Mga minamahal na Kablog,
Sumapit na naman ang panahon ng malayang kamalayan. Malugod kong ipinababatid ang timpalak para sayo upang ipagdiwang ang wikang Filipino para sa Pilipino. Nais kong ihambing sa mga kapistahan ng Pilipinas ang timpalak na ito. Kapag tayo’y naghahanda sa ating mga bahay, espesyal ang putahe at gayak upang malubos ang kaligayahan ng ating mga panauhin. Makulay at masigla ang pagdiriwang dahil likas sa ating mga Pilipino ang magsaya.
Tunay nga na tayo’y magiliw. Tara na’t makipiyesta. Tayo na’t ipagdiwang ang lipi ng lahing kayumanggi.
Sa mga naghintay, maraming salamat. Sa mga bagong papanhik, maligayang pagdating sa Kamalayang Malaya.
Kamalayang Malaya 3 na. Kainaman!
J. Kulisap
Base!
Asan ang entry mo? Hahahaha. Base ka diyan.
Bangasan na ng soul. 🙂
antayin namin ang detalye 😀
Salamat. Pinapakulo ko na. Malapit nang i-serve boss.
🙂
Sali ako, bka dito umubra na ang mga “pang tanga lang” na akda ko… yey!
Hi Palomah.
Sabi mo ‘yan. Wala nang urungan ah? Hampasan na ito ng mga ugat sa utak.
Lapit na.
🙂 sana sumpungin ako ng mas matinding drama, matagal na kaseng walang laman utak ko.
Monikkkkk! Isang karangalan po ang pagpunta nyo dito sa bahay ko. XD
Hindi ka susumpungin dito, mababaliw ka. Hahahaha. Minsan ano rin eh. 🙂
i LOVE YOU LOLO GOD. 🙂
Mwah-mwah tsup tsup. Hehehe. Common! Group hug. 🙂 Imba o/\o
hmmm…mabuhay ka KULI…dahil dito binuhay mong muli ang aking kamalayan kung kaya nais kong ipahatid ang aking masaganang pagsuporta sa pamamagitan ng paglahok sa iyong patimpalak….magaling…magaling…
akoh ba ito..tagalog na tagalog ako…hahahaha….makatang maharot…
Toinks. Konti pa. makating maharot ka na. Lol.
Maraming salamat Maha. Sabi ko nga, tila yata sumpa sa akin ang gawaing ito. Heto na naman ako’t kinikilig sa inyo.
Nanabik ako sa mga pagkakataong tayo’y magkakaulayaw sa tambayan.
Salamat sa iyong pagnanais na lumahok sa timpalak. 🙂
Kaysarap makakita ng mga ganitong klase ng patimpalak. Totoo, may puso, may sustansya.
Mas masarap makitang makikibahagi ka dito Sir. Malinamnam ang putahe mo sa iyong bahay. Ngayon pa lamang salamat. Patikim kami ng handa mo. 🙂
nakatulog ako , pasensiya … hahaha
ang ganda ng picture tay akin n lng :p
Mapapasaiyo iyan kung papalitan mo ng umaalingasaw sa halimuyak na akda. Tumuka ka ng pampalakas ha? Lapit na. Basagan na. Tnt.
lo huli mo na kong sinabihan… nagtatapo much. hmmpf!
di ka man nagimbita na may bago ka na palang bahay… hmmmmmmppfffff!!
lolo nagtatampo me much. may bago ka na palang bahay di ka man lang nagsabi.
hmmmmmmmmmppppfffffff! di mo na ako love 😦
XD. Ako naman natutuwa much kasi, nakarating ka din dito sa wakas. Kainaman. Hindi mo kasi nakikita itong bahay ko kasi nasa gilid lang. Hahahaha.
Love pa rin ng 1kilo lian. Hehehe
eksayted naman ako dito.. lolo kuli… 😀 perstaym kong sumali ip eber.. 😀
Ako din ay nananabik na. Kung sino daw nagkoment dito ay otomatikong kasali sa laro. hehehe. Kaya Karen, di ka na pwedeng umurong. Makipagsagupaan na. Kayang kaya mo yan. Good luck. 🙂
hala… kumbaga sa patintero kapag naka-IT na hindi na pedeng umatras… sige.. gyera na!!! lol!!!… kelangan mahasa ang isipan nito… 😀
Huwag masyado hasang hasa. ‘Yong tama lang ang talim.
🙂
base! xD
Lol. Base ka para sa pang-alas singko ng hapon.
Mads naalala mo pa ba si Cassandra, Rosario at Magdalena?
Tnt.
atleast naka-base pa din 😛
hahaha mga babae ng KM2.. sino kayang papasahan nila ng korona?
BTW, di ko masagot tanong mo, may deadline ga ‘iyon? Parang nung KM2 lang din, pahirap ka talaga kahit kelan! :))
Hahaha. Meron Mads, Friday sana makuha ko na ang sagot mo. ‘Yaan mo na si Kuya Kuli eh.
Sino kaya ang lilipatan ni Pongkie ng Korona, at sino na naman kaya ang mga sisikat na karakter ngayong KM3? Nakaka-excite ah.
shitttt hayto na!mahahasa na naman ang mga utaj ng alipores mo!LOL
ngayon pa lang eh..binabati na kita!
hakhak!
Salamat. Kung maka-alipores ka naman. Nang-aano ka eh. Payak na kulisap lang.
Para sa inyo talaga ‘to. Para masaya. 🙂
ayan na nagkakagulo na..ilabas na ga iyan aba! sa tagal naman! hahaha
Hahahaha. Mga isang taon muna ang aantayin mo bago mo malaman ang mekaniks. Ikaw lang. Lol
yun oh! sumabay sa labor day!
Hahahaha. Kala ko sa pistahan sa barangay. Basta may covered court. 🙂
paano ga?
Ay paki-antay ho Sir Akoni. 🙂
Ser, naalala ko una kong pag sali sa pakontes yung km2. Hehe.
Sir, sariwa pa sa akin ang alaala ni Rosario. Hindi ka man naka-100 comments eh, palagay ko, pumatok ang KM2 entry mo.
‘Nga pala may email ako sa inyo. Nabasa nyo po ba?
ser sumagot na ko sa email mo.
Sige po. Salamat Sir.
Kita kits sa araw ng Kapistahan 🙂
sa aking pagsasaliksik kani kanina lang ay may natagpuan akong blog (http://nakahide04.blogspot.com). Yun po ang dahilan kung bakit ako nakarating dito. My Gudnez! mahirap man peru akin pong susubukan na mag bahagi sa aking mga nakatagong kaalaman sa literatura sa Filipino..
Nosebleed ako dun .. heheh (✿◠‿◠)
Hi Jela Po, ‘yan ang nag-aapoy na kagustuhan. Mahirap man pero alang-alang sa ating wika, makikibahagi ka. 🙂 Good luck.
naghahanap ako ng details wala pa ba? ahahah atat laang! 😀
Hahahaha. Nakahanda na pero abangan mo. Ma-atat ka muna ng mga 2 weeks. Hahahaha
unang sabak ko sa pagsali yung kay ser bino…nakaka adik yung mga malalalim na tagalog kahit dinudugo na lahat ng lamang loob ko, kaya pa subok dito ser jay!? weeeee! 🙂
Maligayang pagdating Tabianmuch. Dito, palayain mo lamang ang iyong kamalayan at hayaan mong dalhin ka nito sa kung saan. Iyon ang iyong entry sa KM.
Waaaaah!;) palagi na lang akong huli mag submit ng entries kaya nahihiya na ako. Tapos parang mema lang entries ko.^^ mema-submit lang. Hahah. Pero i’ll try my very best like what i always do pag nagpapasa. Hihih! 🙂
Maraming salamat Kat. Paki-antabayanan ang mga detalye ng timpalak na ito.
salamat din. 🙂 hihintayin ko ang detalye, baka this year, ako na. wahahahah. ang kapal ko lang. hahah
‘Yan ang mga payanig sa katunggali, may anghang. Like
KM3 na!!!! Wala ng urungan ito 😀 Like ko yung togue sa itaas, kuli iwas sa munggo, mataas sa uric acid iyan hahaha.
Hahaha. Toge talaga, paano ka nakakasiguro na togue ‘yan? Basta umuusbong, togue na agad? Hahahaha. Wala nang urungan Boss. Yumyumyum. 🙂
Toge nga iyan! asan na naman si pong hayyy nawala na naman.
Tsk..tsk..antayin mo lang, lalago iyan na kasing taas ng Molave. Pinangungunahan mo eh. Masama ang epekto ng Indonesia kay Pongkie eh. Lels
ayun! nahanap ko din ang blog na to. anyway, tingnan natin kung makakasali. pwede ba? lol
Karangalan ko na pagbigyan nyo po ang aking paanyaya. Para sa lahat ng Filipino bloggers po ito.
🙂
Exciting to. :p
Uy, naki-excite na din si Bossing.
Alam ko may espesyal kang putahe na ipapatikim.
Aabangan namin iyan.
Sana kaya kong sabayan istilo nyo :p WISH haha
Titigan mo ang Kasintahan mo…’may laban ka na. 🙂 Paki-qoute ng kasintahan. XD
ANTAGAL NG MGA DETALYEEEEEEE
Hahahaha. Alam mo na. Kapag KM, nambubulaga.
Sa pagkakataong ito, susuporta na ko sayo dir jkul. kung sakali at loloobin, ito ang kaunahan kong paglahok sa patimpalak mo.
🙂
Sir Banjo, maraming salamat po sa suporta. Para sa pagpapaigting ng ating wika. 🙂
Sir, nadalaw kayo minsan sa bahay ko nung nagpasa ako ng akda ko para sa isang pakontes at isa yung karangalan sabi ko nga. Pero hindi ko natagpuan itong tirahan nyo. Salamat kay JayRulez kaya napadpad ako dito. Pwedeng makipyesta? Hehe.
Hi Gracie, pwedeng pwede po. Malugod po kayong tinatanggap sa kapistahan. Hala’t magluto na ng ilalahok. Malapit na.
kailangan siguro ng mag muni muni o mag emo emohan para makagawa ng matinding kwento. LOL. Congrats in advance!
Sir Empi, aasahan ko po ang inyong likha na yari sa emo-emohan.
🙂 Salamat po
parang gusto kong lumahok dito sir jkulisap
Hindi parang…sasali ka sa gusto o gusto mo. Hahahaha. Salamat Sir. Ipatikim ang handa ng taga Bulakan.
Lapit na Sir.
isa na namang mainam antabayanan.. kainaman nga naman.. hehe
Aantayin ko ang likha mo dito Boss. Gaano kaya ka-anghang, kapait, katamis? Hehehe
Hindi ko makita yung comment ko? kainaman!
Hahahaha. Ito na o..lol.
Magkakaanak ba si Cassandra boss?
wahahaha.. yan ang dapat abangan sa KM3 🙂
Aabangan talaga namin Sir.
galingan mo MD…hinahamon kita…
nyehehehe… andito na naman ang kamalayang malaya… nakakahiya man… pero gusto kong sumali ulit…. ano na nga pala nangyari boss sa domain mo… di po ba jkulisap.com yun… bakit parang iba ang lumalabas…
Ay Sir pasenya naman po. Pakitanggal na ho sa blogroll ang jkulisap.com, hindi na po ako ang nagmamay-ari non. Dito na po tayo sa kainaman. Maaaring may gumagamit ng iba ng jkulisap.com. Maraming salamat sa pakikilahok at pakikibahagi sa Kamalayang Malaya. 🙂
bulaga! kumusta, ser? matagal na ‘kong umaali-aligid sa crib mo, ayoko lang magpahalata. hehe.
basahin ko muna maige mechanics bago ko pag-isipan kung sasama ako. baka pakyawin na naman ni ser duks eh. trololol!
Nagulat ako! Nagulat ako. ‘Wag mo akong ginugulat ay. Lol. Kaya pala nakakaamoy ako ng titeng maugat L..umaaligid aligid ka dito. Lol
Maraming salamat kung ikaw ay lalahok sa timpalak. Igagapos na natin si Duking para hindi na siya makapinsala.
abangan ko ito….
Salamat po Sir Arvin.
eto na ata yung inaantay kong push… hehe aabangan ko na ang mga sasali… 🙂
Sana nga po Sir. Salamat sa pag-abang. Makipiyesta na Sir. Ikaw pa, ang sarap mo kayang gumawa ng putahe.
Gusto kong makipiyesta at makisaya… Unang panhik po dito!
Sir Mar, tuloy ka, may buntis. Huwag ka dyan sa hagdan. Hehehe. Salamat sa pakikilahok at pakikisaya.
🙂
magandang araw ginoong jkulisap, lagi kong nakikita ang mga komento mo pero hindi ko mahagilap kung san ba talaga ang bahay mo 🙂 buti na lang e nagawi ako kay jayrulez, alam kong isang madugong timpalak ito kaya good luck sa lahat ng sasali!!!
Mainam kung sasali ka din McRich. Akalain mo ‘yown at may silbi pala yang si JayRulez, kala ko isa lang siyang alikabok. Hahaha. Salamat naman at nagawi ka sa lungga niya, nasundan mo tuloy ako. 🙂
kahit bisi-bisihan akong tunay naaamoy ko ang mga nagaganap dito sa bahay mo at kahit tulog ako nanunuot sa aking kuyukot ang aromang hatid ng KM3, tengene magpapaiwan ba ko? hindi naman ako naghahangad na manalo (di ko naman nakukuha ang premyo ko eh waaah) ang nais ko lang ay makatalamitam ang mga magagaling na kalahok. isang karangalan jkul, lumapit lapit ka nga dine pakiss 🙂
ps.
pakisuyo jkul paki-email mo naman ako
Hindi mo pa ba nakukuha ang painting mo? Aba’y baka nanganak na iyon? Ikaw kasi masyado kang paano eh. Ilang kiss ba? May discount ka Era. Magkano pera mo?
Salamat naman. Ano email mo Mam?
boss salamat sa imbitasyon..
sasali din po…99.98% pag sinipag
.2% na lang at sure na sure na. Eh aabangan kita dito ha? Salamat din.
.Salamat kay J rules. Natagpuan kita sa wakas. at paano ko di makakalimutan ang patimpalak ng isang J.kulisap at kung bakit bigla kang nawala ay di ko alam.Nice to be back.
Akalain mo ‘yon. May kwenta na naman si JayRulez. Natatakot na ako Jay, anong kapalit nire? hahahaha. Salamat. Makipiyesta na po. 🙂
Kamusta na po kayo diyan?