Ang Latin ni Kang Erneo

Kibot,kibot

Umulan,umulkot

Mapuno ng grasya

Umulan ng espada

Diyan ka na tumira!

 

Ang latin o bulong ni Kang Erneo ay madalas pa ring sumasagi sa isip ko hanggang ngayon kahit na nandito na ako sa siyudad lalo na kapag tag-ulan.Dito sa Maynila kasi ang mga pamahiin at ilang paniniwala ay malabnaw nang tinatanggap ng karamihan.

 

Pagpipigil sa ulan ang bulong na itinuro niya sa akin. Kapag umitim na ang kalawakan,itinuro niya sa aking banggitin ang mga kataga. Umusal na ako’t aprubado daw iyon. Madaling naniwala ang bata kong isip sa tila mamahika at makapangyarihang turo ni Kang Erneo. Ang sabi pa niya,ang iba pang latin na nakasulat sa papel ay kaniyang kinain kaya naman kaya niyang tumalon sa bubong ng bahay mula sa lupa. Hindi pa uso noon ang “Weh?” kaya di ko siya nasupla. Basta ako namamangha sa kaniya.

 

Pero bakit kaya hinayaan ng kaniyang mga anak na mag-isang mamuhay si Kang Erneo? Wala kaya siyang bulong o latin na magpapaigting sa pagmamahal ng mga anak sa kaniya?

 

Ang huli kong balita ay nasilab ang kaniyang dampa. Kasama siyang naabo doon sa dampa kung saan niya ako tinuruang umusal. Kung saan pinaniwala niya ako na ang kapangyarihan ng salita ay walang hangganan,dahil kahit ang ulan na talagang darating ay kaya kong patigilin dahil ako ay naniniwala. Ako ay naniniwala sa kaniya.

 

At ang kapangyarihan mo’y papaniwalain ako na walang hangganan ang kapangyarihan.

Lagi kang nasa aking alaala Kang Erneo.

 

May natutupok, may nababaon pero kapag nananalaytay na muli ang kagustuhang maniwala, hindi mapipigilan ang pag-usbong. Hinding hindi.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Panitikang Pilipino and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s