KM3: Mga Hurado

Kamustang muli? Handang handa ka na ba sa darating na timpalak? Palagay ko, nanuot na sa ating mga sarili ang Kamalayang Malaya.Maraming salamat sa pagpapaunlak.

Malugod kong ipinakikilala ang mga hurado ng KM3. Nais kong masiguro na ang timpalak na ito ay papalaot ng banayad. Ikinagagalak ko ang kanilang pagpapaunlak sa kabila ng kanilang kaabalahan. Mahal din nila ang wikang Filipino. Ang tanong kailan ba ang timpalak? Mag-abang ka lamang, bigla na lamang bubulaga iyan.

G. Noel Sales Barcelona

Makata, kuwentista, peryodista, mananaliksik, kritiko at mananaysay si Noel Sales Barcelona.

Taong 2002 nang makamit niya ang parangal na “Makatang Mag-aaral ng Taon” mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP)-Maynila at ang Ika-2 gantimpala sa prestihiyosong Gawad Pandaylipi sa Tula dahil sa kanyang tulang “Sa Burol ng Bayan” (The Wake of the Nation).

Hulyo ng taong 2008 nang makamit naman niya ang parangal mula sa Filipino-Australian community sa Brisbane ang “Literary Achievement Award” dahil sa kanyang kuwentong “Bote, Dyaryo, Bakal”. Nauna rito, naging finalist siya sa Kabuwanan Poetry Competition sa Cubao Expo.

Lumabas na rin ang kanyang mga kuwento, tula at sanaysay sa iba’t ibang publikasyon — Aklat Likhaan ng Maikling Kuwento at Tula 2001 (University of the Philippines-Institute of Creative Writing); Mabini Sessions 1, 2 and XP (The Catalyst, PUP-Manila); 24/7 Walang Tulugan (The Philippine Collegian, UP-Diliman); Southern Tagalog Exposure Magazine; Bulatlat.com; The Philippine Literary Folio at Tinig.com;  at marami pang iba. Siya rin ang nagsulat ng introduksyon, kasama ng namayapang makata at persyodistang si Alexander Martin C. Remollino na “Mga Agos sa Disyerto.”

Sa ngayon, nagsusulat siya para sa Pinas Global Newspaper, CBCPNews.com, at AllVoices.com.

G. Michael Rico Langura

Tagapagsanay sa sabayang bigkas, pagsulat ng sanaysay,tula, masining na pagkukuwento at balagtasan. Kritiko ng mga nagsasanay na guro sa pagtuturo sa ilang unibersidad.

Nag-aral sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Kumuha ng Batsilyer ng Sining sa Edukasyon. Dalubhasa sa Filipinolohiya. Kumuha ng Master ng Sining sa Edukasyon sa pagtuturo ng Filipino sa Philippine Christian University. Nakatapos ng pangangailangang pang-akademiko sa Doktorado ng Pilosopiya sa Panitikang Filipino sa Unibersidad ng Manuel L. Quezon at naghahanda sa disertasyon sa maikling kuwento na may paksang “ House Husband “ upang makamit ang titulong Doktorado.

2008- Makata ng Taon ( Kagawaran ng Edukasyon-NCR Level)

Miyembro ng PASADO ( Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro)

Miyembro ng PASATAF ( Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino)

Kasalukuyang nagtuturo sa University of the East at sa Manuel L. Quezon High School- Manila. 

Ang kaniyang pampukaw sa sasalang sa timpalak.

“Sumalunga ka upang matisod ang mahiwagang buhay sa kalsada man o sa tinatawag mong langit. Hayaan mong dumaloy ang diwa ng iyong nasa hanggang sa malasap ng buong mundo ang iyong kalulwa. Iyon ang Kamalayang Malaya “

 Dr. Nelson Turgo

Isinilang si Nelson Turgo sa Mauban, Quezon sa isang pamayanan ng mga mangingisda. Nagtapos siya ng elemantarya sa Mauban South Elementary School (valedictorian), sekundarya sa Manuel S. Enverga Memorial School of Arts and Trades (valedictorian), kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (BA English Studies – Creative Writing, cum laude) at gayundin ng MA sa Araling Pilipino (Literatura at Anthropolohiya). Noong ikalawang taon sa sekundarya, tinanghal siyang Pambansang Kampeon sa Pagsulat ng Balita (Filipino) sa National Secondary Schools Press Conference at noong nasa kolehiyo, naging manunulat siya sa Philippine Collegian. Nagtapos din siya ng Postgraduate Diploma in Social Science Research Methods (with distinction) at PhD in Sociology (Global Political Economy) (First Category Pass) sa Cardiff University, Wales, UK bilang SIRC-Nippon Foundation Fellow. Sumusulat siya sa wikang Filipino at Ingles. Nakapaglimbag na s’ya ng mga maikling kwento sa parehong wika sa Philippine Humanities Review, Philippine Free Press at Mirror Magazine. Para sa mga akademikong pag-aaral, may mga artikulo na rin siyang lalabas sa mga international peer-reviewed journal na Qualitative Research at Sociological Research Online. Guro (on leave) siya sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman at kasalukuyang mananaliksik sa School of Social Sciences ng Cardiff University, Wales, UK. Sinasaliksik niya ang usapin ng ethnograpiya, globalisasyon, pamayanan ng mga pangingisda, esperong global-lokal at mga teoryang ugnay sa espasyo.

G. Aldous Sayno

SBA 2011- Maikling Kuwento ( Unang Karangalan)

PEBA 2011- Supporter Category ( Unang Karangalan)

KM1 2010- Kamalayang Malaya ( Unang Karangalan)

KM Espesyal na Edisyon ( Unang Karangalan)

Wika niya.

“Minsan, kailangang haluan ng kamote ang pinakbet. Pasintabi sa mga talong at okra at kung anu anu pang gulay na sahog. Ganun talaga eh.

Ni hindi nga ako marunong magsulat ng maikling bio. Iyayabang ko na lang ang motto ko: ‘I would if I could!’ Huwag mo na kong tanungin kung anung tinapos ko. Hindi ako sa’yo mag aaply ng trabaho. Lovelife? In love ako araw-araw. Mula pa noong gabi gabi kong tinititigan ang maamong mukha ni Marimar sa Channel 9 kahit hindi ko pa alam kung anung pinagkaiba ng lipsync sa dubbing. May mga bagay kasing hindi importante pagdating sa pag-ibig.

At bago pa ko maligaw sa sarili kong sukal, ganito na lang… kapag isusulat mo na ang lahok mo para sa Kamalayang Malaya, pakiramdaman mo ang pintig ng sarili mong puso…ang pagkurap ng iyong mata sa pagkakamulat sa reyalidad at pagpikit patungo sa imahinasyon mo’t mga panaginip…hanggang maging ikaw rin ang sumulpot-maglahong kursor sa kung saang software ka man nagsusulat.

 …at kung natatakot ka na baka mag-isa ka na lamang pagkatapos mong lundagin ang labas ng kahon…nagkakamali ka.

 …dahil dalawa na tayo at magpapalaya pa.”

G. Lourd de Veyra

Makata, nobelista, mananaysay, mamamahayag at musikero si Lourd Ernest Hanopol De Veyra. Kumuha ng Bachelor of Arts in Journalism sa Unibersidad ng Santo Tomas Maynila, nag-aral din siya sa Unibersidad ng Pilipinas upang magpakadalubhasa.

Mga karangalang natanggap sa larangan ng panitikan.

1999 Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature ( Third Prize in Essay, English Division)

2003 Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature ( Second Prize in Essay, English Division)

2004 Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature (First Prize in Teleplay, Filipino Division)

Sa kasalukuyan siya ay mapapanood sa programang sapul sa Singko ng TV5 Kapatid at Tayuan mo at Panindigan sa AksyonTv at sa WASAK TV sa AkTV41. Bisitahin ang kaniyang site sa, Word of the Lourd, This is a Crazy Planets. Isa rin siyang product endorser.

-Wikipedia.org

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kamalayang Malaya, Kulturang Pilipino, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

162 Responses to KM3: Mga Hurado

  1. huwaw!!!… bigatens ang mga hurado…. ken’t weyt nemen me men…😛

  2. Ian says:

    Wow! Bungga! Si ser lourd! Hahaha. At ayun. Kainaman, sa wakas ay di na kasali si duking. Lels

  3. kayedee says:

    mukhang mas maraming sasali dito ah. hurado na si kuya duks🙂

    wow. long time no talk😀

  4. Rj de Lemos says:

    grabe hahaha..nakakatulala ang mga hurado🙂 dapat talgang ilaga ng mabuti ang ilalahok,ung timpla ng betsin,asin,dyosme hahaha…nakagapos na si duking,ndi na sya makakapinsala hahaha.

  5. bagotilyo says:

    speechless ako .. wahhaha 0_o

  6. duking says:

    ngayon, tuluyan na akong nahiya kung bakit mo ako napapayag. walanghiya ka din. period!

  7. bobonghenyo says:

    Ang taray naman nito kuya J.Kulisap kulang nalang pati si Bob Ong at Eros gawing Hurado e… Parang gusto kong sumali… haha pano ba to?

    • J. Kulisap says:

      Nakakatuwa naman ang pagdalaw mo dito Lovely. Sana sa susunod na linggo mailabas ko na ang mechanics. Tapos naman na. May timeline lang talagang sinusunod.🙂

      Aba kung magkakaroon pa ulit ng KM4 eh maglalakas loob akong bulabugin sila kahit di nila ako ka-close. Lol

      • bobonghenyo says:

        hahaha tama yan kuya J, ta-try kong makasali… hehe medyo busy kasi… sana meron ding meet-up kasama yung mga bigating pangalang ininvite mo😀

  8. sphereq says:

    shaks ang lupet ng mga hurado mo!!!! kainaman na yan hahaha parang umurong yong bangs ko lels!

  9. MD says:

    Boom… pasabog!

  10. tabianmuch says:

    wow!!!😀
    hebigat yung mga hurado at kasama pa ang idol kong si Lourd..nakanang mapapasabak talaga tayo neto ser j!

  11. Monik says:

    ANAK NG TOKWA! TOTOO BA ‘TONG NAKIKITA KO BOSS?? BIGATIN. TAPOS ANDITO PA SI LDV. LUPEEEEEEEEEET. *speechless* NAKAKAPRESSURE. PATAY TAYO DYAN. HURADO PALANG BALIW KA NA. HAHAHAHAHAHA

    • J. Kulisap says:

      TOTOO BA ITO CAPSLOCK MONIKKKKKKKKK? PATAY TAYO DIYAN. LALO AKONG NABALIW.😄

      • Monik says:

        LOLO JAKS SAYANG. DAPT SINABI MO SAKIN. MAY ISASUGGEST SANA AKO SAYONG HURADO. HHMMMMFFF! MAHAHAHAHAHAHAHAHA! E LO, ANO PO THEME NG KM3?

        • J. Kulisap says:

          Theme naman? Lika ka dito bulong ko sayo…zzzzxxxxyyyyzzzzzth..zzzzzz. Kuha mo?

          Hayaan mo Nik at kapag tayo’y binigyan pa ng pagkakataong magdaos ng KM4 eh, isasangguni ko sayo ang tungkol sa hurado. Pangako.🙂

  12. gnehpalle02 says:

    hindi ba ikaw lo si ginoong lourd de vera? ehehe…
    Goodluck sa patimpalak mo lo…

  13. bakit hindi ako makapagcomment dito? Si Sir Duks di lang pangpanitikan pala Loverboy pa wahahaha

  14. kikilabotz says:

    wooooooooooww, bigtime ito. hahahaha. congrats in advance

  15. olgaluxuria says:

    OMG! May Judges talaga. Eh di lalo na akong nahiya niyan. Puwede bang pang intermission number nalang ako? Production number? To the tune of: Born this way? Harharhar. Magandang hapon sa lahat!

  16. WP says:

    Wala akong masabi😀 Ikaw na talaga Jkul, kongrats in advance sa KM3.

    • J. Kulisap says:

      Wala din akong masabi WP sa Road Manager ko, siya na talaga. hahahaha. Artista? Belo Medical Group, baka gusto nyo na akong isponsoran? Lol.

      Salamat sa tawas na tigpipiso sa tindahan ni Bing, sa Nata De Coco, Sago’t Gulaman.

      Dami eh. Salamat WP, nandiyan ka pa rin sa aking tabi.🙂

  17. WP says:

    May Road Manager talaga hahahaha. dami kong tawa sa Nata de Coco sana sinamahan mo na ng buko juice bwahaha. Sus sa kakatabi namen sa sa iyo mukhang pahamak ang kasasadlakan namen bwahahaha pero keri lang😀

    • J. Kulisap says:

      Bwahahahaha. Kamalas ‘nyo. Lels. Para bang Drag me to Hell, dahil napalapit kayo sa akin? hehehehe. Sori namen.🙂

      Ang buko juice ay gamot sa…at ang Nata de Coco ni P ay…XD

      • sphereq says:

        hahaha lels sa Road Manager :)) gamot saan ang buko juice? mahirap ng tumabi kay kuli bigatin ang mga hurado eh hahahaha parng di papahuli ng buhay hahaha

  18. Banjo says:

    nalula ako sa mga hurado. kainaman🙂

    • J. Kulisap says:

      May gamot ako dito sa malulain Sir Banjo. Hehehe.

      Ayos lang iyan. Mga tao din naman iyan. Lol.

      Tandang tanda ko pa sabi ng tatay ko dati. Pupunta lang daw siya sa sayawan kapag mga aswang na ang bumabayle. Ngayon ko lang napagtanto…matapang pala talaga ang tatay ko. Willing makipagsayaw sa mga kalhati lang ang katawan. Ganun din sa KM3, willing makilahok kahit hindi pa alam kung ano paglalabanan. Matatapang.🙂

  19. WP says:

    lol sa drag me to hell, aysus, wala iyon jkul basta unahin mo si pong tapos isinunod mo yung isa, yung si ano, yung umiilaw yung balat, huli na ako wahaha. Call kita bukas, letse ka! lol

  20. JH Alms says:

    napamura ako nung nabasa kong kasali sa mga hurado sina duking tsaka LDV.. wala na, ayoko nang sumali,, pero suporta ako sa ibang paraan.. parang usyusero lang ba? hehehe

    • J. Kulisap says:

      Jesse, wala nang urungan to boss. Kasali ka na. Nagkoment ka na eh. Hahahaha. Ayos lang ‘yan. Para masaya. Para sa adbokasiya kong hangal.🙂

      • JH Alms says:

        parang wala na nga akong mgagawa siguro, kahit wala namang silbi yung mga gawa ko.. pero sige na nga, para may pampagulo naman.. hehehe ikaw lang ba nagpapatakbo ng patimpalak na ‘to o marami din kayo? malupit eh.. hanga rin ako sa sipag mo hehe

        • J. Kulisap says:

          Hindi walang silbi ang mga lumalabas sa utak natin. Sa iba maaaring hindi kapanipaniwala, maaaring epektibo, nakadepende ‘yan sa nagbabasa. Ang mga nagbabasa kasi, kung ano ‘yong hinahanap nila, doon sila naniniwala eh. ‘Yon sana ang diwa ng Kamalayang Malaya. Makibahagi na rin kasi maaaring ang ibabahagi ay gamot hindi man sagot sa kanilang paghahanap.

          Siguro mas abala ako sa timpalak na ito Jesse, mula sa konsepto at sa pangungulit ng mga taong tutulong sa akin. Bale isang taon ang paghahanda nito. Hehehe. Maswerte lang ako dahil maraming nagmamahal sa akin sa blogworld. Lol. Mas lumalakas lang ang loob ko dahil sa tulong nila at sa suporta ng mga sumasali.

          • JH Alms says:

            siyanga naman.. sige subukan ko na lang din..

            halata ngang maraming sumusuporta sayo dito.. ang dami nila kahit sa post lang na ‘to o.. good luck sa ating lahat.. hehehe

  21. cheesecake says:

    BONGGELS ang KM this season. Tatapatan ang American Idol.

  22. palakanton says:

    ang lulupit ng mga hurado.
    nakakabuntong hininga.
    pwede bng magmura… hehehe

  23. EssaPayoyo says:

    puki ng inang yan jakul….. leche ka. harinawa, pwede kitang murahin dito ng walang katapusan. gustong-gusto mo kaming pahirapan noh?! nanginig tuhod ko, kasali pa si Sir Duks at Sir Noel! OWMAYGULAY! kinakabahan ako, urong nalang kaya ako? (seryoso) PANIC ATTACKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK

  24. Nortehanon says:

    Hebigat, hebigat ang mga hurado! Good luck sa mga kasali. Ipagpatuloy ang pagdaloy ng kamalayang malaya!

  25. Christeen says:

    hong taray naman ng patimpalak na ito!😀

  26. lipadlaya says:

    Nakakalula naman yung mga hurado na yan,,, Parang kailangan talagang magpiga ng utak… hahaha.

  27. itsyowtime says:

    Oh, e di sorry naman. Hahaha. Nakakahiya naman sa mga hurado. Di naman masyadong engrande ang panel mo. LOL. May Lourd pang kasama.

    • J. Kulisap says:

      Sorry naman. Hindi ako masyadong prepared Boss Yow. Hindi talaga. Wala akong effort dito sa KM3. Lol. Seriously, gusto ko kayong bigyan ng maganda at masayang timpalak. Ito’y paligsahan pero sana makarating ang mensahe ng KM na pagbabahagi kung ano ang meron sa atin lalo na pagdating sa wikang Filipino. I thank you bow.

  28. PaQ says:

    Omaygad! Kelangang galingan! Hurado ang mga haydols ko! Hehe.. Sana di ako masabaw ngayong taon.:\

  29. yiN says:

    Paumanhin sa makupad kong pagpapatihulog. Nilamutak ng putanginang abalang kaliwang kamay ng matuling maraming sinabing pilaking pukining orasan ang nilumot ko nang sariling-hayag na mayabang na makulit na abang talento ng pagpapahayag sa sangkasaputan. Ngunit sa ngalan ng coke sakto heto na ‘ko umaakto.

  30. eratika says:

    nikakabahan na naman ako, parang may naghahabulang kuwan sa loob ng tiyan ko waaaa😦

    • J. Kulisap says:

      Era, salamat ha. Alam mo’y natutuwa ako at naramdaman ko ulit ang presensiya mo sa blogworld. Nabasa ko ‘yong post mo about KM3. Love mo talaga me. Lol. Tatsing naman eh.
      Yong kaibigan mo ha, sabi mo sasali. Aabangan ko

  31. Ei! Anak ng tinapay sa bayan, ikaw na ang mahusay mag-convene ng mga busy na tao, Kulisap! Ganyan na pala ka-prestigious ang patimpalak mo, kapatid… Iba na, hindi na contestants ang huhusga. May online at texting components ba ang voting (ala-Idol ;))? Ahaha…😉

    Nawiwindang ang bloggers sa line up mo, ahihi. Kaway lang…🙂

    • J. Kulisap says:

      Walang online at texting components San. Eh nabiyayaan lamang siguro ako ng kakapalan ng mukha para mangulit sa mga abalang tao. Matapos ang KM1 at KM2, kailangan nating mapakinggan ang hinaing ng mga lumalahok. Kailangan nating maihatid ang ninanais nila pagdating sa timpalak.

      Silang mga hurado ang mag-iilaw sa kapistahan ng mga utak sa susunod na araw.

  32. Joleah says:

    Woah. Astig. Parang macoconfuse na yung English at Tagalog ko sa buhay. :))

  33. buhaylibro says:

    Napatiklop ako sa listahan ng hurado. haha

    • J. Kulisap says:

      Hindi yan. Laklak ka ng maraming pag-ibig para may panlaban ka. Titigan mo lang kasintahan mo. Hehehe

      • buhaylibro says:

        Haha sana ganun lang nga, kelangan ko pang halungkatin ang lumang bokabularyong Pilipino subukan ko ng mag hanap ngayon pa lang. haha

        • J. Kulisap says:

          Wala sa lalim ng wikang Pilipino ito, bagama’t para sa akin ay isang kamangha-manghang gawain ang paggamit pa rin ng mga makalumang salita subalit dahil nagbabago ang takbo ng panahon, kasabay ding nagbabago ang porma ng ating wika. Ang mahalaga siguro ‘yong entry natin, ‘yon yong mga nagmumula sa kaibuturan ng ating puso. Kung ano ang laman niyan, ‘yon ang lalabas.

          Good luck sa inyong lahat. Malapit na ito.

  34. J Kulisap,

    Wow! Ano nangyayari dito? Ano meron?

    D

  35. Edong says:

    hurado pa lang, ulam na! simulan na ang salo-salo…🙂

  36. krn says:

    Napressure ako bigla. Haha!

  37. Sows says:

    ang galeng. meron pala ulet. musta na kuya?

  38. Jedpogi says:

    paking syet … hurado pa lang ang bibigat na.. tiyak babaha na naman ng entry to.. gudlak sa iyong patimpalak Ginoong Jkul…

  39. L says:

    ang pamosong lourd, hurado ng km3? weh? di nga? at si ser duks na hall of famer, hurado na rin pala. mabuti naman ser at nawala na ang vote-your-own-manok mechanics. sasama na talaga ‘ko. yehes! ang tanong: kelan ba ang simula ng km3?

  40. doroastig says:

    kailan ba ang simula ng km3?

  41. Goyo says:

    Pakibilisan ang paglabas ng kontes, para makasali na! Ang bigat ng mga hurado, ha! Panis! \m/

  42. bakit kaya di ako makapg.comment gamit ang account ko? ampf FB nalang. hehe

    EXCITED nako magbasa ng mga akda ng iba! gosh🙂 sana maraming magaganda katulad ng dati :))

    I miss you so much lolo kuli!

    mua

  43. chilledhoney says:

    OMG, I had no inkling whatsoever of what I got myself into!

    sighhh naloka ako… sa unang pagsali, ang mga hurado ay di lang haligi… mga hebighat…!!!

    Nahiya tuloy ako… tama ba ang mga pinagsususlat ko? ^_^

    o sya, kahit di ako pumasok sa finalists, ayos na ako…isang karangalan na ang makasama sa listahan (nasa unahan pa hihihi) ng mga kalahok…

    Go Go Go KM3!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s