Junkshop sa Utak

Haluyhoy sa gabing madilim

Uha sa bagong umagang darating

Tilaok sa pagsapit ng takipsilim

Silahis ng araw na magiting

 

Lakad, takbo sa pagtahak

Bulag ma’y di kilala ang lubak

Makita lamang ang hinahanap

Kahit mabakli pa ang pakpak

 

Tuyo na ang damo, tigang na ang lupa

Uhaw na ang ibon, kati na ang sapa

Ang sanit na, bigla na lamang bumaha

May alaalang, inianod na sa gunita.

 

Mutaing pusa, bulag na matanda

May pulubing ngawa nang ngawa

Sa palasyong kariton ng basura

May umuungol sa masarap na ligaya.

 021712825am

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

9 Responses to Junkshop sa Utak

  1. Sa bawat pagbigkas ng mga labi, wari’y parang isang musmos na nakikiliti.
    At nais kong makita, yung kariton ng basura.

    Mabuhay ka Sir. KAINAMAN

  2. bagotilyo says:

    kainaman. wala akong ibang masabi kasi sabaw ang utak ko ngayon.

    natuwa ako sa number at letter sa dulo.

    kala ko BBM id mo tay eh :p

    hindi pla lels.

  3. isang lalaking gulong gulo ang diwa at isip

    hindi malaman kung saan pipihit, tatayo, sisilip

    sa pahinang ito kapalaran siya ay dinala

    muling nanumbalik isang ala ala

    hindi ba’t ika’y minsan nang naka daupang palad?

    ngunit biglang nawala, tila ika’y hinagad!

    narito ka lang pala, aba’y bagong tahanan!

    ang dati mong palasyo bakit mo nilisan?

    sana ay sa akin iyong maikuwento

    dahilan ng iyong biglang paglaho

  4. Mukhang madaming nagpapakompuni dyan sa Junkshop mo ah.

    Nakalimutan diligan ang mga damo, nakalimutan lagyan ng tubig ang patubigan ng ibon at hindi nambunan ang lupa dahil nagpapasarap pa sa kariton ang nangangalaga.

    kainaman tatayaan ko sa Lotto yang kombinasyon ng numero para kapag nanalo ako bibili ako ng medyas na tatak LV. hahaha

  5. jay says:

    wala akong masabi! hahaha

    makakoment lang!

  6. duking says:

    gusto ko ‘tong tulang ‘to. marami kasing naipintang larawan kahit payak na payak lang kagaya ng mutaing pusa.

    mainstream na ulit ang blog mo,jkul. leche lang sa takdang pagtatago.hahaha!

  7. Sphereq says:

    🙂 wala akong masabi…

  8. WP says:

    Hi hinihingal ako hindi ako maka catch up, sunod sunod ang poste hahahaha. Wala akong naintindihan kakain na lang ako ng jankpoods!

  9. BEKANG says:

    Unang pagdalaw sa iyong tahanan. Tuwa ang aking naramdaman.
    Malinis ang bawat salitang binitawan. Muli akong babalik sa iyong tahanan..😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s