Alipin ng Buwan

Alipin ng Buwan

nina: J.Kulisap at Salome Laonglaan

 

Sa bawat sandaling siya’y kaulayaw

Ano ba’t lungkot ay hindi dumalaw?

Ako’y nangangarap na hindi umaraw

Nang sa liwanag ng buwan tuloy ang tampisaw.

 

 

Taglay ay hiwaga at luwalhating tunay

Dala nitong buwan, liwanag habambuhay

Bagama’t umusbong, kapagdaka’y tumamlay

Alaala ng pagsintang minsan ay sumilay.

 

 

Muling susulyap ang buwan ng pagsinta

Hintayin mo lamang ang makisig na binata

Muli kang itatakas upang maidambana

Pag-ibig yaring wagas iyong madarama.

 

 

Pagbilog ng buwan aking hinihintay

Sidhi ng pag-ibig sa iyo ay ibibigay

Alimpuyong damdamin ang aking alay

Iyong pagmamahal ito ay aking buhay.

 

 

Saksi ang bituin sa maalab na halik

Nagsisilbing awit huni ng ibo’t kuliglig

Kapagdaka’y napatda, araw ay sumilip

Magwawakas na ba ang alay mong pag-ibig?

 

 

O aking giliw ating hilingin

Alimpuyo ng hangin ating supilin

Silakbo ng puso ng ama’y payapain

Ako’y maghihintay pagsapit ng takip-silim.

 

 

Kahit anong unos hindi kayang suwayin

Pag-ibig na sa puso’y pilit itinanim

Sa pagbilog ng buwan liwanag ay akin

Wagas na pag-ibig ating sasariwain.

Berso ng mga pusong umiibig, nagpapatianod sa malamlam na liwanag ng buwan hanggang sa sumuko at iladlad ang nais na maganap sa magdamag.

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Mga Tula ng Puso, Panitikang Pilipino, Titik Pinoy and tagged , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to Alipin ng Buwan

  1. Salome says:

    Yanu, para saan pa ang makabagbag damdaming tula na ito kundi upang maipahayag ang saloobin ng isang taong may wagas na paniniwala sa tunay na pag-ibig at pagtitiwala. Aking kaibigan ating ipagpatuloy ang paghabi ng masasayang alaala at pag-aambag sa karunungan ng walang pag-iimbot. Sa pagkakataong ito nawa’y mas maging matibay ang iyong bagong tahanan, puno ng mabubuting kaibigan at karunungan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s