Olats ang aking Wika

Kayumanggi ang Wika

Ni: J. Kulisap

 

 

Wari’y mapanglaw ang wika

Doon sa  mga nanawa

Pinahimlay sa kuweba

Nang nilumot ang gunita

 

 

Tiyak yayabong ang wika

Doon sa mga namanata

Huwaran at halimbawa

Magpunla kanyang adhika

 

 

Marahil ligaw ang wika

‘Don sa kanluran ang dila

Panginoon ay banyaga

Kayumanggi’y dusa’t awa

 

 

Piho mararatay ang wika

‘Don sa may lasong sandata

Layon  igupo sa hina

Wikang taal ay mawala

 

 

Mamumulaklak ang wika

Doon sa mga nagtyaga

Magbungkal upang tumaba

Mamunga’y para sa madla

 Lumabas na ang resulta ng mga nagwagi sa timpalak na sinalihan ko noong nakaraang Pebrero. Ang tula sa itaas ang aking isinali na hindi pinalad na magwagi.

Lahat ng sumasali sa timpalak ang hangad ay magwagi pero dahil nga tunggalian may mas matatas at mahusay.

Huwag tayong matakot na matalo. May kaniya-kaniyang panahon sa bawat ninanais natin. Mapapayak na pangarap man hanggang sa pinakamatayog na ambisyon- magaganap kung patuloy tayong nangangarap.

Utay utay akong hahakbang sa aking minimithi. Kung magmamadali ako, baka matisod, kung magbabagal ako, baka mahuli naman ako’t wala akong madatnan. Maglakad nang may patutunguhan. Ganun din ang mensahe ng aking tula, kung pagyayamanin natin ang wikang taal, mababanaag ang kaliwanagan ng pagiging Pilipino natin. Ayon sa aking pinaniniwalaan.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

7 Responses to Olats ang aking Wika

  1. bagotilyo says:

    para sakin panalo n to.😀

    at akoy nag nosebleed sa iyong tagalog. heehe

  2. saktong-sakto itong pampalakas ng loob upang isakatuparan ang aking mga ninanais. Upang tanggalin ang pangamba at takot na aking nararamdaman. Salamat

  3. madz says:

    yown sumali ka pala sa contest.. kasunod ba niyan eh palanca? ituloy na natin ang karsada mo.🙂

  4. Banjo says:

    bagamat hindi ko nababasa ang lathala ng ibang kalahok sa patimpalak na iyong sinalihan, panalo ka na para sa akin. Ikikintal ng akda mong ito sa isipan ng makakabasa ang kahalagahan ng pag gamit ng sariling wika, pagpapakita lamang ito ng pagmamahal sa lahing pinag ugatan.

    maraming salamat dito sir jkul.

  5. buhaylibro says:

    Panalo to, sama mo na boto ko.”Utay utay akong hahakbang sa aking minimithi. Kung magmamadali ako, baka matisod, kung magbabagal ako, baka mahuli naman ako’t wala akong madatnan. Maglakad nang may patutunguhan.” Gusto ko yung mensahe nito, parang mala Bob ong na word of wisdom lang.

  6. Rj de Lemos says:

    aba’y tama.akala mo yun,sumali ka pala sa kontest…kumusta?

    magparikit ka dun sa labas,madaming tatal dun sa pinagsibakan.basa apa abuhan.

  7. JH Alms says:

    hindi pa tapos ang laban.. lintik lang ang walang ganti.. habang may buhay, may pag-asa.. ayos lang adre.. marami pang next time ika nga.. hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s