Kailangan ko ng Putang Ina

Iba’t ibang katawagan sa malutong na PUTANG INA, at dahil sa salitang  “ina “ ito kinuha, maaaring manganak ang putang ina, mula dito sa Luzon, Visayas at hanggang sa Mindanao.

Tangna!

Tengeneng yan!

P.I.!

Bwakanangina!

Pukenangina!

Ukininam!

Buray ni ina mo!

De puta ka itim iroy!

Yudeputa!

Ang mga anak ng putang ina. Kilalanin natin.

Ulol, ungas, gago, hayop, hudas, pucha, tanga, tarantado, hudiyo, syet, pakshet at iba pa.

Pisting Yawa!

Paano naman ito ginagamit sa pangungusap o bilang pangsahog sa malutong at mainit na ekspresyon nating mga Pilipino? Iniisip ko tuloy, sa isang araw kaya, ilang libo/milyong putang-ina kaya ang kumakawala sa bibig ng mga alagad ni Juan Dela Cruz? Kung sakali lamang na magsama-sama ang alingawngaw nito, kasinglakas kaya ng pagsabog ng isang bomba ang katumbas ng PUTANG INA? Boooooom! Patay, hahahhaahha. Pisting Yawa uy.

Magbigay tayo ng halimbawa.

Tengeneneng buhay yan oh!

P.I. ka men!

Pukenangina!!!, tumama sa lotto si Kardong Utot, ang yaman na ng hayop!

Ay tangna! Ang ganda ng tsiks ni Clark. Hanep. Tulo laway sa inggit.

Hindi ako ma-iimpeach, mga bwakanangina kayo! Buhahahahaha.

Putang ina! Ang sarap!!!. ( Hindi ko alam kung ano ang masarap, baka ice cream o halu-halo). Sabagay malapit na ang tag-init.

Yudeputa. Ang manok no napierde.

Buray ni ina mo! Namumuot ka sakuya?

Ukininam, kailan kaya ako makakatakas dito sa Veterans? Pakshet ka my student.

Ano ba ang nais kong ipabatid? Sa dami ng pwede kong isulat, ito pa ang umukilkil sa kapiraso kong utak. Tanggapin man natin o hindi, ito ang reyalidad, may nagmumura. Kahit nga ang bata na nagsisimula pa lamang bumigkas ng mga salita, kinalulugdan (minsan) nating matatanda kapag nagsabi sila ng bulol na putang ina. Cute kasi, cute dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. Nakadepende kung paano mo gagamitin ang salitang putang ina. Balikan ang mga halimbawa sa itaas. May nagsasabi ng putang ina pero walang ibig sabihin, nakasanayan na kumbaga. Pang-araw araw na. Kasama sa hangin, hanggang sa maiutot ang putang ina.

Bakit mas naging palasak ang putang ina at hindi putang ama? Kung papausuhin natin. Subukan nga

Bwakanang ama

Titi ng ama

Burat ni ama mo

Putang ama mo!

Parang walang dating, walang sense, walang lutong.

Dumaan ako sa estadong ito na lagi akong nagmumura hanggang sa paunti-unting nawala. Ginagamit ko pa rin pero “pang-espesyal “na pagkakataon na lamang. Halimbawa na kailangan ko sa isang sulatin upang maipalabas ko ang reyalidad at maipadama ko ang tindi ng isang tagpo.Kailangan ko ng putang ina. May tulong sa aspetong iyon, depende nga sa layunin ng paggamit nito.

Hindi mo ilalabas ang putang ina ng walang dahilan. Bagama’t binalaan tayo na ito ay masama, isa na itong salita na magtatagal sa hangin ng Pilipinas.

Hanggang ngayon, hinahanap ko ang kagandahan ng putang ina.

Taknidamo! Paningalte!

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

20 Responses to Kailangan ko ng Putang Ina

  1. sam says:

    $#7@49!4@^%)6# ! – bakit nga ba kailangan magmura? bakit d na lng magmahal? hehehe..alam nating d maganda yang salita na yan (well, sa aking palagay yan ang pinakamabigat sa lahat)…pero ako, nasasabi ko pa rin paminsan-minsan..these were the occasions na nahalukay ang sobrang galit ko sa tao (tlgang nag-explain, hehe)..well, sana d na masundan, d pa rin kc excuse un pra mkapagmura..

  2. Mabuhay ka JKUL sa iyong pagbabalik…akala mo hinde ko mahahanap ang iyong BLOG…wahahahhaa….bwakana makananay……sa iyong sinulat ay talaga naman ako ay nakarelate…sa kadahilanang kabakla kong tao nagmumura ako..wahahaha…pero ito lamang ay aking nakasanayan lamang gamitin pero di naman maya’t maya…pag ako’y nagagalak lamang…
    MABUHAY KA KULI….sa IYONG MULING PAGBABALIk……hayaan mo

    BUKAS LULUHOD ANG MGA TALA….wakana makananay…..

  3. metaporista says:

    Noong highschool ako lahat ina ay pinapalitan namin ng ama.. Logically wala kasing Puta na Ama pero pwede ito sa Ina.. Kaya pag nagputang ama ka, malamang kasinungalinan ang sinasabi mo at hindi iyon valid. Kaya imbes na magalit ang sasabihan nito ay matatawa lang.. Pero pag sinabi mong Putan*g ina, magagalit yun tiyak. Pag ama siguro mas maganda kung gamitan ng Tamad, Manggagamit, Manghahalay, Manggagantso, Mamboboso, Manyak, Under, Supot, ang ilagay sa unahan para maging malakas ang dating at para may magalit sayo. hehehe

  4. kaye says:

    kaya p*tang*** kasi parang noon pa ata e mas maraming mga nagp*p*tang babae. pero bakit nga ba ina? di ba pwedeng babae o lalaki na lang, not necessarily ama o ina? o kaya p*tang tao na lang para walang gender discrimination. haha! nagulo ko ba lalo ang usapan?

    Welkembek!

  5. Leemi says:

    nak ng tipaklong, puro ganyang salita agad ang una kong nabasa sa’yo mula ng naglaog ka sa kung saan. Kamusta ‘lo? long time no see. buti bumalik ka na.

  6. EssaPayoyo says:

    AHAHAHAHAHA! Finally, nahanap din kitaaa!

  7. bagotilyo says:

    P*T*N* IN*

    hindi mo sinabi saking nagbalik ka na tay… hahaha

    ayos sa olrayt. %@##3$$$&

  8. Putangina.. sa wakas, kung hindi pa ko nagresearch….hindi ko matatagpuan tong bago mong bahay.

  9. PaQ says:

    PUCHA! Kala ko hindi ko mahahanap eh.. hahaha! Welkambak boss!😀

  10. shyvixen says:

    UKINAM!!!!…. bakit ngayon ko lang ito nakita.. BAKERO!!! muling nagbabalik ang alamat BOSSING…

  11. madz says:

    marami na palang nakadiscover ng bahay mo… letch, sana nag-antay na lang ako ng source.. buhahahahahaha welcome back kuya😀

    anu bang icocomment ko pang iba dito???hmmm langya ka matagal ka na palang nagsimula Disyembre pa! LOL

    Sobrang OT ng comment ko. hohohoho

  12. byahengalabang says:

    Ay Putang Ina ang ganda dito.Mapapadalas ako dito.

  13. Sphere says:

    HAHAHAHAHA KALA MO HA!!!!

    DI PA AKO NAKAPAGMURA NG GANYAN :))

    KM3 NA!!!!!

    QB NA!!!!

  14. WP says:

    Tarantadu!!! (since uso namang magmura) ahihihi.

    Hi Kulisap😀

  15. jay says:

    oh diba nahanap din kita sa tulong ni madelyn hahaha..walang hiya!pucha!haha

    welcome back!!!

  16. Monik says:

    Lo, Natuto akong magmura noong mga panahong depress ako. At ang masaklap kapos parin sya minsan para gamitin. Pakamatay pwede. Basta ang alam ko
    “Hindi sapat ang salitang PUTANG INA para ipaliwanag ang nararamdaman ko.” -Ahem!

  17. eratika says:

    Putangna ka jkul buhay ka pa pala! Saang putahan ka ba naglim-lim at wala ka man lang paramdam!

  18. eratika says:

    magparamdam ka kulisap sasampalin kita ng suso eh!

  19. JH Alms says:

    putang-inang tadhana nga naman o.. akalain mong dahil sa ayoko na magbasa ng libro, at least, nadagdagan mo ‘yung mga blog na trip na trip kong basahin pag sinipag akong magbasa.. hehehe.. ganda nito adre..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s