Ang Mata

Ang pagpaparangal o pagkilala sa isang natatanging indibidwal ay may pinaghuhugutang dahilan, minsan ang sakit, poot, pagdadalamhati o paghihirap ay nagiging daan upang mapaigting ang pagkilala at maiangat ang antas ng uri niya sa lipunang kaniyang ginagalawan.

Ang mata sa salitang Sanskrit matrika o mata ng taga India ay katumbas ng salitang nanay o ina sa ating mga Pilipino. Ang ating mata ay may kakayahan upang tayo ay makakita, ang ina naman ay siyang nagiging instrumento ng isang tao upang masilayan niya ang mundo.Pero bago pa natin maimulat ang ating sarili sa liwanag, ginamit muna natin ang ating ina bilang “mata”. Kapag may isinusubo tayong ipot ng butiki, ang ina ang siyang aagaw, hindi dahil siya ang susubo ng ipot kundi para maiiwas tayo sa posibleng pagkakasakit.
Hangga’t hindi pa natin kayang tumayo sa sarili nating mga paa, ang ating ina ay nagsisilbing mata, “ Anak hindi pwede yan, ito ang gawin mo”- alam niya kung tayo ay mapapabuti o mapapahamak dahil siya ay mata, mata natin sa pag-unlad habang hinuhubog natin ang ating pagkatao.

Lahat ng nilalang ay may kakayahang maging ina, ang pagiging ina ay walang kasariang hinihingi subalit walang makakapantay sa isang inang nagdadalantao,nagluluwal nagpapasuso at magiging “alalay” ng anak habang buhay. Ang paghihirap na daranasin ng kaniyang anak ay dobleng pasakit sa kaniya, ang kaligayahang tatamasain ng kaniyang anak ay mag-aakyat sa kaniya sa walang kapantay na langit, sapagkat siya ay INA.

Ako ay labis na nalulungkot kapag nakikita kong ang ating mga kabataan ay nagkukulang na sa pagmamahal sa kanilang mga ina o magulang. Habang nandiyan pa ang “ mata “ kong aking turingan, huwag sana tayong maging mapagmataas at mapag-imbot dahil ang buhay ay hindi na kasing pareho kapag tuluyan ng naglaho ang kaniyang paningin. Sinisiguro ko sayong mangangapa ka sa simula. Hihintayin mo pa bang mapanglaw?

Nagkukunwaring ina, gumaganap bilang ina, nangangarap maging ina at para sa lahat ng INA sa puso, sa isip, sa salita at sa gawa. Maligayang Araw ng mga INA.

Para kay Kang Ine, walang hanggang pasasalamat at pagmamahal mula kay J. Kulisap.

Para sa mga INA na nakapaligid sa akin, salamat dahil nauunawaan ko ang kahulugan ninyo dito sa mundo.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Panitikang Pilipino, Titik Pinoy. Bookmark the permalink.

One Response to Ang Mata

  1. biagAkunada says:

    napapanahon.. anumang araw o buwan, laging napapanahon ang pagpupugay sa mga dakilan ‘ina’.. ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s