KM3: Imbitasyon

Mga minamahal na Kablog,
 
Sumapit na naman ang panahon ng malayang kamalayan. Malugod kong ipinababatid ang timpalak para sayo upang ipagdiwang ang wikang Filipino para sa Pilipino. Nais kong ihambing sa mga kapistahan ng Pilipinas ang timpalak na ito. Kapag tayo’y naghahanda sa ating mga bahay, espesyal ang putahe at gayak upang malubos ang kaligayahan ng ating mga panauhin. Makulay at masigla ang pagdiriwang dahil likas sa ating mga Pilipino ang magsaya.
 

 

 
Tunay nga na tayo’y magiliw. Tara na’t makipiyesta. Tayo na’t ipagdiwang ang lipi ng lahing kayumanggi.
 
Sa mga naghintay, maraming salamat. Sa mga bagong papanhik, maligayang pagdating sa Kamalayang Malaya.
 
Kamalayang Malaya 3 na. Kainaman!
 
 J. Kulisap

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Kamalayang Malaya, Kulturang Pilipino, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

94 Responses to KM3: Imbitasyon

  1. sphereq says:

    Base!

  2. khanto says:

    antayin namin ang detalye😀

  3. Palomah says:

    Sali ako, bka dito umubra na ang mga “pang tanga lang” na akda ko… yey!

  4. Monik says:

    🙂 sana sumpungin ako ng mas matinding drama, matagal na kaseng walang laman utak ko.

  5. maharuth says:

    hmmm…mabuhay ka KULI…dahil dito binuhay mong muli ang aking kamalayan kung kaya nais kong ipahatid ang aking masaganang pagsuporta sa pamamagitan ng paglahok sa iyong patimpalak….magaling…magaling…

    akoh ba ito..tagalog na tagalog ako…hahahaha….makatang maharot…

    • J. Kulisap says:

      Toinks. Konti pa. makating maharot ka na. Lol.
      Maraming salamat Maha. Sabi ko nga, tila yata sumpa sa akin ang gawaing ito. Heto na naman ako’t kinikilig sa inyo.

      Nanabik ako sa mga pagkakataong tayo’y magkakaulayaw sa tambayan.

      Salamat sa iyong pagnanais na lumahok sa timpalak.🙂

  6. Kaysarap makakita ng mga ganitong klase ng patimpalak. Totoo, may puso, may sustansya.

    • J. Kulisap says:

      Mas masarap makitang makikibahagi ka dito Sir. Malinamnam ang putahe mo sa iyong bahay. Ngayon pa lamang salamat. Patikim kami ng handa mo.🙂

  7. bagotilyo says:

    nakatulog ako , pasensiya … hahaha

    ang ganda ng picture tay akin n lng :p

  8. gnehpalle02 says:

    lo huli mo na kong sinabihan… nagtatapo much. hmmpf!
    di ka man nagimbita na may bago ka na palang bahay… hmmmmmmppfffff!!

  9. gnehpalle02 says:

    lolo nagtatampo me much. may bago ka na palang bahay di ka man lang nagsabi.
    hmmmmmmmmmppppfffffff! di mo na ako love😦

    • J. Kulisap says:

      😄. Ako naman natutuwa much kasi, nakarating ka din dito sa wakas. Kainaman. Hindi mo kasi nakikita itong bahay ko kasi nasa gilid lang. Hahahaha.

      Love pa rin ng 1kilo lian. Hehehe

  10. eksayted naman ako dito.. lolo kuli…😀 perstaym kong sumali ip eber..😀

    • J. Kulisap says:

      Lol. Base ka para sa pang-alas singko ng hapon.

      Mads naalala mo pa ba si Cassandra, Rosario at Magdalena?

      Tnt.

      • madz says:

        atleast naka-base pa din😛

        hahaha mga babae ng KM2.. sino kayang papasahan nila ng korona?

        BTW, di ko masagot tanong mo, may deadline ga ‘iyon? Parang nung KM2 lang din, pahirap ka talaga kahit kelan! :))

        • J. Kulisap says:

          Hahaha. Meron Mads, Friday sana makuha ko na ang sagot mo. ‘Yaan mo na si Kuya Kuli eh.

          Sino kaya ang lilipatan ni Pongkie ng Korona, at sino na naman kaya ang mga sisikat na karakter ngayong KM3? Nakaka-excite ah.

  11. Rj de Lemos says:

    shitttt hayto na!mahahasa na naman ang mga utaj ng alipores mo!LOL

    ngayon pa lang eh..binabati na kita!

    hakhak!

  12. jhengpot says:

    yun oh! sumabay sa labor day!

  13. Bulakbol says:

    Ser, naalala ko una kong pag sali sa pakontes yung km2. Hehe.

  14. jela po says:

    sa aking pagsasaliksik kani kanina lang ay may natagpuan akong blog (http://nakahide04.blogspot.com). Yun po ang dahilan kung bakit ako nakarating dito. My Gudnez! mahirap man peru akin pong susubukan na mag bahagi sa aking mga nakatagong kaalaman sa literatura sa Filipino..

    Nosebleed ako dun .. heheh (✿◠‿◠)

  15. Leemi says:

    naghahanap ako ng details wala pa ba? ahahah atat laang!😀

  16. tabianmuch says:

    unang sabak ko sa pagsali yung kay ser bino…nakaka adik yung mga malalalim na tagalog kahit dinudugo na lahat ng lamang loob ko, kaya pa subok dito ser jay!? weeeee!🙂

    • J. Kulisap says:

      Maligayang pagdating Tabianmuch. Dito, palayain mo lamang ang iyong kamalayan at hayaan mong dalhin ka nito sa kung saan. Iyon ang iyong entry sa KM.

  17. katrinadanieles says:

    Waaaaah!;) palagi na lang akong huli mag submit ng entries kaya nahihiya na ako. Tapos parang mema lang entries ko.^^ mema-submit lang. Hahah. Pero i’ll try my very best like what i always do pag nagpapasa. Hihih!🙂

  18. WP says:

    KM3 na!!!! Wala ng urungan ito😀 Like ko yung togue sa itaas, kuli iwas sa munggo, mataas sa uric acid iyan hahaha.

  19. Bino says:

    ayun! nahanap ko din ang blog na to. anyway, tingnan natin kung makakasali. pwede ba? lol

  20. EssaPayoyo says:

    ANTAGAL NG MGA DETALYEEEEEEE

  21. Banjo says:

    Sa pagkakataong ito, susuporta na ko sayo dir jkul. kung sakali at loloobin, ito ang kaunahan kong paglahok sa patimpalak mo.
    🙂

  22. Gracie says:

    Sir, nadalaw kayo minsan sa bahay ko nung nagpasa ako ng akda ko para sa isang pakontes at isa yung karangalan sabi ko nga. Pero hindi ko natagpuan itong tirahan nyo. Salamat kay JayRulez kaya napadpad ako dito. Pwedeng makipyesta? Hehe.

  23. Kol me empi says:

    kailangan siguro ng mag muni muni o mag emo emohan para makagawa ng matinding kwento. LOL. Congrats in advance!

  24. limarx214 says:

    parang gusto kong lumahok dito sir jkulisap

  25. JH Alms says:

    isa na namang mainam antabayanan.. kainaman nga naman.. hehe

  26. MD says:

    Hindi ko makita yung comment ko? kainaman!

  27. musingan says:

    nyehehehe… andito na naman ang kamalayang malaya… nakakahiya man… pero gusto kong sumali ulit…. ano na nga pala nangyari boss sa domain mo… di po ba jkulisap.com yun… bakit parang iba ang lumalabas…

    • J. Kulisap says:

      Ay Sir pasenya naman po. Pakitanggal na ho sa blogroll ang jkulisap.com, hindi na po ako ang nagmamay-ari non. Dito na po tayo sa kainaman. Maaaring may gumagamit ng iba ng jkulisap.com. Maraming salamat sa pakikilahok at pakikibahagi sa Kamalayang Malaya.🙂

  28. L says:

    bulaga! kumusta, ser? matagal na ‘kong umaali-aligid sa crib mo, ayoko lang magpahalata. hehe.

    basahin ko muna maige mechanics bago ko pag-isipan kung sasama ako. baka pakyawin na naman ni ser duks eh. trololol!

    • J. Kulisap says:

      Nagulat ako! Nagulat ako. ‘Wag mo akong ginugulat ay. Lol. Kaya pala nakakaamoy ako ng titeng maugat L..umaaligid aligid ka dito. Lol

      Maraming salamat kung ikaw ay lalahok sa timpalak. Igagapos na natin si Duking para hindi na siya makapinsala.

  29. arvin says:

    abangan ko ito….

  30. Edong says:

    eto na ata yung inaantay kong push… hehe aabangan ko na ang mga sasali…🙂

  31. Mar | Unplog says:

    Gusto kong makipiyesta at makisaya… Unang panhik po dito!

  32. McRICH says:

    magandang araw ginoong jkulisap, lagi kong nakikita ang mga komento mo pero hindi ko mahagilap kung san ba talaga ang bahay mo🙂 buti na lang e nagawi ako kay jayrulez, alam kong isang madugong timpalak ito kaya good luck sa lahat ng sasali!!!

    • J. Kulisap says:

      Mainam kung sasali ka din McRich. Akalain mo ‘yown at may silbi pala yang si JayRulez, kala ko isa lang siyang alikabok. Hahaha. Salamat naman at nagawi ka sa lungga niya, nasundan mo tuloy ako.🙂

  33. eratika says:

    kahit bisi-bisihan akong tunay naaamoy ko ang mga nagaganap dito sa bahay mo at kahit tulog ako nanunuot sa aking kuyukot ang aromang hatid ng KM3, tengene magpapaiwan ba ko? hindi naman ako naghahangad na manalo (di ko naman nakukuha ang premyo ko eh waaah) ang nais ko lang ay makatalamitam ang mga magagaling na kalahok. isang karangalan jkul, lumapit lapit ka nga dine pakiss🙂

    ps.
    pakisuyo jkul paki-email mo naman ako

    • J. Kulisap says:

      Hindi mo pa ba nakukuha ang painting mo? Aba’y baka nanganak na iyon? Ikaw kasi masyado kang paano eh. Ilang kiss ba? May discount ka Era. Magkano pera mo?

      Salamat naman. Ano email mo Mam?

  34. boss salamat sa imbitasyon..
    sasali din po…99.98% pag sinipag

  35. Diamond R says:

    .Salamat kay J rules. Natagpuan kita sa wakas. at paano ko di makakalimutan ang patimpalak ng isang J.kulisap at kung bakit bigla kang nawala ay di ko alam.Nice to be back.

    • J. Kulisap says:

      Akalain mo ‘yon. May kwenta na naman si JayRulez. Natatakot na ako Jay, anong kapalit nire? hahahaha. Salamat. Makipiyesta na po.🙂

      Kamusta na po kayo diyan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s