Sa Bawat Pintig

Natutuyong pitak ng sakahan sa tumana, nag-aalburutong bulkan, nagliligalig na lindol. Sumisirkong basura sa anyong-tubig, tunog ng dinamita, maitim na usok sa pabrika. Gabundok na basurang palasyo ng mga langaw at hardin ng mga ipis.

Paslit na gutom sa gatas ng ina, manong na nag-aalumpihit sa ubo, babaeng iisa na lamang ang suso. Si Adan ay si Eba. Kabataang humihithit ng kemikal papunta sa utak, nasusunog sa araw na pulis trapiko.Babaeng may sunong ng kakanin, uhaw na uhaw na karpintero.Batang pumapasok sa eskuwela, tapak, nanlilimahid, kupas at tagpi ang uniporme, walang baon. Barya sa pitaka, kaning-tutong sa kaldero, apat na bata, pinagsasaluhan ang karampot na lugaw sa hapag, hinahalo ang bituka ng nagugutom na kuya.Nagpaubaya.

Anak na bumibilang ng salipawpaw na lumalampas sa kawalan, naghihintay, nag-aabang. Ama na nakikipag-usap sa ibang lahi, mas madalas ang senyas kaysa sa buka ng bibig, nanay na nag-iiwi ng ibang sanggol, naghuhugas ng puwet ng ibang magulang, nagtuturo ng aralin sa ibang bata. Ang pagmamasid sa baybayin ng dalampasigan ang malungkot na musikang nagpapabalik sa mga naiwan. Luha na tinutuyo sa mga halik ng kasuyo, hamog sa umaga, patak ng ulan sa dahon.

Napigtal na kuwerdas ng gitara, kupas na larawan, sirang sapatos, paulit-ulit na kasuotan, sobrang pagkain sa hapag, sinayang na oras. Walang diploma, naubos na puhunan, nasayang na panahon. Nagnonobena sa altar na dumudugo ang tuhod.

Sumisigaw ng kulang, bumabatikos sa makasarili, wagayway ng bandila. Lihim na pakikibaka.

At may isang inosenteng ngiti na sumilay mula sa espesyal na bata.

Tagpong pwedeng magpabago sa nakagawian na, mahigit isang milyong dahilan para umusad, ipagpasalamat ang halaga ng buhay, umiikot, nagbabago hangga’t isinasabuhay sa sarili ang pag-asa.

Kung kakapain sa puso ang pagbabago, mas higit pa sa isang milyong buhay ang kahulugan ng ating paglalayag sa mundo ng hindi tayo maliligaw. Mas mapalad kaysa sa iba ang taong nakapagpapabago ng takbo ng tadhana.

Tumingin ka lamang, pakinggan mo ang pintig ng iyong puso. Bangon na pag-asa.

J. Kulisap

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s