Bulaklak ng Liwliwa

Sa buwan ng Pebrero, nais kong ibahagi ang ilang sabong ng buhay na nagkaroon ng ugnayan sa akin at kung paanong ang kanilang mga salita at alaala ay nagsisilbing mitsa upang tahakin ko ang daang hinahanap ko talaga. May kasiguruhan, na sa darating na pag-usbong ng buko ng sabong, ay may panibago na namang halimuyak na magpapatingkad sa aking bango kung meron man, at ngayon pa lamang, bukas palad kong tinatanggap at ituturing na karangalan.

Sa pagpapatuloy, habang binabasa ko ang PUSOD ni Domingo G. Landicho, nagkaroon ng munting dalit ang umaandap-andap na ningas upang may maibahagi man lamang ako dito.

Francis J. Kong– marahil ang ilan o karamihan sa mapapadpad dito ay kilala na si Francis Kong. May programa sa radyo, manunulat at isang inspirational speaker. Isa siya sa taong nakilala ko na walang sayang na salita, lahat ng sasabihin niya, hahabulin mo, pakikinggan mo dahil isa siyang epektibong tagahikayat at tagapagsalita. Sa kakadaldal niya sa unahan, kumikita siya ng malaking halaga. Naisip ko lamang, kung lahat ng tao ay may kakayahan ng gaya ni Kong, aba, hindi masama ang dumaldal. Kuhang kuha niya ang kiliti ng mga tagapakinig at aalis ka sa silid na maaalala mo siya dahil sa iniwan niyang mga kataga. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kaniya, bisitahin ang franciskong.com.

Alice– Buhat nang mahalin ako ni OMG, nagpursige akong tanggalin siya sa sistema ng buhay ko, dahil hindi mabuti ang kaniyang dulot sa aking kalusugan. Pasalamat pa din ako dahil kung hindi naman siya dumating, hindi ko naman maiisipang magbanat-banat ng buto-buto. Tuwing umaga ng Sabado at Linggo ay pinagsusumikapan kong tumakbo at dito ko nakilala ang aking running coach na si Alice. Talo pa niya si Rio sa higpit. Dati may kasama akong tumakbo pero sa panaginip na lamang daw siya tatakbo, kaya madalas akong mag-isa, pero minsan sumusunod naman siya, ayon mataba pa rin siya hanggang ngayon. Napansin naman niya na lumalaki na ang mga muscles ko, lalo na ang muscle sa mata, kakatingin ng magandang tanawin. Hehehehe. Mabalik tayo kay Alice, 56 years old na siya pero mahihiya ang mga dalaga sa kaniyang tindig at porma. Palibhasa likas sa kaniya ang bumati kahit hindi niya kilala, isa ako sa biktima niya ng Good morning. Parang umuusok na kape sa umaga ang good morning kapag sa ibang tao mo ‘yan narinig. Sa ikalawang ikot ko, sinusundan niya pala ako…at don na nagsimula ang magandang pagtitinginan namin Ate Charo. Nagpapagulong gulong na kami sa damo. Joke lang. Huwag mo sana itong mabasa Alice. Bago siyang kaibigan. Naghahanapan kami sa FB hanggang ngayon..nakahide siya, ganun din ako…eh di hide and seek ang drama rama eh. Tinanong ko siya, na karamihan sa mga ka-edad niya, dapat ballroom dancing ang kinahiligan, ito sagot niya. Ano palagay mo sa akin, matrona? Tawang tawa ako dahil sa hinuha daw niya ako ay nasa kasagsagan ng kabagsikan. Siya lamang din naman ang nagtitext sa akin ng “Gago” at siya lamang din naman ang nag-utos sa akin na magnakaw ng papaya doon sa taniman malapit sa tinatakbuhan namin. Oo, at nagpauto ako Ate Charo. Nagtext siya, “Kulot, salamat sa papaya mo, manamis-namis sa tinola. Tugudong. Noong linggo, nagtext siya ulit sa akin, ito sabi…” may bago akong nakilala, mas bata siya sa akin, ayaw kong sabihing matanda ako sa kaniya, parang hindi ko matanggap, baka madepress ako Kulot..Hahahahahaha. Kainamang Alice, lumalandi pa. Salamat Alice, kasi pinagtatyagaan mo akong turuan ng tamang pagtakbo, pero ang totoo, mas natututo ako sa buhay mo. Parang ang gaan na ng lahat sa buhay mo. Ito ang gustong gusto ko sa sinabi niya. “ Huwag mong hintaying may kasama ka sa pagtakbo, matuto kang tumakbo na ikaw lamang at walang iba.”

Mel- katalikuran ko lamang itong kumpare kong ito pero bihira kaming magpalitan ng kuro-kuro. Masayahin pero sakitin. Puro tawanan kapag siya na ang bumitaw pero deep inside pare..deep inside talaga? Bitbit niya ang problema na marahil problema din natin. Pamilya, pangarap, pagkabigo, kalungkutan at kung anu-ano pa. Isang araw nagising na lamang kami sa katre ng mga pangarap Tita Mel. Salamat Mel, ang turan ko. Bakit ikaw ang nagpapasalamat Jkul, ako dapat, nakakahiya man, mas matanda ako sayo pero ikaw ang nagbigay ng pag-asa sa aking mangarap na muli. Juskupuruddeeeeeee…kainaman.
Hindi pera ang ibinigay ko subalit yong palakasin ko ang loob niya na kaya pa niyang bumawi aba naman sapat na ‘yon. Ayosdito.ph, sulit.com mga bossing.

Seona– kung may maaalala ako sa taong ito, iyon ay ang kaniyang inaalok na Crispy Pata sa isang motel. Pagbigyan ko lang daw siya, siya na ang magbabayad. Awan baga naman at nakakilala ako ng mga babaeng matapat at matapang na magsasabi ng nais kahit alam kong pabiro lamang ang lahat. Game na game naman ako na sasagutin siya, maiksi lamang ang akin, baka hindi ka maligayahan…sasagot naman siya..hindi bale, basta mahaba ang dila..pwede na ‘yan. Hagalpakan lamang kami tuwing tanghalian. Siya din ang nagpauso na ang kaniya daw mga suso ay may sariling buhay, naglalakad daw sa gabi, at istorbo minsan sa kaniyang dinaraanan. Hahahaha. Ang inam mo Seona. Kaninang umaga, magpapaalam ka lamang naman, yong malagim pa..yong ang paglisan mo sa mundo ay masakit, mas masakit dahil bumangga ang sinasakyan mong dyip sa trak na iyong ikinasawi. Ilan kayong nakasakay sa dyip, pero ikaw ang nag-iisang nagpaalam. Magpakabait ka diyan sa pupuntahan mo, at ireserba mo ang crispy pata na ating magiging pulutan. Baka naman magtext ka kaagad na ako ang isunod..wak muna..wak..mga 10 seconds pwede? Salamat kaibigang Seona, nalagas man ang talulot ng iyong bulaklak, mananatili ang bango mo dito sa puso ko. Liwliwa…liwliwa Seona.

Mga salitang Iloko

Liwliwa– aliw/magsaya/kasiyahan
Sabong– bulaklak

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kulturang Pilipino, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

6 Responses to Bulaklak ng Liwliwa

  1. bagotilyo says:

    mix emotion ako dito sa post mo n to tay .. siguro dahil dun kay seona . hehe

    ibat ibang tao , ibat ibang persona – lahat sila dumaan at tumambay sa ating buhay ng may dahilan.

    natutuwa ako kay alice😀

  2. RWynn says:

    Hi! Narinig ko na rin mag-talk si Francis Kong. Magaling talaga siya! Parang may kakaiba siyang charisma. Mahusay siya magsalita, at agree ako sa sinabi mo na, “lahat ng sasabihin niya, hahabulin mo”.🙂

  3. madz says:

    parang gusto kong makilala si ma’am alice, kailangan ko rin ng running coach :)))) oi yung sinasabi ko sa’yo, singit mo sa sched mo ha! Magpapahabol tayo sa mga zombies ^_^

    Hindi ko pa naririnig mag-talk si sir Francis pero sa description mo parang katulad siya ni Bo Sanchez. hehe wala lang. Yun madalas namin panoorin ng ate ko ngayon. Try mo din!

    Seona, alam ko masaya ka na dyan sa taas. Wag mo kalimutan takutin este silipin paminsan-minsan ‘tong si kuli ha!

    May dumadating, may umaalis, may nag-iiwan ng bakas, may nananatili… hay buhay!

  4. Si Mel, parang may naalala ako sa kanya minsan mo nang naikwento. Di ko alam kung kung siya ba talaga yun basta naalala ko sya dahil sa sulit.com.ph at ayusdito.com.ph.

    Saan bang motel yang may Crispy Pata na yan? hahaha at nang magamit ko rin itong mahaba kung dila na araw-araw kung pinapraktis ng Lulu. hahaha

    Yung running coach mo mukhang pangmatindihan rin ano? Kababaeng tao mahilig sa papaya. Nagustuhan ko yung sinabi nya na “ Huwag mong hintaying may kasama ka sa pagtakbo, matuto kang tumakbo na ikaw lamang at walang iba.” Sanay rin kasi ako tumakbong mag-isa eh.

    At saang planeta ako galing di ko kilala si Kong?

    Sa kabuuan mukhang mamumukadkad nga ang mga mahahalimuyak na bulaklak kahit panahon na ng tag-init ngayon.

  5. Nortehanon says:

    Ang sosi naman ni Ginoong Kuli, may running coach hehehehe

  6. kainaman ka kuya…. sabi mo sasabihin mo sakin pagbumalik ka na…. grabe ang tagal na pla nito…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s