Sirang Bicol

Magayon daw ang mga taga-Bicol. Ang bulkang Mayon na sa libro ko lamang dati nakikita ay abot-kamay ko na. Kahit saan ka maglibot sa Kabikulan ay tanaw na tanaw ang bulkan. Madamot magpasulyap kapag patanghali na, ang mga ulap ay tila mga gwardiya-sibil sa nag-iisang reyna ng Bicol.

Tumikim ng walang ka-anghang anghang na SILI na nilahukan ng baboy. Tingnan mong maigi ang larawan ng Bicol Express, halos sili. Mag-iinit ka talaga. ‘Yong mga nasa Maynila na mahilig sa ulam na ito, dapat masubukan ‘nyo ang lutong Bicol talaga. Mahilig ang mga Bikolano sa ginagataang ulam na paborito ko din naman.

Nasaan ako sa larawan? Tukuyin. Palalagpasin ko bang makita ang makasaysayang simbahan ng Cagsaua? Nasa kasaysayan ng Pilipinas ang kuwento ng simbahang ito na nalubog dahil sa pagsabog ng Bulkang Mayon noong ika-labing walong siglo.

Kung hindi pa pinagdausan ng makasaysayang Survivor ang Caramoan, sino ba ang makakaisip na maglunoy ‘don kungdi ang mga sibol din doon. Pero ngayon, aba kapag daw nanggaling ka ng Caramoan, kahit maging ulikba ka pa sa kaitiman, proud na proud ka dahil sa di matatawarang karanasan. Ang bayan ng Caramoan sa Bicol ay isang peninsula at hindi ganap na isla.

Ang likas na kagandahan ng isang bagay ay wala sa kung anu-anong mamahalin at hindi maabot na pangarap, minsan nasa paligid lamang na may buhangin, may tubig at may mga kasamang marunong magsaya. ‘Yon ang masayang pamamasyal. Sa Bugtong ito pero ang tawag na ngayon  ay Isla Soledad.

Hanapin nyo ulit ako sa larawan. Sa Lahus Island ito, sa Caramoan pa rin. Ang Lahus ay magandang lugar para paglanguyan, kabilaan ‘yong isla. Luntian ang kapaligiran, masagana ang kasiyahan.

For modeling, please contact J. Kulisap’s road manager. TnT. Salamat Salome sa pang-magasing pose na ire. Kainaman

Noong mga unang taon daw kapag pupunta at babalik ng Caramoan Peninsula, ang mga napapasyal na turista at mga lokal doon ay isa-isang binubuhat ng mga kargador sa kanilang balikat pero ngayon, ‘ayan na, may lumulutang ng malaking “lego” na ‘yari sa kahoy at drum. Hindi ba’t mapamaraan talaga tayong mga Pilipino? Tunay nga, tayo’y umuusbong na. Uwian na ‘to mula sa apat na araw na pamamalagi sa Bicol.

Hindi sapat ‘yong apat na araw para libutin ang kagandahan ng Bicol. Lagi’t lagi, tunay na magiliw ang mga Pilipino sa panauhin. Kahit saan, at dapat natin itong laging isinasabuhay hindi lamang sa mga banyaga lalo’t higit sa ating kapuwa Pilipino. Salamat Bicol.

Sa ikatlong SONA ng pangulo ay nabanggit ang tungkol sa turismo ng ating bansa. Ang pagpapalakas sa turismo ay isa sa maraming layunin ng kaniyang administrasyon. Kung sa bansang Malaysia daw ay nagkaroon ng mahigit 24 na milyong turista noong taong 2011 at sa Thailand naman ay mayroong 17 milyong turista, nakakalungkot palang isipin na wala pa sa kalahati ang mga turistang bumibisita sa nabanggit na mga bansa ang napupunta sa Pilipinas. Kung iisipin nagmumura at naninigaw sa GANDA ang ating bansa kung likas na yaman at tanawin din lamang ang pag-uusapan. Baka ‘yong mga namamasyal sa Thailand at Malaysia, ilang libo diyan kung hindi man milyon ay mga Pilipino.

Maglakbay ka naman sa bansa natin.

Maaari mo ding ibahagi ang masaya mong bakasyon sa ibang bahagi ng ating bansa.

0517-21-2012

About these ads

About J. Kulisap

Ako si J. Kulisap. Kayumanggi ang damdamin ni J.Kulisap. KAINAMAN
This entry was posted in Bayang Pilipinas, Kulturang Pilipino, Lakbay Pilipinas and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

19 Responses to Sirang Bicol

  1. palakanton says:

    naligaw ata ako ng pasok, kay j.kulisap ba eto, just kidding..
    ganda nman sa bikol.
    talgang kulang nga ang 4 na araw sa gnyan escapade.

  2. powtek! napamura ‘ata ako sa posing… dati’y jpeg lang ang tini-tinker ng mga may alam sa technology. look at IT’s progress now, pambihira… ^^ kidding aside, ang ganda ng shot ng aplayang may mga bangka – ang husay, ganda… :) hala, meron din akong kuha noong first photo – sa Embarcadero… turista sa sariling bayan, hello! :)

  3. Konting bawas pa sa kriminalidad at katiwalian, ilalampaso na talaga natin ang ibang mga bansa sa dami ng turistang dumadalaw. Ganda ng bulkang mayon.

  4. JH Alms says:

    masubukan ngang dalawin ang bicol.. dahil wala akong takot sa almuranas at mahilig din naman ako sa mga maaanghang, hahamunin ko ang sarili kong tikman ang bicol express na gawa mismo ng mga taga-bicol.. siyempre, sa pagkain lang naman ‘yun.. ‘yung iba pang idadagdag ko sana sa komentong ito eh yung tungkol sa lahat na pwedeng pasyalan du’n.. kaso wala pa kasi pupunta pa lang naman.. hehehe

  5. Christeen says:

    Ginutom ako sa bicol express na yan :) sa susuno tikman mo rin ang ginataang paksiw nila – dabest. Sasusunod din pupuntahan ko Caramoan ;) tas Thailand at Malaysia haha..

  6. WP says:

    TNT ako dun sa picture ng Cagsawa Church! Ang ganda ganda pala talaga sa Bicolandia! Na miss ko bigla yung ginataang sitaw pati yung Pili nut na galing bicol :D

  7. chilledhoney says:

    I agree! Many timesI have been there, by land or by air, the travel is always well worth it….

    Ay MAGAYON talaga ang bicolandia! Ang babait pa ng mga tao jan. Minsan kong naiwan ang wallet at cellephone ko sa isang tricycle. Pagbalik ko after a week, ung driver pa mismo ang nagbalik, nang di ako nag eeffort na hanapin sya. Nanghingi lang ng pang jollibee para sa anak na kasama…. hihihi syempre natuwa ako, higit pa sa jollibee ang binigay ko. :)

    Uy, Kulisap, kaganda ng iyong pose, pang FHM (teka nahihilo ata ako?hihihihi) pa autograph kapatid pag sikat ka na ha?

  8. tabianmuch says:

    wew! tumatravel blogger ang peg..ayush!!

    ganda ng shots, yung may bato at yung Cagsaua…pati na rin yung nagsusumigaw na maskels at naghuhuminding abs..kasama ba yun ser J sa eexplore sa Bicol? hehehehe :D

  9. jela says:

    nice experience po… The view is absolutely amazing. Want to travel there

  10. cheesecake says:

    next time kilala ko na kung sino babatiin ko sa mrt. unless pagupit ka. hehe.

    nice set of pictures by the way. sana makapag lakbay Pilipinas din kami soon.

  11. (inggit mode ON)
    I so love travel photos! 4 pasyal days = heaven!
    “Maglakbay ka naman sa bansa natin.” — amen to that sir.
    Trabaho-slash-ipon mode kami ngayon. Target naman namin dayuhin ang CWC (Camsur) sa susunod na summer :)

  12. Rj de Lemos says:

    naghuhumiyaw ang abs na nakapack!LOL

    ganda naman dyan.

  13. hello, salamat sa boto, kapatid… may tanong pala ako – ba’t di tinabunan ng mas maraming halaman ang loiterer na nakasalampak ng upo sa may promenade ng Embarcadero? ahihi. ^^
    di nga… just my thoughts, kung mamarapatin, haha. isip ko lang, first photo yon sa series, wala sanang masyadong extraneous materials, kumbaga… peace, kulisap! gala ka, gala… ;)

  14. aninipot says:

    Sabihin mo kaya ka nag post nito dahil nang-iinggit ka! hahaha

    May taong naging puno sa gilid ng bell tower ng Cagsaua Church. Hehehe!

    Darating ang time, invite ko rin kayo na pasyalan ang surigao. Para makita nyo ang nakatagong paraiso dun.

  15. superjaid says:

    nagtour din kami sa bicol at taga doon ang side ng mama ko pero kahit ilang beses na rin akong nakapunta doon kulang pa rin yun para makita ko lahat ng ganda ng bicol. ang ganda ng shot nung cave. super napawow ako. =D

  16. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

  17. bagotilyo says:

    ewan ko nga ba bakit hindi nila nililinang ang kung anong mayroon na tayo…

    PAra sakin isa pa din ang pilipinas sa pinakakamagandang lugar sa mundo :)

    si maskman ka ba tay?

    hahahaha….

    nga pala ang lagay ba eh ganyan ganyan .. nasan na ang pasalubong? tnt

  18. jondmur says:

    ganda naman… sana makapunta din ako diyan…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s