Himig Natin

Katulad ng isang sanggol na gutom sa gatas ng ina,

katulad ng kabiyak na nanabik sa mga suyo at bulong ng walang kamatayang pag-ibig.

Katulad ng isang bulaklak, tadhana’y mamukadkad, malalanta, magiging lupa

 

Sa bawat butil, mayroong tutubo at mayroon namang mabubulok

Sa bawat bagong himig at tunog, mayroong malulugmok,

Sa bawat  bagong alok, dating paraiso’y,  alamat na lamang ang inog.

 

Kung magbubuhay ka ng alaala, buksan ang pinto ng puso

Diligan mo ng himig,sumisigaw ng pakikibaka, bulong na umaasa,

Para sayo, para sa iyong punla, ilang taon pa, siya na.

 

Darating ang bagong umaga, hindi sigurado

Pero hindi bale na, ang mahalaga…sumubok ka

Susubok ka, pwede ba?

Sa pamamayagpag ni Justin Beiber at Taylor Swift pati na rin K-Pop, paano pa natin bubuhayin ang sariling atin? Mga awiting hindi lamang sumisigaw upang mabingi ka subalit naghahatid ng mensahe ng pagiging makabayan. Katulad ko, baka isa ka ring malnourished sa pagiging makabayan.

Kung makikinig ka at yayakapin mo ang sariling atin, hindi nito masasagot ang pagkagutom ng ating kababayan subalit tumutulong ka namang bumuo ng isang pangarap na tayong mga Pilipino din naman ang makikinabang.

Habang ako’y pinupunla ng aking mga magulang, maaaring ang mga awitin nila Mike Hanopol, Heber Bartolome o ng bandang Juan Dela Cruz ang kanilang pinakikinggan. Marunong na akong maglakad sa sariling kong paa, mga awitin naman nila Lolita at Sampaguita ang naririnig ng aking isip. Ang mga awit ni Gary Granada, Florante at Noel Cabangon, hindi man kami magkakilala subalit naging malapit ang aming mga puso.

Ang mga mang-aawit na ito’y tatanda at lilipas din, malilimutan subalit ang kanilang mga iiwanang awitin ang  siyang magbubunsod sa  akin upang hindi ko makalimutang Pilipino ako. Kung saan ako itataboy ng hangin, hindi ko alam pero ang paraisong hatid ng aking bayang sinilangan, dungisan man ng aking kapuwa o ng dayuhan, yayakapin ko…yayakapin ko.

Walang iba kungdi tayo rin. Kung inaaliw ka ng mga tunog ng dayuhan, subukan mo ding mahalin ang sariling atin. Ngayon pa lamang, salamat.

“Tulad ng ibon, malaya ang pag-ibig natin”- Himig ng Pag-ibig, Lolita/Asin

Ang akdang ito ay napili bilang Finalist sa PBA 2011 sa Filipiniana Category. Ang orihinal na akda ay nanggaling sa jkulisap.com

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Himig Natin

  1. tadongdaniel says:

    “Ang himig natin
    ang inyong awitin
    upang tayo’y magsama-sama
    sa langit ng pag-asa”

    ang sarap!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s