Naghihintay

Muli inihatid ako ng aking damdaming aba sa kalawakan. Nasaan ka na? Dinudurog ang aking puso kapag umuukilkil sa aking balintataw ang ating nakaraan.

Sana, ikaw ay ganun din. Naaalala mo pa ba ang panahong ako at ikaw lamang ang mundo natin? Ito iyong panahong milya pa ang layo ng iyong pangarap, hindi mo pa natitikman ang pagkabigo, ang hirap at pagtitiis sa bawat hakbang ng araw na inilalagi mo sa mundong ito. Aking pinananabikan ang iyong pagbabalik. Ako na labis na umiibig, labis ang saya sa bawat tagumpay mo, at halos ikapanaw ng aking damdamin kapag ika’y nabibigo. Sa pagkadapa mo’y taimtim akong umuusal ng panalangin na, babangon ka. Hihintayin pa rin kita kahit na sa iyong pagbabalik ay pamamaalam na ng  pangarap ang iyong isasalubong na yakap.

 

 

Anak, ito lamang ang aking hiling, huwag mong hayaang lumamig ang nag-aalab mong pag-ibig, upang sa gayo’y manahin ito ng mga susunod sa iyong lahi.

 

Mas iniibig mo ako kaysa sa mahal kita.

 

-Pilipinas

 

 

Kung nakapagsasalita lamang ang ating bansa. Kung may boses lamang sana.

Aking napagtanto na ang tunay na kayamanan ng isang bansa ay wala sa likas nitong yaman kungdi nasa mga taong namumuhay doon. May pagkakataong mapapaisip tayo na sana hindi tayo Pilipino, dahil sa mga pangyayaring nagbubulid sa atin upang tayo’y maliitin ng iba gayong maraming dahilan upang ipagbunyi natin ang ating lahi. Hindi itinatanggi na tayo’y may kakulangan subalit kung ikaw, ako at sila ay sama-samang magtataguyod ng ating bansa…..masaya talaga sa Pilipinas. Hindi na kailangan ng slogan, mas angat tayo kung naniniwala ka na tayo’y TAYO.

Naghihintay ang ating bansa sa muling pagtibok ng ating mga puso para sa kaniya. Gaya ng isang ina na pagkatapos niyang maitas ang kaniyang anak at palayain upang saliksikin ang sariling landas. Kaligayahan niyang matanaw ang tagumpay ng kaniyang anak sa dapithapon ng kaniyang buhay. Ganun ang pakiwari ko sa pag-ibig ng Pilipinas sa kaniyang mga anak.

 

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Kulturang Pilipino, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

16 Responses to Naghihintay

  1. bagotilyo says:

    epic tay ..

    idol!!! who0o0o0….

  2. jobrobinson says:

    reblogged po🙂 nice kasi

  3. buhaylibro says:

    Finally nakita ko din site mo, nice, keep writing J. Now im following you officially. :p hahah

  4. WP says:

    Wow! yun lang, wala na akong masabi kasi sasabihan mo lang naman din akong tupperware hahaha. Kumusta na?

  5. cheesecake says:

    ang unang hakbang ay ang matuto muna tayong ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib habang tumutugtog ang lupang hinirang.

    bow.

  6. duking says:

    nami miss ko yung kulisap na interaktib. doon ko lang kasi siya pwedeng walwalin ng hindi halata. hahaha!

    muli, sobrang paghahayag ng pagiging malasakit sa damdaming panglipunan. mahusay!

  7. Nortehanon says:

    Ngunit sana’y malayo pa sa dapithapon ng kaniyang buhay ang Inang Pilipinas na patuloy na naghihintay.

    Magandang araw sa iyo, Ginoong Kulisap!

  8. Tama!! ang galing! Mahal ko ang bayan nating Pilipinas. mahal na mahal!.. kayo?..anyway Sir Kayumangging damdamin, alam niyo po ba yung Monologue na Pilipinas? Maganda din po yun..:)

  9. Rj de Lemos says:

    BOw!
    Abang pusong matindi ang malasakit sa hardin ng pasipiko!

    Sana panularan ng lahat!

  10. Christeen says:

    sana maging ispirasyon ng iba ang iyong mga salita😀

  11. limarx214 says:

    Malungkot ang blog entry na ‘to, tama ka nga parang isang sagutan sa nalathala kong ‘sugat’. Maiksi lang pero may diin.
    Taga Bulacan nga pala ako sir jkulisap. Bumisita lang sa iyong tahanan

  12. tadongdaniel says:

    naaalala ko rito ‘yung kanta ng Agaw Agimat na Sabi nila.

    Ito’y nararamdaman at hindi napag-aaralan
    Ito’y walang kinikilalang edad kailanman

    ang galing niyo po talaga.

  13. galeng naman neto ser J. pwede po ba kayo mag-guest post sa blog ko?😀
    ok lang kung di pwede, i will understand…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s