Kalawanging Harana

Pebrero na pala. Kay daling malagas ng mga araw. Masyado tayong abala sa kani-kaniyang buhay. Dahil kinikilalang buwan ng mga puso at magsing-irog ang Pebrero, magbalik tanaw tayo sa estilo ng panliligaw ng ating mga ninuno.

Ngayon kung uso na ang isang text na ganito: “ Available ka ba? Nangangati ako, pwedeng magpakamot sa likod hindi ko kasi abot? “, balikan lamang natin ‘yong nagdaang panahon.

Sabi ng isang sumikat na awitin ng Eheads

Send “Harana” Ringtone to your Cell

Uso pa ba ang harana?

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba ‘tong mukhang gago?

Nagkakandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba

Sige tuloy mo lang yan…ganda nama ng boses mo eh. Ikaw lang nakakarinig. Lol

Sigurado ka ba Jkul, Eheads kumanta niyan? Parang si Chito Miranda ng Slapshock?

Oo sure na ako, Parokya ni Edgar, yong kasabayan nila Pepe Smith. Toinks. O baka, problemahin mo pa, search mo sa google. Pwede, hindi…oo…tao ba ‘to? Ambot.

Ang harana pala ayon sa aking mga magulang na nakaranas nito ay hindi basta lamang paghahandog ng awit sa nililiyag. Kailangang gamitin din ang matalas na pakiramdam at bilis ng pag-iisip upang makasagot ang manliligaw sa ibinabatong awit ng isang marikit na dalaga. Kapag naibigan at natalo mo ang babaeng nililigawan sa batuhan ng mga nagpapaligsahang wika, may malaki kang pag-asa na mapasagot mo ang iyong nililiyag.

Babaeng Marikit:

Mahal na prinsipe kita’y bubugtungan

Bugtong ko sa iyo, sandali mong turan

Mabilang mo lamang ang patak ng ulan

Mula sa silangan hanggang kanluran

Lalakeng Makisig

Mahal na prinsesa kung iyon po lamang

Pagbilang ng patak ng ulan,

pagatali-talisik ng patak ng ulan

Simula kanluran hanggang silangan

Husto mandin, walang kakulangan

Babaeng Marikit:

May nais ka palang pumitas ng rosal

Bakit ‘di ka pumitas ng kapanahunan

Ngayon ka pa pipitas lagas na sa tangkay

Buko man ay wala at nasa ibang kamay

Napraning ‘yong lalake, nasupalpal..di makasagot, eepal naman si babae ng ganito

Babaeng Marikit:

Ano sasagot ka pa? Wala ka pala eh, panis ka boy.

Lalakeng Makisig:

Chill ka lang girl. Kunyari patalinghaga ka. Epic fail nemen.😄. Alam mo ba XD? Nakita ko na kaya ang hapislip mo. Hahahaha.

Nagbabago ang panahon, usong-uso ang pick-up line ngayon. Modernong balagtasan na parang harana. Nagpapatunay lamang ito na tayong mga Pilipino ay likas na mangingibig. Mangingibig daw oh…..Booooom!

Sampol nga ng pick-up lines diyan. Yong orihinal ah. Subukan mo kaya ang pick-up lines ng mga jejemon friends natin.

Hindi tayo basta basta pagdating sa larangang ito.

Ipaliwanag kung ano ang hapislip.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Kulturang Pilipino, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

19 Responses to Kalawanging Harana

  1. madz says:

    script mo ba yan kuya nung nanliligaw ka? hahahaha
    Ayus ah, parang balagtasan ang istilo, effort din si girl infairness.

    Nalimutan ko na kuya yung mga banat quotes ko, balikan ko na lang kapag may kapalitan na.

    hapislip- pang ilalim ‘to sa palda di ga? yung manipis na kulay mocha at minsan may lace sa laylayan?

    At pumatol talaga ko sa tanong na hapislip. :)) Magandang umaga kuya. ^_^

  2. uso pa nga ba ang harana ngaun kahit sa dako paroon…kung meron pang ganito nais ko itong maranasan man lang…..dahil ang alam ko ngayon ang uso ay instant nanay kana sa panahon ngayon kahit wala kang asawa….dahil ngayon ang panahon ay nagsisimula na sa TXTMATE>EYEBALL>CHUKCHAKAN NA>ANAK NA>TAPOS BABAY NA…😦 saklap……meron ding
    TXTMATE>EYEBALL>RAPE>PATAY….

    san ka pa……

  3. Sabi ng kaibigan ko patungkol sa buwan ng mga puso “Sana gaya ng new year may chinese valentines din, hindi pa kasi ako ready sa 14”.

    Nung nakaraang taon hinarana ko yung espesyal na tao sa buhay ko tuwing pagkauwi ko galing sa trabaho. Kaso pinagtatawanan ako kasi nambubulahaw lang daw ako. hahaha

    Hapislip “kalahating tulog?”

    Lalaki: Kahoy ka ba?
    Babae: Bakit? Dahil gusto mo akong sibakin?
    Lalaki: Kasi paa mo maugat! Boom!

    Lalaki: Baril ka ba?
    Babae: Hindi, bakit?
    Lalaki: Patira naman, isang putok lang!

  4. jay says:

    sa amin na lang ata uso ang harana…

  5. bagotilyo says:

    haha astig parang fliptop battle lang (tama ba spelling ko?)

    ano ang hapislip? sana makatulog ako kahit hindi ko alam kung ano to. lels

  6. Monik says:

    Lolo, Pedicab ka ba? PEDICABang mahalin? kase Tamaraw ka daw, Kase… TAMARAW na mahalin ka namin. 😀

  7. shyvixen says:

    hapislip… iyan ung…. iyan ung… iyan ung….. hanak ng tinapa.. nasa dulo na ng dila ko…..haitz…:))

    Malapit na pala ang Balentayms day… TNT!

  8. jay says:

    hapislip ung kulay puti pang ilalim sa paldang may hiwa sa likod hahaha.marami nyan aking ina,at natatandaan ko sinukat ko yan noong grade 1 ako kaso sa ulo ko inilagay.ninja!LOL

  9. Monik says:

    De! Hapislip yung kalahati lang yung tulog mo. (Half sleep)

  10. kuya mao says:

    Ang hapislip ay ang masayang guhit.🙂
    Parang slit ata ‘yun…
    Sagutin mo nga boss J.Kul ‘yung tanong mo… At pakitang gilas ka na din sa mga pick-up lines mo.🙂

  11. duking says:

    ang hapislip ay ang kalahating bahagi ng payslip kung saan nakalagay ang gross income mo at ang kabaligataran naman ay ang sadislip kung saan ito naman ang kalahati ng payslip mo kung saan nakalagay lahat ng deduction sa pamumuno ng Tax.

    pick up line ba kamo?

    duks: kulisap yelo ka ba?
    jkul: bakit naman?
    duks: v1.0 sarap mo kasing pagsasaksakin ng ice pick
    v1.1 sarap mong kasing ipukpok sa pader eh
    v1.2: naiinip kasi akong matunaw ka at mawala na lang sa paningin ko!

    dito ka lang pala nagsusuot. kadungis na bahay. hahaha!

  12. kaye says:

    ang hapislip ay yung pangilalim na manipis na palda. tama si madz, merong lace. kung nagsusuot ka nun, ibang klase ang trip mo🙂

    tungkol sa kanta ng eheads na kanta pala ni chito ng slapshock, ang totoo, yan ay kantang sinulat ng isang atenistang seminarista. kinanta na yan saken ng ex ko nung kolehiyo (maryosep napaka-ancient na nung panahong yun) kaya nagulat ako nang marinig ko siya sa radyo isang araw. nirecord na pala ng PNE.

    ang alam ko nga, ang harana ay sagutan ng awit. marahil, magagaling nga hindi lang sa pagawit, kundi sa pagtula rin ang mga ninuno natin.

  13. WP says:

    Bakit may hapslip? hahaha Wala ng lugar sa panahon ngayon ang hapislip lalo na ang harana pero mas mainam kung mamumulat ang mga kabataan sa mga kaugaliang pinoy na ito. Ang hapislip isinusuot iyan para hindi maaninag ang suot mong basketball shorts ahihihi

  14. chevybo says:

    bigla tuloy akong nagbalik-tanaw dahil sa posteng ito kuya. naalala ko yung ka isa-isang babae na aking hinarana. ni hindi ko nga sukat akalain na magagawa ko yun, kahit na punong-puno ako ng lakas ng loob sa pag plaplano. ngayon, kahit na ulitin ko yun, malamang arinolang may ihi na ang ipangsagot niya sa akin.

    hapislip – dun ako kay haring “du” wala ako ma-isip eh. hahaha

    pick up line: (nabasa ko lang ‘to sa net, share ko lang, patok kasi sa’ken)

    PL1:

    boi: ikaw ba yung nambato?
    gurl: ha? bakit?
    boi: tinamaan kasi ako sa’yo eh..

    hahaha

    PL2:

    boi: sabi nila MMDA ka daw?
    gurl: ha? bakit?
    boi” Mahal Mo Daw Ako…

    wala na.. hahaha

    PL3: (ito sa’ken na galing, )

    boi: miss, ampupula naman ng mga pisngi mo para kang tahong.
    gurl: ha? hindi ba dapat, cherry or strawberry? bakit naman tahong?
    boi: mukha ka kasing may RED-tide!!! bwahahaha
    gurl: buset!!!

    PL4: (lulubus-lubusin ko na, sa’ken ulit)

    gurl: hon, kung magiging prutas ako. anong prutas ako para sa’yo?
    boi: para sa’ken, isa kang kamote!!
    gurl: naks naman, ba’t naman kamote?
    boi: mukha ka kasing lamang lupa!!! hahaha

    the end. =p

  15. ako unang nag-like😀
    so what? hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s