Sa Isla ng Pananabik at Pananawa

Puka Beach Boracay Aklan Pilipinas

Ilang beses na rin namang akong nakatapak sa buhanginan ng Panay, hindi madalas pero nakarating na. Lagi akong sabik at wala akong kasawaang nagsasaya kapag may pagkakataon. Ayaw kong gumayak upang umuwi na,sana…o kaya nama’y bago ako umahon kailangan makalangoy muna ako nang paulit-ulit sa dagat hanggang sa ako’y mapagod at magbanlaw.

Kahali-halina ang Boracay na matatagpuan sa isla ng Panay sa kabisayaan. Sa maputi at malamig na buhangin sa dalampasigan, mararamdaman mo ang kapayapaan gayundin kung ano ang iyong kaugnayan sa kapaligiran. Sa masasarap na pagkain sa nagagandahang mga hotels at resorts sa pampang, hindi mo mararamdaman ang pagkagutom at kahirapan. Sa mga makukulay na vinta na nag-aanyaya ng kagalakan at kasiyahan, walang puwang ang kalungkutan. Sa mga banyagang sabik na nagtatampisaw at nagtatala ng magagandang alaala gamit ang makabagong teknolohiya, maiguguhit ang pitumpong libo at isang kuwento o higit pa na mayroon sa Pilipinas na wala sa kanila.

Nandon ka pa’y nagpaplano ka na ng pagbabalik. Isang pagpapatunay iyan na tunay mong naibigan ang isang lugar sa Pilipinas.

Huwag mo nang intindihin kung may nananawa sa kabila ng kagandahan at kasiyahang ibinibigay ng isang lugar. Ang mga nananawang ito ay yaong sibol sa kanilang kinalakihan na nais namang matanaw ang kagandahan ng Roxas Boulevard, kung gaano kaganda ang pasyalan sa Maynila o matikman manlamang ang lasa ng ice cream. Kapag nabilad ka sa pagsagwan, ang nais mo’y makalasap man lamang ng hangin mula sa isang air-conditioned room na sa tuwina’y ang iyong kostumer lamang ang nakararanas. Pinapaganda mo ang iyong kostumer pero hindi mo alam ang kung ano ang hitsura ng totoong maganda, dahil ang totoo, kumikilos ka kahit na may pananawa.Nasusuka ka na, gusto mong kumawala sa nakasanayan sa isla ng pananabik at pananawa.

Sa kabila ng pananabik ay nanganganak ang pananawa, gayong kapag nananawa’y gagawa ka naman ng kapapanabikan.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Lakbay Pilipinas, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy, Uncategorized and tagged , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

9 Responses to Sa Isla ng Pananabik at Pananawa

  1. Bagotilyo says:

    pangarap kong makapunta jan tay😀

    Ang tao nga naman mahirap tlga maunawaan …

  2. Yvarro says:

    huhuhu… kuya kulisap!!😦 inggit ako buti ka pa.. naka bisita na sa bora.. alam mo bang sa sobrang abala ko.. hindi na ako gaanung nakaka alis ng bahay.. kapag off naman mas madalas natutulog na lang ako kesa maglamyerda.. maswerte pa nga ung ibang nakakadaan sa roxas blvd kesa sa kin..

    at alam mo bang hindi ko nagamit yung voucher na premyo sa pakontes ni saranggola date?.. haiz.. sa sobrang busy ko last year… huhuhu..😦

  3. Nortehanon says:

    Awwww……nagtampisaw ka ba nitong huli sa Bora at hinayaang hagkan ng maputing buhangin ang iyong mga paa? hehehe

    Sapagkat ang tao ay mananatiling sala sa init, sala sa lamig😀

  4. MD says:

    Waaah, nakita kita!

  5. cheesecake says:

    KAINAMAN DIN CAPSLOCK ON

  6. buhaylibro says:

    At pupunta kami dito ng KASINTAHAN ko sa Disyembre. Paki quote ang KASINTAHAN na term hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s