Bad Trip

Ang daming pampasira ng buhay natin sa araw-araw.

Simulan natin sa bahay mismo,kulang ang budget para sa gastusin sa araw-araw,nawalan pa ng trabaho si Mister,buntis na naman si Misis,ayaw nang pumasok sa paaralan ang anak,gutom ang sikumura,pagod ang isip. Badtrip naman

Pakinggan natin ang tsismis ng kapitbahay,si kumpare babae si kumare,nabuntis ang dalagita,nagkakalat ng tae si Tagpi sa daanan,nagsiga ng basura si kapitbahay,kakasampay pa lamang ng mga damit. Alak ang kape ng mga tambay. Bad trip naman.

Sakay tayo sa biyahe ng buhay,grabe naman itong si Manong Drayber,sa sobrang bagal,mali-late na ako sa trabaho,suwapang sa pasahero,ang lakas pa ng anghit ng katabi ko,ito naman si Ate,feeling maganda talaga,hinahampas-hampas ako ng buhok sa mukha,oo na,alam ko ang shampoo mo,Downy isang banlaw. Bad trip naman.

Ooppps,59 seconds na lamang,late na talaga,nakakainis na araw ito. Dumating si opismeyt,namamaga ang mata,iniwan na naman siya ng kaniyang boyfriend,maganda naman,mabait,masiyahin,ano kayang kulang sa kaniya. ‘Yong katabi ko sa kaliwa,ang aga pa,inuutangan na naman ako,kakasahod pa lamang ah. Ito namang si Boss,wala nang ginawa kungdi utusan ako,ayaw ko na sa trabahong ito. Bad trip naman.

Hindi ako tinext  ni bhebhebhe ko,aniv namin ngayon. Bad trip naman

Sisid tayo nang mas malalim. Grabe naman ang ating mga pinuno,kung makakamal ng salapi ng bayan,parang wala nang bukas. Matatalino naman pero parang nasayang ang mga pangaral ng kanilang mga mabubuting magulang. Busog kasi lagi ang mga tiyan,kaya gutom ang mga isip at manhid ang utak para makaramdam sa buhay ng mga karaniwang mamamayan. Bad trip naman.

Eh,ikaw…hindi ba bad trip sayo ang iyong kapuwa?

May solusyon diyan,pagkagising sa umaga,magpasalamat,banatin ang mga buto,ngumiti,kausapin ang sarili ng ganito.

Ngayong araw na ito,dapat mamayani sa akin ang kasiyahan. Maayos ang araw na ito.

Mahal kita sarili ko.

Makapangyarihan ang pagkokondisyon sa ating sarili. Maniwala ka.

Maidagdag ko na rin,tumae ka sa umaga,ang sarap ng feeling. Kain ka ng gulay para madaling ilabas ang dumi sa katawan,hawa-hawa na ‘yan. Gagaan ang araw mo.

I love you. :) Yon ‘yon. Nakana din!

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Bad Trip

  1. bagotilyo says:

    oo kakain ako ng gulay para magaan ang kinabukasan ..hahaha

    bad trip pag di natae bago umalis ng bahay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s