Naghuhumindig

Kapag bumira ang pag-ibig

Walang kinikilalang oras at panahon

May napapabuti meron ding napapasama

Meron nagiging bulag at bingi

Merong nakakalakad at meron ding namamatay

May umiibig na nagtatagal ng isang oras

Meron ding iniwan na lamang sa apat na

sulok ng malamlam na gabi. Paalam, hanggang diyan ka lamang

Kapag umiibig, kahit angkin na ng iba, ‘yon pa rin ang nais

ng puso. Mayrong iniibig, subalit, mansuka-suka sa pag-ayaw

At merong nagpapaibig, na mansuka-sukang ipagduldulan.

May nag-iisang umiibig sa mahabang panahon hanggang sa ikapanaw na ng oras, ikaluoy na ng dahon at maglaho na ang alaala. May nag-uukit ng ngalan sa puno, sa buhanginan. May nagtatago ng alaala, pinapandaw sa oras na sinasariwa ang mga araw

Na puno ng tumitilamsik na ligaya at umaapaw na sandali ng pagsasalo.

May mundong ang pag-ibig ay iba sa pag-ibig mo, sa pag-ibig ko. May pag-ibig

Na sakim, mapagbigay, malaya, maharot. May hatid na musikang ikaw

Lamang ang nakakaunawa, may mga galaw na tanging puso mo lamang

Ang magsasabi ng, ITO NA YON…salamat naman. Sino ka na nga ba? Salamat sa pag-ibig mo….gago.

Merong pag-ibig na inilaan para sayo, hindi dahil lalake ka, o dahil babae ka.

Ano ba ang pag-ibig na hinahanap mo?

Yong nililipad sa hangin papunta doon sa marikit na dilag? Yong pag-ibig na bulgar papalapit sa lalaking hubad? Yaong pag-ibig sa marami pero wala kang kalibugang hanap? Iba-iba.

Kung gagawa ka ng mundo at ako ang kasama mo, patubuin mo ang pag-ibig sa positibo at negatibong pataba para mabuhay ako. Kung nais mo akong kasama, pwede sa tagiliran, patalikod, paharap, parisukat, parihaba, buwang, tamis…kindat. Anong posisyon ba ng pag-ibig ang hanap? Sagot…sagot…minsan sa katahimikan lang ‘yan. Nandon ‘yon.

Ayon o….nandiyan ka lang pala. Pagod na ako sa kaka-antay.Tara na. Maglakbay na tayo pag-ibig. Pasalamat ka, marunong akong mag-antay.

Para sa naghuhumindig na pag-ibig hindi dahil balentayms….dahil sa payak mong pag-ibig.Para sayo ‘to.

Asan na? Bahala ka. 5 minutes lang ‘to.

 Huwag kang iibig dahil sinabi lamang sayo o nabasa mo, umibig ka dahil gusto mo. Dahil masaya ka.

At huwag kang susunod sa sinasabi ko dahil baka mas tama ka.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kulturang Pilipino, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

12 Responses to Naghuhumindig

  1. bagotilyo says:

    nakanang . talaga nga naman ang pusong nagmamahal, umaapaw sa mga damdamin at salita.

    eh di ikaw na ang inspired. hehe

    ipakilala mo sakin ang iyong iniibig ah..

    happy balentayms tay🙂

  2. Monik says:

    ‎”Huwag kang susunod sa sinasabi ko dahil baka mas tama ka.”

    Salamat dito lolo. Susundin ko ang puso ko. Pero wala syang laman ngayon. LOL

  3. chevybo says:

    kaya pala di kita mahanap kuya bebe ko.. nandito ka na pala sa wordpress! hehehe. kamusta na kuya? namiss kita, namiss ko dito.

    kahit na anong klaseng pag-ibig pa yan, kung ikaw ang iibigin tiyak kong magiging mabunga ang pagsasamahan. Gusto ko yung sinabi mo na, “Kung gagawa ka ng mundo at ako ang kasama mo, patubuin mo ang pag-ibig sa positibo at negatibong pataba para mabuhay ako.” through thick and thin ika nga. Ingat lage kuya! =)

  4. shyvixen says:

    “Huwag kang iibig dahil sinabi lamang sayo o nabasa mo, umibig ka dahil gusto mo. Dahil masaya ka.”

    okie fayn!….. fayn!… pede bang next year nalang… hehehehehe…:p

  5. May Pag-ibig na nag-aalay ng pabahay.

  6. aninipot says:

    sabi ko nman sayo may papakilala ako sayo. hahaha! takbo! ayokong makurot. hehehe

  7. jay says:

    kumakaringking ka na ngayon?

    lumalandi?

    tumitibok.?

    paandarin na yang kinakalawang na puso.

  8. WP says:

    Anakanangteteng bakit ganito ang usapan dito LOL. Huwel, sobrang makapangyarihan talaga ang pag ibig, kaya nitong paikutin ang mundo mo ng patiwarik hanggang sa magkahilo-hilo ka hahaha. Hoy! Binabati kita sa nalalapit na araw ng mga puso😀

  9. Nortehanon says:

    “Asan na? Bahala ka. 5 minutes lang ‘to.”>>>> So, may taning pala ang naghuhumindig na pag-ibig? hehehe

    Kala mo, di kita masusundan dito ha bwahahahaha🙂

  10. Esmina says:

    AgUy!!! LoLo!!! AkO pA anG piNahaNap mO diTo sa kUwebA mO?!!! AnuNg aKalA mo?… MaDaLi kAng MakaKatAgO sa mGa SosyALaNgaWz kO?..!!! aY KaLuOy aH?…

    wEh nUh nGaYon kUng BeLEmtAyMiS naH?..

  11. Lagalag says:

    minsan may nabasa ako sa isang text.
    ang buhay pag-ibig nya daw eh parang coke. ZERO.🙂 gandang araw Mang Kulisap.

  12. hello, kulisap!

    may nag-aalok ng pag-ibig na nagmamadali habang nakatayo sa may kanto, sa ilalim ng lamlam ng buwan. hanap raw ay payak sapagkat pagal na ang katawan. nangangarap pa rin naman ng pag-ibig na itinanim at inalagaan… ngunit higit sa lahat, naaliw ako roon sa “Salamat sa pag-ibig mo… gago!”

    five minutes na pag-ibig, anyone? yon baga? but you’re too young for that, kapatid, haha. love grows, that’s for sure…😉 maligayang tag-araw!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s