Palawan

Luzon, Visayas at Mindanao, tatlong pulo na bumubuo sa ating bansa, sa mga pulong iyan, matatagpuan ang mga tanyag na pasyalan sa Pilipinas. Mga natatanging tanawin, bundok, dagat,halaman o hayop man, meron at meron tayong pwedeng ipagmalaki sa buong mundo. Sa Luzon, ilan na ang napuntahan mo, ganun din sa Visayas at Mindanao. Panandalian o pangmatagalan, tila nagbibigay ng bagong pag-asa at kaligayahan ang hatid ng mga isla sa Pilipinas.

Bagama’t napuntahan ko na ang ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao, kulang pa rin ang aking karanasan upang masabi ko kung gaano tayo kapalad na nagkaroon ng ganito kagandang likas na yaman na dinarayo din ng mga ibang lahi.

Ang Batanes, Ilocos, Sagada, Benguet, Davao, Cebu, Bicol, Mindoro, Romblon  at Palawan, ay  mga lugar kung saan nagluksong-tinik na ang aking isip sa ganda ng mga tanawin at pihadong iduduyan ako ng aking karanasan dahil sa pagkahalina. Gusto mong sumama sa akin? Tara!

Summer na naman, tiyak na may plano na ang ilan sa inyo para pumasyal. Saan ba ang lakad ng tropa?

Maligayang pagdating/ Maligayang pagdating

Sino ka man/ saan ka man nanggaling,

Malugod naming tatanggapin- Kanta ng mga Palawenos sa  kanilang bisita

Kung isa kang litratista, hindi mo  kailangang gumamit ng mga kakaibang teknik para makaptyur ang kahali-halinang ganda ng mga lugar sa Palawan. Bibigyan ka ng isang larawan na likas ang ganda. Eportles.

Ilang libong turista sa iba’t ibang panig ng mundo ang dumarayo dito, ganun din ang mga kababayan natin, nariyan ang Coron, El Nido at Amanpulo upang ipaghele ang napagal mong katawan.Ang mga halaman, ibon at hayop na aakitin ka upang saglit na kalimutan ang mga alalahanin sa buhay. Palau-ye!

Buhay ang turismo sa Palawan, umuunlad ang Palawan. Kasabay ng pag-unlad  ng dunong, kasabay din ng pag-usbong ng mga plano para mas lumaki ang kita, kapag malaki ang kita ng isang lugar, tiyak na tuloy-tuloy ang pag-unlad. Walang masama, nais natin ng pag-unlad.

Balikan ang larawan sa itaas. Hindi ba’t talagang may kakaibang ganda ang likas na yaman ng Palau-ye?

Mararanasan pa kaya nating maglunoy sa malinaw na tubig ng kanilang karagatan, ang libutin ang mga kuweba at makita ang mga katutubong halaman at hayop sa Palawan kung nagbabanta ang tuluyang pagkawasak nito dahil sa pagmimina?

Isa ng kasaysayan si Doktor Gerry Ortega, brodkaster at environmentalist na tumutuligsa sa pagmimina sa Palawan. Binaril siya noong Enero 24, 2011 sa Puerto Princesa. Nagbuwis siya ng buhay para sa kaniyang ipinaglalaban. Bakit kailangan pa ng pagmimina kung ang likas na yaman na nagbibigay ng bilyong salapi sa Palawan ay sapat na para mabuhay ang mga taga-Palawan? Ganid at pangsariling interes ng mga negosyante/mamumuhunan lamang ang nakikita kung dahilan para maipagpatuloy ito.

Hindi natin itatanggi na ang pagmimina ay nagbibigay din ng pagkakakitaan sa mga taga-rito, pero hindi rin natin kayang itanggi na ang pagkasira ng kapaligiran ay dulot din ng walang habas ng pagmimina. Buhay o panandaliang ginhawa dulot ng salapi?

Kung pamilyar ka sa Marcopper Mining sa Marinduque, balikan at tingnan kung ano ang naging dulot ng pagmimina doon, balikan mo sa sementeryo ang mga namatay, at languyan mo ang tuyong ilog na dinaluyan ng tailings, tanungin mo kung may pinagsasakahan pa ang mga magsasaka?

Papayag ka ba na ang Palawan ay isa na lamang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas?

May magagawa ka mahal ko. Maki-EPALawan!

Kumakalap tayo ng sampung milyong boto/signature upang pigilan ang pagmimina sa Palawan.

Maaari bang hingin ko ang tulong mo? Salamat.

Puntahan

http://no2mininginpalawan.com

Huwag kang mahiyang ipamahagi sa iba pa. Mahal natin ang Pilipinas.

Muli kong ibinabahagi ang akdang ito para sa ating bansa lalong lalo na sa mga Palaweños

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Panitikang Pilipino and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s