KM3: Tikim Na!

Kamusta? May sapat na bilang na ang mga nagpahayag ng kanilang pagnanais na makibahagi sa KM3 kaya hindi na mapipigilan ang paglulunsad nito sa blogesperyo. Bago tayo dumako sa mismong araw ng timpalak, nais kong ibahagi sa inyo ang mga pananaw ng ilan na sumagot sa aking tanong tungkol sa Kamalayang Malaya sa Kayumangging Damdamin. Makakatulong ito upang sumilakbo ang ating damdamin sa darating na timpalak. Anong putahe ba ang nais mong ilahok? Tikman mo at baka may magamit kang panahog sa iyong ihahanda. Good luck sayo.πŸ™‚

Ang kamalayang malaya ay _________, _________, _________, ________ at ___________. Wala akong masabi dahil nauubusan ako ng salita. Oo LITERAL na nakakaubos nang salita ang patimpalak na ito. Kaya kailangan mo pang maghukay, maghasa at …. magsulat na parang kalalabas mo lang sa mundo. Yung ikaw pa lang ang iniisip mo at hindi ka pa nahihiyang nakikita ng ibang tao ang betlogs mo. – Ate Madz

Kamalayang malaya? Putangina lang. Ang pagsusulat ng bukas na isipan ay sadyang isang biyaya, ngunit mas malaking regalo ang pagbabasa na may malawak na pananaw at pang-unawa. Pakawalan ang halimaw, ilabas sa mga salita, at hayaan ang ibang lunurin ang kanilang mga sarili sa sining na hindi nagkukubli. Buwis-buhay, ika ko nga, ang ilabas ang iyong lamang-loob sa publiko at hayaang pagpiyestahan ito ng mga utaw.-Essa Pajarillo

malayang kamalayan…may bilang ang pangungusap? malaya nga eh hahaha love you dear kuli :))- Sphereq

Ang Kamalayang Malaya ay parang isang haplit na humahagupit sa diwa at kamalayan ,tisod pati ang puso.Kalakip din nito ang pagpupugay at pagpapausbong sa ating wika at panitikan na kay inam.- Jay RuleZ

Isang pagdiriwang ng pagpakatotoo, pagpapalaya ng walang dapat baguhin at pagtanggap sa ugat na pinayabong para sa pagkatao.- Aninipot

Kamalayang malaya sa kayumangging damdamin? Ito β€˜yung pintong di nakapinid. Dagat na patuloy sa pag-agos. O kaya ay yaong pagtatampisaw sa ulan sa gitna ng kalsada na hindi inaalintana na marami ang taong nakatitig sayo. – Bulakbolero

Malaya, matapang, hubad, malikot, mapaghamon at may kurot sa puso ng isang pinoy– Salome Laonglaan

Ang kamalayang malaya ay pagpapahayag ng ating mga sarili, pagpapahalaga at pagbibigay respeto sa iba kapareho man ito o salungat sa ating mga paniniwala.
Masarap ang mabuhay na may kalayaang magmahal ng taong pinili ng ating puso.
Masayang makakilala ng mga bagong kaibigan, maglakbay sa mga lugar hindi lamang sa panaginip at maranasan ang mga bagong bagay.
Kamalayang hindi nakakulong sa kung anong mang materyal na bagay. Malaya sa isip sa salita at sa gawa.- Romina

“Di hadlang ang balintataw kong kaisipan na lumahok upang maensayo at hubugin lalo ang malikhaing kaisipan naΒ  hinubog ng sangkatauhan- ano daw?!”- Xprosaic

Ang kamalayang malaya ay ang dahilan upang aralin kong muli at yakapin ang mayamang panitikan.- Joey Velunta

Napapabukas ako ng inaagiw na bloghay tuwing may Kamalayang Malaya si J. Kulisap.- Davin Tapa

Ang KM ay isang masarap na putahe na inihahain ng KD. Masusuwerte ang mga bloggers na nakakatikim ng halu-halong lasa at nabibiyayaan ng sustansya nito. Para sa gutom, at para na din sa busogIan Albert Austria

Nakapagbubukas hindi lamang ng kaabang-abang na kwento sa baul ni lolo bagkos damdamin at saloobin ng malayang pagkatao- Midnight Driver

Ang Kamalayang Malaya ay paglalakbay ng diwa. Walang hangganan kung hanggang saan man dumapo ang kaisipan. Isang sulo na nagpapa-alab ng kayumangging damdamin, maging sa mga nahihimbing.- Danilo Garcia Jacob

kamalayang malaya..
bukas sa β€œhindi”, pero hindi laging sarado sa β€œoo”..
nakakapaglaro sa β€œtotoo”,
pero hindi rin naman nakakulong sa kung ano lang ang β€œdapat”..- Jh Alms

β€œAng Kamalayang Malaya ay parang pagjajakol. Isang bagay na maaring ngang mali at maaring ring hindi. Madalas ginagawa ng nakakubli. Pero wala ka rin namang pakialam kung mahuli ka man ng iba. Kadalasan ay nagugulat ka lang sa reaksyon nila.” –PaQ

Ang kamalayang malaya ay angas na may layunin, may yabang ngunit hindi mayabang; layunin na may angas, mabagsik pero hindi mapanindak; at ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.- yiN

Sa susunod na araw, ugaliing bumalik para masundan mo itong timpalak na ito. Mahalaga ang mga susunod na araw dahil doon mo malalaman kung paano ka magpapasiklab. Salamat po sa inyo. Para sa ating mahal na wika.πŸ™‚

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Kamalayang Malaya, Kulturang Pilipino, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

103 Responses to KM3: Tikim Na!

    • J. Kulisap says:

      Ay ineng, antabaga naman. Asan na? Dahil ikaw ang base, ikaw dapat mauna magpasa ng entry. Hehehe

      • madz says:

        ahahahaha walanjo naman, panibagong rule?? ang arte talaga ng KM na yan! LOL

        ihahabol ko lang:

        Ang kamalayang malaya ay _________, _________, _________, ________ at ___________. Wala akong masabi dahil nauubusan ako ng salita. Oo LITERAL na nakakaubos nang salita ang patimpalak na ito. Kaya kailangan mo pang maghukay, maghasa at …. magsulat na parang kalalabas mo lang sa mundo. Yung ikaw pa lang ang iniisip mo at hindi ka pa nahihiyang nakikita ng ibang tao ang betlogs mo. YOWN!

  1. Banjo says:

    patikim pa lang. hindi pa umaabot sa tiyan.. mag-aabang.πŸ™‚

  2. dumadami na ang iniinom kong kape lolo kuli… inip na inip na ako.. lels…^_^

  3. jmmadali says:

    sipol habang naghihintay….

  4. bagotilyo says:

    hindi ako natutulog dahil sa pagaabang nito.

    anlaki ng eyebags ko ,kasalanan mo to .. hahha

  5. Davin says:

    Sabi mo one sentence lang? Hahaha! At hindi kita tinatawag na JKulisap. Peace Tito JπŸ™‚

  6. JH Alms says:

    aantabayanan ko ‘to.. mukhang exciting hehehe..

  7. sphereq says:

    tsk tsk kung alam ko lang na ipopost pala ang sagot ko ginandahan ko sana yong sagot ko din sa survey pwedeng ulitin dear kuli? hahaha

    • J. Kulisap says:

      Sphere, ang sagot mo ang pinakamaganda. Pinakamagandang itago sa baul kasama ng mga ipis. Hehehe. Tama naman ang timpla. Napaisip ako sa sinabi mo.πŸ™‚

  8. MD says:

    Boooommmm… habi na!

  9. EssaPayoyo says:

    Natawa ako dito… Isa lang ang punto ng lahat ng testimonial, hahahahaha —- Kung gaano kasugapa ang patimpalak na ito sa mapupusok na panulat. Hahahaha. Halatang-halatang masakit sa bangs ang KM, hahahaha. Lech!

  10. aninipot says:

    akala ko survey yon para basis ng isusulat mo hindi yong ilalagay mo sagot namin. napaisip tuloy ako kung tama sinulat ko. hahaha!

    Paano yong namumundok ? ‘di ko maabangan ang rules.

  11. jela po says:

    ay nagsimula na pala!. Nako. Hindi yata ako naupdate! hmp. . paano ko ba malalaman na may itinatanong ka na pala?.. ;-(.. pwede bang i’remind mu nalang ako dun sa aking blog!. THANK U mr KuLisap ≧^β—‘^≦

  12. maunlad! may drumbeating ang patimpalak… mahusay. hello, kulisap!πŸ˜‰

  13. tabianmuch says:

    ok nalito tuloy me…kala ko yung mga blanko na ang pakontes..hehehe

    aabangan na itey ng bongga, bahala na si batman sa madugong panitikan!!πŸ˜€

    • J. Kulisap says:

      Tabian, sisisihin mo si Mads..may pa-blanko blanko pang nalalaman. Kasali si Batman? Akalain mo ‘yown. Pati superheroes eh. Salamat po tabianmuch

  14. Rj de Lemos says:

    ilantad na ga! hahaha

  15. palakanton says:

    patikim pa laang eh parang nkakasabik na ah.
    lagyan na ng mga rekado ng maigisa na!
    lalo na pag inihain ang pangunahing putahe.

  16. olgaluxuria says:

    Nakikiraan lamang po!πŸ˜‰

  17. maharuth says:

    ay napadaan lang…anoh po ba ang meron dito???

  18. marrymhey says:

    wala pa pala. akala ko meron na.. ahihih..
    salamat sa imbitasyon.
    aabangan ko na lang.
    habang wala pa, magsusulat muna ako ng iba.. ^__^

  19. kuya mao says:

    Uy! Mukang di na matutuloy ang “J.Kulisap Memorial Blog Awards” ah? Mukang me bago na namang magpapagulo sa utak ko…
    Salamat dito boss!πŸ™‚

    • J. Kulisap says:

      Kuya Mao, tila ikaw ay abala kaya hindi na kita inistorbo dito para mahingan ng sagot. Salamat sa pagdalaw at alam kong magpapatikim ka ulit ng iyong putahe. Sariwa pa rin sa aking alaala ang binuhay mong karakter sa KM Daloy Diwa. Babaeng naging kabit, hanggang sa mapraning at iwanan ng katinuan.πŸ™‚

  20. WP says:

    Ayy bakit wala pa akong koment pala dito? bakit ganun patikim pa lang parang nauta na ako wahaha. Kung gaano kahirap uminglis ganun din kahirap sumali sa pakontest mo murit!!! luv luv luv

  21. PaQ says:

    ANTAGAL BOSS! Tinitigasan na ko sa kahihihintay dito. Akala ko may mababasa ako na.. “Ang Kamalayang Malaya ay parang pagjajakol. Isang bagay na maaring ngang mali at maaring ring hindi. Madalas ginagawa ng nakakubli. Pero wala ka rin namang pakialam kung mahuli ka man ng iba. Kadalasan ay nagugulat ka lang sa reaksyon nila.” Hehe.. Sayang di kasi ako nagbubukas ng email. Hahaha! Peace*

    Kamalayang Malaya. Ang pakulong nakakainip hintayin ang tema. Sabagay mahirap nga namang gumawa ng panuto at mag-isip ng tema. Di ba boss? xD

  22. imot says:

    Ang Kamalayang Malaya ay.. MA at PA –malay ko at PASALI ako.πŸ˜„ Pakiramdam ko lang kelangan kamag-anak mo si Balagtas kapag sumali. Mas malalim pa sa Marianas Trench tong mga salitang nababasa ko rito. Sa “Jakol” lang ako pinakapamilyar. Hintay na lang akong magkamalay….

    • J. Kulisap says:

      Pwede. MAPA, mapa ng Pilipinas- tao ng Pilipinas. Eh di mainam ang ibig ipahiwatig. Hindi naman kailangan ang masyadong malalim na malalim. Ang mahalaga, ‘yong lahok galing doon sa kaibuturan ng puso ng isang Pinoy. ‘Don pa lamang, panalo ka na. Ang timpalak na ito ay para sa Pinoy upang mas mapayabong natin ang ating sariling wika. ‘Yon naman ay sa pinaniniwalaan ko lamang Imot.

      • imot says:

        Game ako dyan! Ihahanda ko lang ang tissue para sa nosebleeding. Ihahanda ko na rin ang puso ko para lagyan ng baterya at gumana, humalungkat ng pinakamalilim na alaala, maglapat ng magandang istorya para sa puso mo,puso ko, puso ng mga me pusong bato, puso ng bawat Pilipino na nasa tabi-tabi–naghihintay, kumakaway,nag-aalay ng buhay at mga pasaway! Teka, simula na ba? Sori, carried away.XD

        • J. Kulisap says:

          Tnt. Ayown oh. May ibubuga. Patay tayo diyan. Magpapahirap ito sa mga tagamasid pampurok. ‘Yan ang patikim. Take note MJ at Jay RJ De Lemos.πŸ™‚

  23. gnehpalle02 says:

    di pa ba timplado lo? gugutom na koπŸ˜€

  24. Pong says:

    huli man daw at magaling huli pa rin
    hahahaha
    Game!

    • J. Kulisap says:

      Asan ka na Pong? Ikaw na lang ang siyang kulang sa bahay kung ito. Pangarap ko ay…hanapin ka..La la la..La La La la. Masama ang tama ng Indones sayo Pong.

  25. yiN says:

    Ang kamalayang malaya ay angas na may layunin, may yabang ngunit hindi mayabang; layunin na may angas, mabagsik pero hindi mapanindak; at ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.

  26. kainaman ang promotor ng nasabing patimpalak… kainaman na sa sobrang arte ay iniwan ang dotcom at pumasok sa wordpress. kainaman kasi kailangan pang kaladkarin, sagasaan, ihulog sa bangin, ipakain sa buwaya at marami pang masasakit na trahedya upang muling bumalik sa pagbloblog. para sa akin ang gusto kong maging tema ay KAINAMAN KA JKULISAP: BAKIT KA PA BUMALIK? parang ganun.

    O siya masyado na akong maraming nasabi…

    • J. Kulisap says:

      Parang may galit naman itong si Sir Berl sa akin. Hahahaha. May mga dahilan kasi kung bakit tayo naglilipat bahay pero ang mahalaga ay muli tayong magsasaya. Kung sasama ka eh di mas masaya.

      Kainaman ka talaga JKulisap. Pasaway ka. Hehehe

  27. Lambing says:

    ayun oh! kainaman kay tagal kitang hinanap ! haha nandito ka lang pala sa compound ..

    lolo na excite naman ako dito… kelan ba yan?

    • J. Kulisap says:

      Malapit na Lambing, asais na ito. Oo nga, medyo mapuno kasi itong kinatitirikan ng bago kong bahay. Tapos tatawid ka ng tatlong bundok, may sapa, tapos akyat ng konti sa bundok..may ilog..ayon bahay ko na. Lol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s