Malaya

DAHIL MALAYA KA

Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

Liriko ni Jose Corazon de Jesus
sa himig ni Constancio de Guzman

Malayaka na nga bansang Pilipinas, sa kamay ng mga mapang-aping dayuhan. Ito ang ating mithiin bilang mamamayan ng Pilipinas. Sa dugong bumulwak sa ugat ng mga kayumangging bayani, nagkaroon tayo ng bansang maaaring angkinin at ipagmalaki. Higit pa diyan naging malaya tayo bilang tao o lipi. Dahil malaya ka na;

  • Malaya ka nang abutin ang iyong pangarap, gamitin sa wasto upang mas higit na umunlad.
  • Malaya ka nang pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng iyong lipi.
  • Malaya ka nang iparamdam ang pag-ibig sa iyong sarili, sa kapuwa at sa bayan
  • Malaya ka nang libutin ang Pilipinas at ipagmalaki ito sa buong mundo.
  • Malaya ka nang igalang ang mga nakatatanda, kabataan o ano pa mang kasarian at katayuan sa buhay ng iyong kapuwa.
  • Malaya ka nang sumunod sa batas at alituntuning ipinatutupad ng ating bansa
  • Malaya ka nang magbayad ng buwis ng tama
  • Malaya ka nang makipag-ugnayan sa Maykapal
  • Malaya ka nang magsalita ng wikang Pilipino
  • Malaya ka nang mangalaga sa kalikasan na pinagkukunan natin ng ikabubuhay.

Malaya ka nang maging malaya sa paraang nais mong maging malaya.

Ito ay orihinal na isinulat sa kayumanggingdamdamin.i.ph bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Kalayaan sa ating bansa tuwing sumasapit ang buwan ng Hunyo

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

4 Responses to Malaya

  1. JH Alms says:

    malaya ang pilipinas.. parang aso.. malayang nagpapa-ikot-ikot sa loob ng kanyang kulungan.. minsan, may tali sa leeg ‘pag pinapa-dogwalk ng “amo”.. minsan, malaya din namang nakakapaglaro ng “bola” sa bakuran.. minsan mabantot.. minsan, mabango, ‘pag bagong ligo.. minsan, hanggang “kahol” lang.. minsan, nang-aamoy ng ari ng ibang “aso”.. hehehe

  2. duking says:

    malaya kang paulit ulit na i repost ang artikulong ito sa parehong paraan na malaya rin akong punahin ang ganitong paulit -ulit ng paulit ulit.

    hahahaha! salamat sa malayang araw na ito, naging malaya akong husgahan ng may malayang pananaw at kaisipan ang lahat ng tinig. kulisap, huwag kang mainip.

  3. ser J, nilipat mo na ba lahat dito yung laman ng kayumanggingdamdamin.ph at jkulisap.com?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s