Purbahi Baya Marinduque!

Tag-araw nang muli. Saan ba ang lakad ng tropa?

Kung wala pa baka nais mong pasyalan ang Marinduque. Purbahi baya!

Puso daw ng ating bansa ang Marinduque, hugis puso kasi ang aming isla. Hindi ko na masyadong pababanguhin ang aming lalawigan pero bihira ang krimen dito. Hindi rin naman gaanong nagdarahop pero hindi rin naman mayamang- mayaman. Nabubuhay sa kapayakan ang mga tao. Iyon ang nais kong ilarawan sa aking lalawigan. Karamihan ay pagsasaka at pangingisda ang ikinabubuhay doon sa amin. Ang ilan naman ay tumawid dagat upang maghanapbuhay dito sa lungsod.

Wari ko, Moriones Festival ang maaalala mo kapag sinabing Marinduque, tama lamang dahil nagsimula itong ipagdiwang noon pang 1807 sa Mogpog. Ang orihinal na katawagan dito ay Moryonan. Takot ako dito noong bata pa ako. Aba’y hindi nagbabago ang mga nakadilat na mata tapos may hawak pang espada. Mas nakakatakot ‘yong moryon na bulag ang isang mata. Siya pala si Longinus, isang romanong sundalo at siyang bumibida kung bakit may Moriones Festival. Ang mga moryon at ang kanilang makukulay na kasuotan ay isang linggong masasaksihan sa kalsada ng Marinduque. Nag-iikot at nananakot. Parte marahil ng gawain nila ang manakot lalo na sa mga bata. Hindi lang ang Moriones Festival ang nasa mga libro natin. Nandiyan ang mga simbahan na itinayo pa mahigit apat na daang taon na. Pagpapatunay na kahit saang liblib na lugar sa Pilipinas ay nakarating ang Kristyanismo noon pa man.

 

Pero hindi lamang iyan ang pwede mong gawin sa Marinduque. Kung sa ganda din lamang ng baybayin namin, pwede mo nang ibilad ang iyong magandang katawan habang sumisipsip ng malamig na buko juice. Nandiyan ang White Beach at Tres Reyes. Kung adventurous ka, pwede mong pasukin ang mga kuweba gaya ng Bathala Cave na pinamumugaran ng mga ahas at iba pang nilalang. Nilalang talaga. May tour-guide naman kaya safe ka.

Kung gusto mong maramdaman ang aming pagkagiliw sa bisita, pwede mong maranasan ang Putong/Tubong. Ang putong ay isang rituwal na isinasagawa sa pagsalubong sa bisita, sinasabuyan ng mga bulaklak ang bagong dating at nilalagyan din ng korona habang umiindak-indak at umaawit ang nagsasagawa nito. Saan ka pa. Kung nais mo ring pakinggan ang tunog ng kalutang, pwede din. Ang kalutang naman ay isang panugtog na yari sa kawayan. Kakaiba ang tunog nito, tila ba kay lapit mo sa kalikasan, tila huni ng mga ibon ang musikang kayang iparinig ng kalutang.

Kung maglalaan ka naman ng oras at may budget ka talaga, namamayagpag ngayon ang Bellarocca Island Resort and Spa sa Marinduque. Puntahan mo na lamang ito at manabik, maglaway at maglaway ulit. Purbahi baya!

Purbahi Baya- Subukan mo in English Try It

Anim na bayan lamang ang meron sa Marinduque, kayang- kaya mong libutin kapag may panahon ka. Sa bawat bayan na iyan ay may malalasap kang kakaibang karanasan.

Sa bawat lugar na iyong papasyalan, isipin mo lagi na may mga taong naging maligaya dahil pumasyal ka.

 Paano makakarating sa Marinduque?

Pwedeng sa himpapawid, o sa karagatan. Zest Air ang eroplanong maghahatid sayo trenta y singko minutos lang nadon ka na o mga barko naman mula sa pantalan ng Dalahican papunta sa tatlong pantalan naman sa Marinduque, ang Balanacan Port sa Mogpog,Cawit Port sa Boac at Buyabod Port sa Santa Cruz. Araw-araw may byahe diyan.Tara na!

Gusto mo ikuwento ko sayo ang alamat ng Marinduque? Pigilan mo ako. Pigilan mo ako.Hahaba ito ng wagas na wagas. Pasyal ka ha?

It’s more fun in Marinduque. Purbahi baya!

 Sa google nanggaling ang mga imahe

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Kulturang Pilipino, Lakbay Pilipinas, Panitikang Pilipino and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

7 Responses to Purbahi Baya Marinduque!

  1. Kating-kating na ako maglayag. Pero lalo akong nangati dahil rito. Napakaganda ng Pilipinas

  2. cheesecake says:

    Purbahi Baya Libre ni JKu

  3. Hindi ko maintindihan. Anong ibig sabihin ng Purbahi Baya?

  4. bagotilyo says:

    summer na… wheeee..

    magkakkaron k n b ng bagong website tay?

  5. Banjo says:

    ngayon lamang ako muling nakapaglakbay sa mundong ito at ngayon ko lamang nakita ang lugar mo

    kumusta ka na sir jkul?

  6. Kaberkie…bukas na pala ang istambayan…eto na nagpaparamdam lang.

    Salamat sa travel tip sa Dumaguete…someday kasama ito sa pupuntahan ko.

    Musta na lang sa iyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s