Ang Daing ni Inang P.

Muli inihatid ako ng aking damdaming aba sa kalawakan. Nasaan ka na? Dinudurog ang aking puso kapag umuukilkil sa aking balintataw ang ating nakaraan. Sana, ikaw ay ganun din. Naaalala mo pa ba ang panahong ako at ikaw lamang ang mundo natin? Ito iyong panahong milya pa ang layo ng iyong pangarap, hindi mo pa natitikman ang pagkabigo, ang hirap at pagtitiis sa bawat hakbang ng araw na inilalagi mo sa mundong ito.

 Aking pinananabikan ang iyong pagbabalik, ako na labis na umiibig, labis ang saya sa bawat tagumpay mo, at halos ikapanaw ng aking damdamin kapag ika’y nabibigo. Sa pagkadapa mo’y taimtim akong umuusal ng panalanging, babangon ka. Hihintayin pa rin kita kahit na sa iyong pagbabalik ay pamamaalam na ng pangarap ang iyong isasalubong na yakap.

Anak, ito lamang ang aking hiling, huwag mong hayaang lumamig ang nag-aalab mong pag-ibig, upang sa gayo’y manahin ito ng mga susunod sa iyong lahi. Mas iniibig mo ako kaysa sa mahal kita. -Pilipinas

Kung nakapagsasalita lamang ang ating bansa. Kung may boses lamang sana.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s