All who took the challenge 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s