Dugo sa Bawang

Ay putangna, andiyan na ang mga parak! Takboooooo! Mga putang-ina sila, ayan na naman.

Sumambulat ang mga paninda. May nagpulasan sa madilim na eskinita ng Luzon Avenue sa Tandang Sora. Alastres kinse ng hapon, tirik na tirik ang init ng araw. Bigla na lamang sumulpot ang truck na kulay asul ng MMDA.

Ang isa ay naitakbo ang panindang gulay, may isa namang sadyang isinambulat ang paninda para hindi mapulot ng napag-utusan. Mabilis na sinamsam ng mga taga- MMDA ang mga panindang mahawakan at pabalibag na ilalagay sa trak na umaandar.

Mga hayop kayong mga taga-gobyerno, gusto lamang naming maghanapbuhay, tinatanggal nyo pa sa amin ang karapatang ito. Matalim ang binitawang salita ni Ali.Kinapa niya sa tagiliran  ang kalibre .38. Ramdam niya..ito na.

Bawal ho, napakatigas ng ulo nyo, daanan ho ito. Hindi po dito pwedeng magtinda.

Ay putang-ina nyo pala, anong gusto nyo…mamatay ang pamilya namin sa gutom, magnakaw kami? Garalgal na tinig ng isang babaeng matanda, lupaypay ang balikat habang nakikipag-agawan ng panindang asin. Nahulog ang pugot na tabo na takalan. Pumatak ang luha sa asin ng matanda.

May isang dalagita na kumaripas ng takbo, iniwan ang panindang kamatis sa bilao. Napigtal ang tsinelas, natuklap ang kuko sa hinlalaki, nagmarka ang dugo sa semento na ginugulungan ng bawang, sibuyas, sitaw at natapong mantika mula sa kawali ng nagtitinda ng fishball at kikiam.

Tumapang na si Ali. Junior kung tawagin.Edad otso. Mabilis itong tumakbo at halos sumasabay sa umaandar na trak ng taga- MMDA. Pakyu! Pakyu! Mamatay na kayo.

Pakyu..pak..

Juniorrrrrrrrrrrr!

Hindi dugo ang paninda ni Junior. Bawang, sampu isang balot. Nagkulay pula ang bawang na hawak pa ni Junior.

Nanghilakbot si Ali Sr.

Putang ina nyo. Tangina nyo..tangina tangina.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

15 Responses to Dugo sa Bawang

  1. Mrs. SpongeBob says:

    Maikli ngunit maisasalarawan ang sakit ng lipunan.
    Ang KAHIRAPAN at Ang kakulangan ng maayos at sapat na pasilidad na kayang ibigay ng Gobyerno para sa mga maliliit
    at ordinaryong taong nais itawid ang kani-kanilang pamilya sa araw-araw na pangangailangan.🙂

  2. limarx214 says:

    Isang kwento lang pero kung susuriin isang katotohanang nangyayari sa paligid ng Kamaynilaan. Parehong may katwiran ang magkabilang panig ngunit ang piang-ugatan ay kahirapan. Mahirap talagang maging mahirap. Magandang araw J. Kulisap

  3. madz says:

    Sana lang hindi humahantong sa ganitong pangyayari ang paglutas sa problema sa ating bansa. Tsk. naalala ko tuloy yung pangyayari sa Silverio compound.😦

  4. JH Alms says:

    hindi ko alam kung nasagasaan, binaril, o pinukpok sa ulo si junior.. kaya olats talaga sa akin mga otoridad eh.. walang kontrol.. maikli pero malakas na sampal ang epekto sa mga MMDA..

  5. bagotilyo says:

    layp is ampeyr! alam mo yan .. hahhaahha

    kawawang junior T_T

  6. cheesecake says:

    hindi ko alam kung ano ang dapat isipin sa usaping ito. magkabilang side parehas may biktima. it’s more fun in the philippines.

  7. Christeen says:

    haist, parang estory lang nung pumunta kami sa devi – dumating ang mga police > mabilis na nag tago ng paninda ang mga nag bebenta > Tapios sambit ng aking lola “kakaawa naman sila kakaramput na nga lang kinikita” =(

  8. hello, kulisap,

    bruho, manong, kuya (o, sige na nga, young brother), ibabalita ko lang sa ‘yong sumali ako sa damuhan dot com pakontes at the urging of, no other than, bagotilyo the gwapo, ahaha. yon lang.

    cheers!🙂

  9. buhaylibro says:

    Brilliant writing medyo maiksi pero gusto ko yung plot, galing. Sana me part two. medyo kinilabutan ako sa climax J.

  10. Banjo says:

    Siguro nabangga si Junior o baka naman nadapa. Wala namang baril ang MMDA.

    Kaawa awa ang kalagayan ng ating kababayan, tsk lalo na ang matatanda na sana nasa bahay na lamang.

    Makatotohanang pangyayari..

    kahirapan ang ugat..

  11. Zen says:

    Kawawa naman si Ali.. Naku, ewan ko ba kung sino ang tama at mali dito, yung nagtitinda para lamang mairaos ang pamilya, pero sa maling lugar, o yung MMDA na ginagawa lamang ang kanyang trabaho. Ang ironic para sa akin..

  12. minsan din akong naging tindero ng asin..
    at ng squat sa bangketa, para maka benta

    at minsan naring nakakita ng pinatay sa mismong bangketa dahil
    sa kawalan ng disiplina ng mga nagtitindang tulad ko..
    at pagka abusado ng mga pulis tulad niya!!! (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa)

  13. jhengpot says:

    ang tindeh nito ah. bangis🙂 napresuure ako🙂 hehe. charot!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s